CHAPTER 8

1.3K 37 1
                                    

Kate Pov:

Pagkarating namin sa parking lot ng mall ay nauna akong bumaba para tulungan ang kambal na bumaba.

Pagkababa nila ay sabay sabay na kaming pumasok sa loob. Wow, ang ganda naman first time kong makapasok ng mall dun kasi samin eh puro taniman tapos di rin ako nakakamasyal sapangkat wala kaming pera.

Pero ngayon, nakapasok na ako sobra ang pagkamangha ko, soon dadalhin ko din dito ang kambal.

"First time?" Nilingon ko si sir, at may nakita ako sa mata niya ang pagkamangha di ko lang sure kasi seryoso na ulit si sir.

"A-ah o-opo sir." Naiilang na saad ko, nang tignan ko siya ay tumango tango lang siya pero di na siya nakatingin sakin.

"Daddy look dun po tayo." May itinuro si Adrien at ng tignan ko ay fun house.

Tinignan ni sir Nicholas si Adrian na seryoso at tahimik. "You son do you like it there?"

Bored na sumagot si Adrian. " Yes dad". Pero halatang napilitan lang kasi nag puppy eyes si Adrien sa kambal niya haha.

Nagpunta na nga kami at ayun naglaro na ang kambal kahit na ayaw ni Adrian ay napilitan na lang.

Pagkatapos maglaro ng kambal ay umupo muna kami sa malapit na bench.

Tumayo si sir kaya napatingin kaming tatlo sa kanya.

"Bibili lang muna ako ng ice cream, antayin niyoko dito. Nilingon ako ni sir. "Ikaw Kate gusto mo rin ba?"

"Ah opo." Pagkatapos nun ay umalis na si sir. Wala pang 20 minutes ay nakita namin si sir na papalapit. Grabe anlakas ng dating ni sir habang naglalakad. Napatingin ako sa mga babae na akala mo nilagyan ng asin sa sobrang kilig.

Nang makalapit samin si sir ay isa isa niyang binigay samin ang ice cream sa kambal ay vanilla at yung akin ay chocolate.

Habang dinidilaan ko ang ice cream, ay nakaramdam ako na parang may nakatingin sakin nang tignan ko kung sino ay si sir yun. Pero bakit namumula siya at pinagpapawisan tapos di pa siya mapakali.

Dinilaan ko muna ang ice cream, at nilapitan si sir.
"Sir ano pong nangyayari sa inyo."

"Don't mind me, b-basta ubusin mo na yang ice cream para makaalis na din tayo dito. Nahihirapang saad ni sir.

Kahit naguguluhan ay inubos kona nga ang ice cream. Pagkatapos nun ay bumalik na sa normal si sir. Anyare dun?

Pagkatapos namin ubusin ang ice cream ay naglaro pa ang kambal, hanggang sa nakaramdam na ng gutom ang kambal.

Balak sana ni sir Nicholas na sa Italian restaurant kami kakain ang kaso ayaw ng kambal gusto daw nila sa Jollibee kaya no choice si sir Nicholas.

May isang crew ang bumati samin. Pagkatapos nun ay pumasok na kami. Naghanap kami ng upuan at dun kami sulok umupo.

Tinanong ni sir kung anong gusto ng kambal at fries at burger lang. Binalingan naman ako ng tingin ni sir. "What do you want?

"U-uhm kahit kanin na lang po." Nahihiyang saad ko kay sir. Diko kasi talaga makalimutan na kinuha ni sir ang first kiss ko. Baka nakatatak na talaga sa utak ko yon.

"Yun lang ba?" Tumango lang ako. Kaya tumayo na si sir at pumila. Nang dumating na ang order namin ay kumain na kami.

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami. Habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa bintana ng kotse ni sir. Ang kambal sa backseat ay nakatulog na.

Tinignan ko ang kalangitan at mag gagabi na, eh paano kanina pa itong traffic di man lang matapos tapos kaya di rin kami makaalis.

Napabuntong hininga ako kaya napatingin sakin si sir, narinig niya ata ang pagbuntong hininga ko.

"Are you okay Kate?" Nang lingunin ko sir ay titig na titig siya sakin. Yung titig niya ay nakakapaso kaya agad akong nag iwas ng tingin.

Diko alam pero habang tumatagal ay nahuhulog nako, ewan ko ilang months pa lang ako sa kanila. Di pwede na ma inlove ako sa kanya, dahil alam ko sa huli ay ako lang din ang masasaktan.

Nabalik lang ako sa ulirat ng magsalita si sir. "Kate".

"A-ah ok lang p-po ako sir." Nakayukong saad ko.

Di na muli nagsalita si sir. Hanggang sa makauwi kami ay wala padin kaming imikan.

Pagbukas ko ng pinto sa backseat ay tulog padin ang kambal kaya no choice na buhatin sila. Kinuha ni sir si Adrian at ako naman ang kumuha kay Adrien.

Nang madala namin sa room sila ay tinignan ako ni sir. "Ikaw nang bahala sa kambal." Tumango lang ako. Nang ilang minuto na di ako nagsalita ay lumabas na si sir.

Nilinisan ko ang kambal, nahirapan pako kasi ang gulo nila. Nang matapos ay kinumutan kona ang kambal pagkatapos ay dumiretso nako sa kwarto ko.
Naligo muna ako pagkatapos ay nahiga nako sa kama.

Habang nakatingin sa kisame ay nakaramdam nako ng antok hanggang sa nakatulog nako.

(SENSYA NAPO KUNG MAIKSI YUNG UD KO KASI MASYADO PAKONG LUTANG)

(DON'T FORGET TO VOTE FOLLOW AND COMMENT TY MWAMWA ❤️❤️)

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now