CHAPTER 26

1.1K 25 0
                                    

Kate Pov:

Pagpasok namin sa loob ay aligagang aligaga silang kumilos, nagtaka naman kaming apat.

Magsasalita pa sana ako ng lumapit sa gilid ko si nanay at napangiwi ako ng kurutin niya ang tagiliran ko. Hinimas himas ko naman yung kinurot niya.

"Ang sakit po." Napapangiwing reklamo ko, di pa naman ako naghanda. Bumulong si nanay sa tenga ko.

"Magluto tayo sa kusina at nakakahiya naman sa boss mo."

"Nay naman." Reklamo ko pero pinanlakihan lang niya ako ng mata kaya di na ako nagprotesta.

Aalis na sana ako ng hawakan ni sir ang braso ko kaya napalingon ako sa kanya. Wala na yung kambal kasi baka kinuha ng dalawa kong kapatid, para ata maglaro.

"Where are you going? Nakakunot ang noo niya.

Tinuro ko ang kusina namin nakita ko pa si nanay sa pintuan na inaantay ako ng makita niyang nakatingin ako ay pumasok agad siya.

"Magluluto kami ni nanay."

"Iwan moko dito? Magsasalita pa sana ako ng lumapit sa kanya si tatay.

"Hijo tara dun tayo sa sopa." Magsasalita pa sana siya pero hinila na siya ni tatay. Natawa ako ng makita sa mukha niya ang kaba.

Napalingon ako ng tawagin ni nanay ang pangalan ko. Kaya pumasok nako sa loob at tinulungan siyang magluto.

Pagkatapos naming magluto ay saktong pumasok naman si tatay at si Nicholas nagtataka ako kung bakit nakangiti siya. Ano kayang pinag usapan nila?

"Tatawagin ko lang po yung apat nay." Dahil nakaupo na sila ay tinawag ko na rin yung apat para makakain at sumabay samin.

Pagdating namin sa kusina ay kumakain na sila. Nilagyan ko ng apat na upuan sila. Buti na lang marami kaming upuan.

Katabi ng kambal ang kambal habang ako naman ay katabi ko sa kanan si Nicholas habang sa kaliwa naman ay si Adrien.

Nilagyan ko muna ng pagkain ang kambal.Bago ang akin. Sobrang tahimik namin kutsara't tinidor lang ang maririnig sa hapag kainan kaya ako na ang bumasag ng katahimikan at sasabihin ko na rin sa kanila na nililigawan ako ni Nicholas

"Uhm, ano nay tay si sir Nicholas po ay---" Di Kona natapos ang sasabihin ko ng magsalita si tatay.

"Boyfriend mo." Nanlaki ang aking mata sa sinabi ni tatay boyfriend kelan ko pa naging boyfriend ang hudas na ito. Napatingin ako sa kanya at nakatutok lang ang tingin niya sa pagkain pero kita ko ang lihim niyang pag ngisi.

"Tay ang toto----".

"Talaga naku ang pogi naman ng boyfriend nak bakit dimo sinabi agad na boyfriend mo na itong batang ito?

Napalingon ako kay mama at nakangiti siya pati na rin yung apat at si tatay. Napakunot noo naman ako.

Lumapit si mama sa bandang tenga ko at bumulong nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Magpaanak kana anak, basta gwapo magandang lahi na atsaka para wala nang kawala." Bumingisngis pa siya. Napailing na lang ako.

"Ate Kate."

"Hello." May nag wawagayway ng kamay sa harap ko kaya nabalik ako sa ulirat. Napasintido naman ako. Bwisit kasi si nanay kung ano ano yung pinag sasabi kaya ayun natutulala na lang ako.

"Ate Kate." Napaangat naman ang ulo ko at mukha agad ni Adrien ang nabungaran ko.

"Pwede na po ba kaming maligo, it so lagkit napo e."

Tumango lang ako at pinaliguan na siya tapos narin naman ng maligo yung tatlo siya na lang ang natitira.

Pagkatapos kong paliguan ang apat ay pinatulog kona sa kwarto ni Gelo at Gela. Dahil tatlo lang naman ang kwarto dito. Pagkatapos kong patulugin sila ay dumiretso nako sa kwarto ko at naligo na.

Napakunot noo ako ng makitang wala sa bahay si Nicholas. Saktong papunta ako sa kusina ng lumabas naman si nanay siya na kasi ang nagtoka na maghugas.

"Nay nakita mo po ba si Nicholas?

"Andun sila sa labas kasama si tatay mo nag uusap ata." Napatango na lang ako at umalis na sa harap ko si nanay.

Saan ko kaya patutulugin si Nicholas? Di naman pwede sa sopa namin dahil sa matigas na maliit pa e matangkad na tao pa naman yun atsaka baka di sanay si Nicholas.

Pumunta ako sa kwarto ko at kumuha ako ng banig atsaka tinapalan ko ng matigas na foam. Dito na lang ako at sa taas naman si sir Nicholas medyo malambot naman yung higaan ko e baka dun ay ok na sa kanya.

Saktong pagtapos ko mailagay ang magiging higaan ko ay pumasok naman si sir Nicholas. Napatingin naman siya sakin kaya tumayo ako.

"Uhm ano dito ka na lang po sa higaan ko tapos dito na lang po ako sa lapag, ok lang po ba sa inyo?

Lumapit ako sa higaan ko at pinagpag ko ng kamay ko ang higaan. Nakakahiya naman kung madumi at saka halatang di sanay sa ganto si sir.

"It's okay, ako na lang sa lapag." Pagkatapos ay nahiga kaagad siya.

"Ako na lang po diyan---." He cut me off..

"No more buts, matulog kana." Napakagat labi na lang ako at tumango.

Nahiga nako sa kama ko at tumulala sa kisame. Tulog na kaya siya? Gusto ko sana siyang silipin ang kaso baka mahuli niya ko edi nakakahiya yon. Pero gusto ko talaga e? Titignan ko lang naman kung tulog na siya o hindi.

Napatingin ako sa kanya ng tumayo siya nakapakunot naman ang noo ko.

"Di ako makatulog." Pagkatapos nun ay sumampa siya sa higaan ko kaya nagsiksikan pa kami dahil sa pang isang tao lang naman itong higaan ko.

"S-sir ano po ang sikip." Napaangat naman ang noo niya habang nakatingin sakin.

Niyakap niya ako at dinantay niya ang hita niya kaya nanigas ako sa kinahihigaan ko.

"A-ano p----"Diko na natapos ang sasabihin ko ng sunggaban niya ako ng halik.

Ynshii__02

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now