CHAPTER 15

1.2K 39 0
                                    

Kate Pov:

2 DAYS na nung umalis sila manang, at 2 days nadin akong di makatulog ng maayos dahil diko padin makalimutan ang nangyari sa kwarto ni sir.

Piling ko, nasa pagkababae ko padin ang pagkalalaki ni sir. Ayts nakakainis.

Lumabas nako ng kwarto ng maalala ko na may pasok ang kambal, kaya dumiretso na ako ng kusina at naghanap ng pagkain sa ref, at kokonti na lang ang stocks kaya balak kong pumunta ngayon sa palengke.

Kumuha lang ako ng hotdog, ham, et cetera. Pagkatapos nun ay binuksan kona ang stove.

Habang nagluluto ay nagkanta kanta ako kahit na sintunado ako.

Giniling giling ko pa ang pwet ko, sinamantala kona kasi ako lang naman mag isa sa kusina dahil alam kong tulog pa sila.

I love it when you call me señorita
I wish I could pretend I didn't need ya

But every touch is ooh, la-la-la
It's true, la-la-la

Ooh, I should be running
Ooh, you know I love it when you call me señorita

Umikot pa ako habang hawak ang sandok.

I wish it wasn't so damn hard to leave y-

"Ahh anak ng tipaklong." Napapikit na napahawak ako sa dibdib ko. Tinignan ko si sir at nakasandal siya sa hamba ng pinto habang nakalagay ang dalawang braso niya sa dibdib.

Yumuko siya at mahinang tumawa siya na napaka seksi sa pandinig ko.

Pagkatapos niyang tumawa ay bumalik sa pagiging seryoso, nagtama ang aming mga mata.

Nagsalita ako. "A-ah s-sir k-kanina p-pa b-ba kayo? Naiilang na tanong ko.

"Yeah." Nanlaki ang aking mata, di kaya nakita niya akong gumiling. Napapikit ako, shuta ka Kate nakakahiya hinga malalim Kate.

Nang magmulat ako ng mata ay muling nagtama ang aming mga mata. Nginitian ko siya dahilan upang matulala siya. Hmp, anyare?

Magsasalita na sana ako ng makaamoy ako na parang nasusunog.

"Oh fuck! Kate yung niluluto mo." Nagmamadaling lumapit si sir at pinatay ang stove.

Tumingin siya sakin at saka nag iwas ng tingin, napahawak siya sa kanyang sintido.Napayukong humingi ako ng tawad.

"P-pasensya n-na p-po." Pumiyok bigla ang aking boses. Diko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko, paano kung galit siya kasi muntik nang masunog. Naiimagine ko pa lang na mawawalan ako ng trabaho ay naiiyak nako.

"Why are you crying?" Nagtatakang tanong ni sir.

Kesa sagutin ang tanong niya, ay pinagpatuloy ko lang ang pag iyak.

Napapasabunot sa buhok si sir dahilan upang lumakas ang iyak ko naiisip ko na na aalis na ko dito sa bahay ay mas lalo akong naiiyak, saan na lang ako pupulutin neto.

Nataranta na si sir ng lalong lumakas ang iyak ko, kung nakikita lang ako ng ibang tao iisipin na lang nila na baliw ako o di kaya pinapaiyak ako ni sir.

"Hey, stop crying please, tell me why are you crying? Mahinahong tanong ni sir.

Suminghot singhot muna ako bago mag salita.

"Kasi po baka paalisin niyo po ako kasi muntik na pong masunog."

Tinignan ko ang reaction niya, may nakita ako sa mata niya na pagkamangha.

Tumawa ng mahina si sir dahilan upang mangunot ang noo ko, anong nakakatawa naiiyak na nga ko tapos siya tatawa lang?

"Ano pong nakakatawa sir? Nagsisimula nanaman akong umiyak.

"Hey stop crying ok, I will not fired you ok." May ngiti sa labi na saad ni sir. Nabuhayan ako bigla sa sinabi ni sir.

"T-talaga p-po?" Bigla na lang ako nabuhayan ng sabihin ni sir na hindi ako matatanggal.

Napahawak sa sintido si sir. "Yeah kaya stop crying ang sakit sa tenga e." Sa sobrang tuwa ko ay nilundag ko si sir ng yakap. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero sobrang saya ko kasi akala ko matatanggal ako.

