CHAPTER 1

1.9K 40 0
                                    

Kate Pov:

"Kagaya ng sinabi ni Sir Nicholas ay lumabas nako ng office niya at bumaba hinanap ko si manang Luisita at nakita ko siya sa kusina at nagluluto."

"Ikaw pala hija ano kamusta tanggap kaba?"

"Ah opo manang. Uhm ano po saan po yung kwarto ko?"

"Sge teka lang at tatawagin ko lang si Jane para siya ang magtuloy nitong niluluto ko."

"Sge po." Pagkatapos ay tinawag niya kuno si Jane.

"Jane ikaw muna ang magtuloy nito dahil ihahatid ko pa si Kate sa kwarto niya."

"Sge po manang Luisita." Masiglang ani niya at tumingin sakin at nginitian ako kaya nginitian ko din siya. Pagkatapos nun ay umalis na kami ni manang Luisita at dumiretso kami sa gilid ng hagdan at may nakita akong pinto, ngayon ko lang ito napansin kung sa bagay busy kasi ako kanina kakamasid sa bahay sobrang ganda ba naman kasi. Binuksan ni manang ang pintuan at may nakita akong higaan na halatang pang isahang tao at sa tabi nun ay lampara at meron ding maliit na kabinet, may nakita ako sa paanan ng higaan na pinto kaya binuksan ko yon at maliit lamang na cr.

"Hija eto ang magiging kwarto mo, o'sya mag pahinga ka muna at maya maya dadating na kambal na yon sge iwan na kita."

"Sge po at saka salamat po." Ngumiti lang siya at saka ako iniwan. Tinignan ko ang aking kwarto at ok na din, umupo ako sa kama at medyo matigas pero okay na din. Hays ano kaya itsura ng anak ni sir Nicholas lalaki kaya oh babae at lalaki hays makaligo na nga. Pagtapos kong maligo ay inilagay Kona sa kabinet ang mga damit ko. Habang nagmumuni ako ay diko namalayan na nakatulog nako. Nagising lang ako ng makarinig ako ng busina na nasa tingin ko ay mga anak na ni sir Nicholas kaya naghilamos muna ako bago lumabas. Nakita ko si manang na naghahanda ng pagkain, habang si sir Nicholas ay pababa ng hagdan. Infairness ang pogi ni sir habang naglalakad.

"HI DADDY" malakas na sigaw ng batang lalaki kay sir lumapit naman si sir sa bata at hinalikan sa noo.

"Hi dad" bored na sagot naman nung isa, at syempre hinalikan din ni sir sa noo. Ako sir san yung kiss ko. Tinampal ko ang aking pisngi bwisit Kate umaano nanaman yang kalandian mo.

"Are you okay?" Baritonong boses ni sir ang nagpabalik ng aking ulirat. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din sakin ang twins. Kaya ngumiti ako ng alanganin, bwisit nakakahiya naman.

"O-ok lng p-po a-ko sir." Tumango lang siya at saka tumingin sa kambal. Grabi ang pogi din ng anak ni sir kamukang kamuka niya, grabe ang galing naman lumangoy ng mga sperm cell ni sir haha..

"Kids, she will be your nanny."

"Hi my name is Adrien Templeton". Nakangiti pakilala niya. Infairness ang ganda ng ngiti niya ano pa kaya sa tatay nila.

"Hi my name is Adrian Templeton." Bored na sagot niya. Hays grabe di man lang siya ngumiti oh ano basta nakasimangot lang. Alam kona kay sir siya nagmana kasi di rin ngumingiti si sir e.

"H-hello kids ako nga pala si Keisha Kate Navarro." Kumaway ako sa kanila. Nginitian ako ni Adrien pero si Adrian ay tinignan lang ako. Nakakalungkot naman nun.

"Okay kids be kind to her okay?"

"Ok dad." Magkasabay nilang sagot sa Daddy nila.

"Let's go kakain na tayo." Pagkatapos nun ay pumunta na sila sa kusina syempre sumunod lang ako sa kanila. Nilapitan ko si Adrien.

"Uhm Adrien anong gusto mong kainin?" Tinuro niya ang adobo. "Ah sige." Kinuha ko yon at sinandukan siya. Tinignan ko naman si Adrian.

" Uhm Adrian ikaw ano-

"I can handle myself." Bored na sagot niya.

"Sge po." At nagsandok nga siya grabe si Adrien lang ang pumansin sakin. Pagtapos nilang kumain ay dumiretso na sa office si sir at ang kambal ay sinamahan ko sa kwarto. Pagtapos nilang maligo ay pinatulog kona sila nginitian ko si Adrien.

"Goodnight Adrien"

"Goodnight din yaya" pagkatapos kinumutan ko na siya. Sumunod naman si Adrian.

"U-uhm goodnight Adrian."

"Goodnight" Pagkatapos kong kumutan si Adrian ay lumabas nako ng kwarto. Bago ako umalis ay tinignan ko muna ang office ni sir. Ano kaya ang trabaho ni sir, magdamag ba siyang magtatrabaho. Ano kaba Kate bakit kaba nag aalala sa kanya tandaan mo andito ka lang para sa pamilya mo.

Pagkatapos nun ay dumiretso nako sa kwarto ko dahil busog pa naman ako ay di nako kumain at natulog nako.

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now