CHAPTER 11

1.3K 38 1
                                    

KATE POV:

KINABUKASAN ay maaga akong nagising upang ipagluto ang mag ama, nagtataka kayo kung bakit ko gusto lutaan ang mag ama dahil wala lang haha.

Nagluto lang naman ako ng hotdog, ham, tocino, atbp, dahil may natira namang kanin ay sinangag ko na lang dahil sayang.

Pagkatapos kong lutuin lahat ay nilagay kona sa lamesa at pumunta nako sa second floor upang gisingin ang kambal. Nakasalubong ko pa si manang na kakalabas lang ng kwarto. Ang sabi niya ay magdidilig muna siya ng halaman sa bakuran.

Pagkatapos nun ay umakyat nako, pagpunta ko sa kwarto ng kambal ay tulog padin kaya sapilitan ko silang ginising dahil kakain na, pinahilamos ko muna sila bago kami lumabas ng kwarto nila.

Nadaanan namin ang room ni sir, kakatok na sana ako ng kalabitin ako ni Adrian kaya nabaling ako ng tingin sa kanya.

"Tara na ate Kate." Nakahawak sa tyan na saad niya.

Nagtatalo ang isip ko kung kakatok muna para kumain nadin si sir oh si Adrian na nagugutom na. Kaya bumaba na kami ni Adrian kasi nauna na sa baba si Adrien.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa di kakain si sir tapos, balak ko sana sabay sabay kami kumain ngunit di na ata mangyayari yon kaya next time na lang.

Pinakain ko muna sila bago ako sumunod na kumain dahil nauna nang kumain sila manang. Dahil weekends naman ay nasa kwarto ang kambal at ewan ko kung anong ginagawa nila dun.

Umalis si manang dahil naubusan na kami ng stock kaya bumili siya sa palengke.

Naghuhugas kami ni Liza dahil ang dalawa ay naglalaba, ako naghuhugas tapos si Liza ang nagpupunas.

Tinignan ko Liza at seryoso lang naman siya sa ginagawa niya. Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Hoy utang mo." Dun na siya lumingon. Nakasimangot lang naman siya, pagkatapos nun ay binalik na niya ang tingin sa ginagawa.

Siniko ko siya dahil di man lang siya nagsalita. "Hoy utang mo." Mabigat na bumuntong hininga si Liza, aba lalim nun ah.

"Break na kami." Abat iniba ba naman ang usapan utang sabi ko hindi jowa niya. Tsk.

"Oh tapos?"

"Wala, pangit mo kabonding. Kesa icomfort moko, parang di kaibigan e."

"Ok ok sorry na."

"Hmp." Tampo tampo pa di naman bagay haha.

"Btw, yung utang ko sa lunes ko na lang babayaran, wala pakong pera e." Tumango na lang ako.

Magsasalita pa sana ako ng makarinig kami ng sigaw sa sala.

"Hey fucker Nicholas." Boses lalaki ang sumigaw.

"KYAAAAAAAAH." napatakip bigla ako ng tenga ng sumigaw si Liza. Binatukan ko si Liza, grabe ang sakit sa tenga kaya.

Hawak ang ulo na binatukan ko ay nakasimangot na lumingon siya sakin. "Aray ko naman." Aba't nag pout pa.

Humahagos na pumasok ang dalawa, hawak ang tuhod na huminto sila sa harap namin.

"Anong nangyayari." Hinihingal na saad ni Claire.

"Oo nga, ikaw Liza bakit ka sumigaw." Hinihingal din na saad ni Jane.

Magsasalita pa sana ako ng makarinig ulit kami ng boses.

"Hey ladies." Sabay sabay kaming tumingin sa pinto ng kusina at nakita namin ang lalaki, sa tantsya ko ay kaibigan ni sir Nicholas ewan.

Nakasuot siya ng black shirt na fit sa katawan kaya bumabakat sa shirt niya ang dibdib niya medyo malaki kasi yung katawan niya.

At ang pang ibaba naman niya ay jeans. Gwapo ah.

Sabay-sabay na bumati ang tatlo. "Good morning sir Ethan." Nilingon ko si Liza at Jane na kinikilig.

