CHAPTER 10

1.2K 28 0
                                    

Kate Pov:

Nang dumating na ang sasakyan ni sir ay sumakay na kami. Habang nasa gitna nanaman ng traffic ay biglang nagsalita si Adrien.

"Daddy i'm hungry napo." Naka pout na saad ni Adrien habang hawak hawak ang tiyan. Lagi na lang gutom e.

Tinignan ni sir si Adrien sa rearview mirror ng kanyang sasakyan. "Where do you want to eat son?"

Hinawakan muna niya ang kanyang baba, hanggang sa may tinuro siyang restaurant, napatingin kami sa tinuro niya at Jollibee.

"Son dika ba nasasawa sa Jollibee."

"Hindi po daddy." Nasa mata niya ang pagkagusto na kumain, kaya walang choice si sir Nicholas kundi pumunta dun.

Nag drive thru na lang kami, at sa bahay na lang nila sir kami kakain. Binilhan din namin sila manang nang pagkain.

Pagkarating sa bahay nila sir, ay agad na bumaba ang kambal at dumiretso sa taas upang magpalit ng damit. Dala ang bag nila ay kasunod ko si sir papasok.

Dumiretso agad ako sa kwarto ng kambal at nakita ko silang nagpapalit ng damit.

Pagkatapos kong ilagay ang bag nila sa kama, ay bumaba na kami, dumiretso ang kambal sa kusina at ako naman ay dumiretso ng kwarto. Upang magpalit ng damit, dahil nangangati nako dahil din sa pawis.

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso nako ng kusina at nakita ko silang lahat kinakain na nila yung Jollibee.

Syempre sumalo na rin ako, pagkatapos nun ay umakyat na ang kambal at sila manang at yung tatlo ay nagpunta na sa kwarto nila. Si sir naman ay naiwan kasama ko.

Habang naghuhugas ay nararamdaman kong nakatitig si sir sakin, kaya medyo naiilang ako. Pero isiniwalang bahala ko na lang para matapos nako sa paghuhugas.

Binalot kami ng katahimikan kaya nagsalita nako ang boring e. "Ah sir." Umungol lang siya.

"Asan po yung mommy ng kambal?" Syempre kahit alam ko nang patay na yung mommy ng kambal ay gusto ko padin malaman kay sir.

Matagal bago nag salita si sir. "She's dead." Mahihimigan sa boses ni sir ang lungkot. "S-sorry po." Ano kayang nangyari sa mommy ng kambal?

Nagulat ako ng mag kwento si sir. "That time na nangyari yun ay nasa office ako, habang paalis ako ng office ko nun ay nakausap ko pa si Mika. Pero ang kambal ay nasa lola nila. Hmm, may lola pa pala ang kambal ano kayang itsura.

Pinagpatuloy padin ni sir ang kwento. "Ang saya ko pa nga nun, binilhan ko pa nga siya ng pasalubong e, but that's the last time i'll see him, because when I got home he was already bleeding. "I don't know kung anong nangyari sa kanya, bakit andun siya sa ibaba ng hagdan at duguan.

"Nakakalungkot naman po ang nangyari kay ma'am"

"Yeah". May lungkot na saad ni sir. Tingin ko namimiss na din niya si ma'am.

"Uhm kilala niyo po ba kung sino ang gumawa nun kay ma'am?

"Di namin alam pero, alam ko may cctv kami sa may bandang hagdan, pero sira na kaya ipinapaayos ko pa. Tumango tango ako. Grabe naman ang sinapit ni ma'am Mika sana makuha na niya ang hustisya.

Pagkatapos kong maghugas ay nagpaalam nako kay sir na pupunta na sa kwarto. Tumango lang siya kaya iniwan kona siya sa kusina.

Nicholas Pov:

I don't know, kung bakit kinwento ko sa kanya ang pagkamatay ni Mika, pero dahil panatag ang loob ko sa kanya. I miss Mika. I want to get the justice of his death.

Pero paano eh sira ang cctv. Fuck! Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa frustrated.

Umakyat nako sa itaas at dumiretso sa office, gusto ko muna magpakasubsob sa trabaho, upang makalimutan ko si Mika kahit saglit lang.

Tumayo nako dahil inaantok nako, I looked at the clock, and 2:00 na, di ko man lang namalayan ang oras pero mabuti narin yun upang makalimutan ko si Mika.

Pumunta muna ako sa kwarto ng kambal nilapitan ko sila at parehas na hinalikan ang noo nila bago lumabas at dumiretso papunta sa kwarto.

Di nako nagpalit ng damit dahil tinatamad nako. Humilata agad ako at pinikit na ang mata.

(MAIKLI MUNA DAHIL NAG IISIP PAKO NG IDUDUGTONG)

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now