Kung yung iba iisipin para akong tanga, kasi maliit na bagay lang iniiyakan kona, pero mali sila ayaw ko nang umalis sa bahay na ito sapangkat napamahal na ako sa mga tao dito lalong lalo na si sir.

Nabalik lang ako sa kasalukuyan ng maramdaman kong inilagay ni sir ang dalawang braso niya sa likod ko. Napangiti na lang ako na medyo kinikilig.

Nilagay ko ang aking ulo sa leeg niya at grabe sobrang bango. Sininghot singhot ko pa ang bandang leeg niya ang bango kasi.

"Hey what are you doing?" Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakakunot ang noo niya.

"Inaamoy po ang leeg niyo." Inosenteng sinagot ko siya, at pinagpatuloy ang pag amoy sa leeg niya. Ewan ko baka maging motto kona ang palaging pag amoy sa leeg ni sir ang bango kasi.

Di na lang muli nagsalita si sir.

"Ok na po sir, bababa napo ako." Bababa na sana ako ng hinigpitan ni sir ang yakap sakin na naging dahilan upang lumaki ang aking mata.

"S-sir.. nauutal na tawag ko sa kanya.

"Stay." Mahinang saad ni sir.

Dina muli nagsalita si sir, namayani ang katahimikan na ang aming hininga lang ang maririnig. Dahil di ako sanay na tahimik lang ay nagsalita na ako.

"Sir."

"Hmm." Umungol lang si sir habang abala sa paghagod sa likod ko. Nakaramdam nanaman ako ng pag init sa katawan. Ngunit nagsalita padin ako.

"A-ah kaano ano niyo po si ma'am Ella? Bagay na matagal ko nang gustong itanong sa kanya pero kinakain ako ng hiya. Pero buti na lang naitanong kona kay sir.

"Friend." Tipid na sagot ni sir, aytss bakit ba napakatipid niya magsalita.

"Ah, sir mamamalengke po sana ako mamaya kasi po wala na po tayong stock ng pagkain."

"Samahan na kita." OMG kinilig ako dun ah pero syempre ayoko namang abalahin si sir noh, atsaka may trabaho pa siya.

"Dina po sir mag papasama na lang po ako sa driver atsaka po may trabaho pa po kayo diba?

"I'm the boss, I can be late, atsaka meron naman mag aasikaso ng kumpanya ko kahit na wala ako." Wow haba nun ah.

"Kahit na sir di naman po pwede na iasa niyo po sa tao lahat noh nakakapagod din po kaya."

"Yeah your right, are you sure? ayaw mo talagang samahan kita?

Kulit ni sir. "Oo nga po ok lang po ako atsaka kasama ko naman po yung driver e." Humarap ako sa kanya at nginitian ko siya. Bigla na lang siyang natulala ng makita niyang nginitian ko siya. Hehe ang cute ni sir.

Nanlaki ang mata ko nang palapit ng palapit ang mukha ni sir sakin, at halos maduling na ako ng sobrang lapit na ng mukha namin. Konti na lang ay pwede nang magdikit ang labi namin.

Di kaya hahalikan ako ni sir. Bumaba ang mata ni sir sa labi ko. Napakagat labi tuloy ako. Iniangat ni sir ang kamay niya papunta sa labi ko at pilit na tinatanggal ang pagkakagat ko sa labi ko.

"Don't bite." Mahina ngunit may diin na saad ni sir. Pinaghiwalay ko ang mga labi ko, nagulat ako ng pasadan ng hinlalaki niyang kamay ang lower lip ko.

"Your so beautiful." Namula ang magkabilang pisngi ko ng sabihin niya ang mga katagang yon. Bigla na lang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko.

"Ikaw din po sir ang pogi niyo." Natatawang binitawan niya ang labi ko at maingat na ibinababa na akala mo ay babasaging salamin ako na dapat ingatan.

"Let's cook." Nakangiting saad ni sir. Nahawa ako sa ngiti ni sir kaya masayang tumango ako. At yun nga pareho kaming nakangiti habang nagluluto minsan naman ay nag aasaran kami. Kinikilig nga ako kasi para lang kaming mag-asawa e. Landi.

(PINALITAN KO PO YUNG PANGALAN NI ZACHARY GINAWA KO NA PONG ZANDER PARA MAIKSI)

DON'T FORGET TO FOLLOW, COMMENT, AND VOTE TY MWAMWA ❤️❤️

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now