Nilingon ako kuno nung Ethan. Halata sa mukha niya ang pagtataka syempre eto ang una naming pagkikita e.

Yumukod ako ng konti at nagpakilala. "Ako po si Kate nanny po ng kambal. Nang tignan ko siya ay nakangisi siya.

Magsasalita pa sana siya ng binatukan siya ni sir Nicholas, di niya ata napansin pati rin naman kami ay di namin napansin dahil nakatutok lang ang aming paningin kay sir Ethan.

"Oh fuck you Nicholas." Galit na saad ni Ethan. Nang tignan ko si sir ay sakin siya nakatingin. Nagtama ang paningin namin, bigla nanamang tumibok ang puso ko dahil dun, kaya ako na nag unang nagbawi.

Ipinagpatuloy ko ang paghuhugas pati si Jane at Claire ay umalis na para ipagpatuloy ang naudlot na paglalaba. Pero bago sila umalis ay sabay pa nilang binatukan si Liza kaya natawa ako.

Diko na alam kung san nagpunta si sir Nicholas at sir Ethan. Pagkatapos kong maghugas ay pumunta ako sa kwarto ng kambal para tignan sila.

At ayun tulog na sila kaya umalis nako. Pagkababa ko ay saktong bumukas ang pinto at sabay pumasok ang dalawang lalaki. Tinignan ko sila at sobrang gwapo nila.

Ngunit seryoso ang mukha nila, napalingon sila sakin, at tinignan nila nagulat yung isa at yung isa naman ay walang ka emosyon. Sino ba sila.

Pero baka kaibigan din ni sir Nicholas yung dalawang Adonis na ito. Haha.

Yumuko ako konti at binati sila. "Good morning po sirs." Yung lalaking may hiwa sa kilay ay ngumiti. Pak ang gwapo. Yung lalaki naman na may hiwak sa kaliwang tenga ay seryoso.

Lumapit sakin yung may hiwa sa kilay. "Hi miss." Nakangiting saad niya sakin. Alanganin akong ngumiti." H-hello p-po s-sir." Nautal nako dahil ang lapit niya sakin.

"I'm Blake and here with me is Zander." Nagpakilala din ako.

"Ako naman po si Keisha Kate." Nakangiti kong pakilala sa dalawang Adonis.

"What a beautiful name." Nakangisi na si sir Blake, nagulat ako ng kunin niya ang aking kamay. Hahalikan na sana niya ang kamay ko ng may magsalita sa likod ko.

"Back off! Once you applied your lips to his hand, I wouldn't hesitate to kill you right now." Kulo ang boses na saad ni sir Nicholas.

Binawi ko ang kamay kay sir Blake at gumilid na yumuko. Nakakahiya baka isipin ni sir ay nilalandi ko ang mga kaibigan niya.

"What a possessive boyfriend." Kahit diko tignan ang mukha ni sir Blake ay alam kong nakangisi siya.

"Fuck you." Tumawa lang ng mahina si sir Blake at pati na rin si sir Zander.

"Where's Ethan." Saad ni sir Zander, nakakatakot ang boses niya. Mas malamig pa sa yelo ang boses niya.

"Yard." Maikling sagot ni sir Nicholas, nang tignan ko siya ay sakin siya nakatingin. Si sir Zander,naman ay tumango na lang at deretsong pumunta sa bakuran.

Pati si sir Blake ay sumunod na rin pero bago siya umalis ay kinindatan niya muna ako bago sumunod kay sir Zander, dahilan upang mamula ako.

Nang kami na lang ni sir Nicholas ay tinignan ko ang kabuun niya. Magulo ang buhok ni sir at naka sando lang siya, kahit na nakatago na sa puting tela ang katawan niya ay bumabakat padin lalo na ang abs niya. At nakapamulsa siyang nakatingin sakin.

Nang tignan ko ang itsura ni sir ay seryoso lang siya. Nang marealize niyang nakatitig siya sakin ay kumurap kurap siya at tumalikod na upang sundan ang mga kaibigan niya.

DON'T FORGET TO VOTE FOLLOW AND COMMENT TY MWAMWA ❤️❤️

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now