CHAPTER 19

1.2K 28 0
                                    

Kate Pov:

Nakangiting akong bumangon sa aking higaan at naghikab. Pagkatapos nun ay hinanap ko sa lapag ng aking kama ang aking tsinelas at isinuot iyon.

Pumunta ako sa bintana ng aking kwarto at tinanggal ang kurtina na nagtatakpan sa siwang ng bintana.

Napangiti ako ng sumimoy sa aking mukha ang masarap na hangin. Abot sa bintana ng aking kwarto ang bakuran kung saan puno ng halaman. At sa gilid nun ay may pabilog na swimming pool.

Pagkatapos kong tumambay sa aking bintana ay pumasok na ako sa loob napatingin ako sa orasan at 5:30 na ng umaga. Kaya naligo muna ako bago lumabas.

Pagkalabas ko ay saktong lumabas din si Jane at Liza magkasama lang kasi sila sa iisang kwarto. At ganun din ay bagong ligo din sila.

Nginitian muna nila ako bago magtrabaho, kaya nagsimula na din akong maglinis dahil maaga pa naman.

Pagkatapos kong linisan ang loob ay pumasok ako sa kusina saktong nakasalubong ko si Jane. Siya muna kasi ang magluluto ng aming almusal.

May binigay na plastic sakin si Jane at sinabi niyang itapon ko daw sa labas kasi ngayong araw pupunta ang truck ng basura.

Tulad ng sinabi niya ay pumunta nga ako sa labas at inilagay sa gilid ng gate ang basura. