CHAPTER 6

1.3K 36 1
                                    

Kate Pov:

Nagising ako ng makaramdam ako ng uhaw, bumangon ako at hinanap ko kung nasaan ang tsinelas. Tinignan ko ang oras at pasadong ala una na, nagkusot kusot muna ako ng mata bago buksan ang pinto.

Pagbukas ko ay bumungad sakin ang madalim na sala, nagpunta ako sa kusina, pagbukas ko ng ilaw ay napahawak ako sa dibdib ko.

"Ay titing nakalitaw." Natuptop ko ang aking bibig eh paano bumungad sakin si sir na umiinom ganun padin ang suot ni sir nakapang opisina at andaming alak ang nakakalat.

Tsk. Saad ni sir na may ngisi sa labi. "Pasensya napo." Nakayukong dumaan sa harap ni sir, nakakahiya sinabi ko ba naman yon.

Kumuha ako ng tubig sa ref at diretsong nilagok ko yon. Pagkatapos ay binalik kona ang tubig sa ref at hinugasan ko ang baso, syempre binagalan ko lang ng konti.

"How are you Kate?" Malalim na boses ni sir. Ampogi.

"Ok lang po ako sir." Nang lingunin ko siya ay tumatango tango siya. Nang titingin na siya sakin ay binalik ko ang tingin sa hinuhugasan ko na baso.

Pagkatapos kong hugasan ang baso ko, ay sakto namang tatayo na si sir, pagewang gewang siyang maglakad. Nilapitan ko siya at agad hinawakan ang kanyang braso.

"Tulungan ko na po kayo sir." May kung anong dumaloy na kuryente sa katawan ko ng hawakan ko ang kanyang braso ngunit isniwalang bahala ko na lang.

"I can handle myself." Diko sinunod si sir tinulungan ko pa din siya hanggang sa pag akyat sa kwarto niya ay tinulungan ko siya.

Pagdating sa tapat ng kwarto ni sir, ay ako na ang nagbukas ng pinto pagpasok ay bumungad samin ang madilim na kwarto, kinapa ko muna kung saan ang switch ng ilaw nang mahanap ko ay binuksan kona.

Inalalayan ko pa si sir hanggang sa makahiga siya, tinanggal ko ang sapatos ni sir. Pagkatapos pumunta ako sa banyo ni sir.

Pagpasok ko ay sobrang laki ng banyo ni sir piling ko nga kasing laki na ito ng kwarto ng bahay namin sa Cebu. Merong bathtub na kasya sa dalawang tao, meron ding shower at may mga men shampoo rin.

Pagkatapos kong kumuha ng palanggana at tuwalya ay binalikan ko si sir, at nakatihaya na siya habang nakapikit. Umupo ako sa gilid niya at sinimulan kona punasan.

Habang pinupusan ko ang pisngi ni sir hindi ko mapigilan pagmasdan ang mukha ni sir, sobrang gwapo niya ang swerte ata nung nanay ng kambal si  ano kaya itsura ni ma'am Mika.

Habang nakatingin ako sa labi ni sir na mamasa masa at namumula na parang nilagyan ng lipstick may kung ano sakin na gusting halikan yon ngunit pinipigilan ko sapangkat amo ko siya at wala kaming relasyon para gawin ang bagay na iyon.

Pagkatapos kong punasan si sir Nicholas ay binalik kona ang palanggana sa banyo, pagkatapos ay binalikan ko si sir para kumutan gusto ko sana palitan ng damit si sir pero baka magtaka siya kung bakit iba na yung damit niya.

Pagkatapos kong kumutan si sir ay tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang aking kamay at hinila papunta sa katawan niya at halos lumaki ang aking mata ng halikan ako ni sir.

Yung first kiss ko nawala na kinuha na ni sir ang first kiss ko. Pagkahiwalay ng aming labi ay biglang nagsalita si sir.

"Iloveyou Mika." Ani ni sir. Pagkasabi nun ni sir ay dun na siya tuluyang nakatulog. May kung anong kirot sa puso ko ng sabihin yon ni sir.

Tumayo nako at umalis na sa kwarto ni sir, pagkalabas ko ay napahawak ako sa dibdib ko kung saan ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at halos bumaba ang puso ko ng makita ko si manang.

"Oh Kate anong oras na bakit gising kapa." Halata sa mukha ni manang ang pagtataka.

"A-ah uminom lang po ako ng tubig, pabalik na nga po ako sa kwarto ko eh." Kinakabahang saad ko kay manang.

"Ah ganun ba sige matulog kana." Pagkasabi nun ni manang ay dali dali akong pumanhik sa kwarto ko. Nilock ko pa yon pagkatapos ay humiga agad ako sa kama.

Napatili ako ng maalala ang nangyari kanina second time na nangyari nanaman at sa kwarto pa ulit ni sir. Una yung nakita ko si sir na nakahubad sunod naman ay kinuha niya ang aking first kiss na dapat ay sa mapapangasawa ko.

Napapasabunot ako sa buhok ko. Nag tignan ko ang orasan sa kwarto ko ay alas dos na. Pipilitin ko matulog dahil may pasok pa ang kambal bukas, Pero paano ako makakatulog kung laging bumabalik sa isip ko ang nangyari kanina, hanggang ngayon ay anlakas pa din ng tibok ng puso ko.

Siguro nakatulog lang ako ng makaramdam na ako ng antok ewan ko nga sa tagal ng pagtulala ko ay inabot nako ng umaga.

(BUKAS NA PO ULIT AKO MAG UUD)

(DONT FORGET TO VOTE FOLLOW AND COMMENT TY MWAMWA ❤️❤️)

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now