Putok vs. Suntok

664 18 9
                                    


"Sa mid!" sigaw ni Alucard sa kanyang mga kakampi.

"Parating na ako!" sagot namn ni Harith pagkatapos niyang makuha ang buff.

"An ally has slain the turtle!" sabi ng announcer.

"Good job, Granger," sabi ni Alucard. Dahil parating na ang mga kalaban sa mid lane, agad nagtago ang tatlo sa bush para ma-ambush sina Gord, Moskov at Zilong.

"Ako unang aatake," sambit ni Alucard at nang walang kamalay-malay ang tatlong kalaban, ginamit ni Alucard and kanyang first skill na syang kinagulat ng tatlo.

"Heroes never fade!" sigaw ni Zilong sabay activate ng special skill niya.

Agad namang lumitaw si Harith kasabay ng pag-activate niya ng special skill nya kaya't bumagal ang galaw ng tatlong kalaban.

"Let's make this quick," sabi ni Granger sabay activate din ng ultimate skill nya.

"Triple kill!"

"EZ," proud na sabi ni Granger sabay punas ng kanyang baril.

"Granger!" sigaw ni Harith. Napalingon naman si Alucard sa kaniya.

"Patay!" sigaw nito.

Napalunok na lang si Granger nang makita ang marka ni Aldous sa taas ng ulo niya. Ang mas malala pa dun, nka-500 stacks na ito.

"Harith, humanda ka na. Wala nang pag-asa si Granger kaya tulungan tayo para patayin si Aldous!" sabi ni Alucard. Napatango nalang si Harith sapagkat isang suntok nalang ang kanilang kakampi.

"Tangina nyong dalawa!" sigaw ni Granger bago siya tuluyang namatay pagkatapos masuntok ni Aldous.

"Enemy triple kill!"

"RIP sa inyong tatlo," sambit nina Angela at Minotaur na hindi nakaabot sa midlane para tulungan ang tatlo nilang kasama.

"Yun yung EZ," sabi ni Aldous bago isunod na sirain ang tore.

"Saan yung tank nung kailangan natin siya?" sabi ni Harith.

"Nagfafarm ang hayop," inis na sabi ni Granger.

"Malamang," sagot ni Minotaur, "Baka ako eh. Alangan namang bato kainin ko, edi mawawala lahi ni Grock."

"Pigilan niyo ako!" sigaw ni Granger sa galit. "Babarilin ko yang baka na yan!"

"Animal abuse yun, dude," sambit ni Minotaur bago umalis at pinuntahan si Angela na nasa bot lane.

Mobile Legends AnthologyWhere stories live. Discover now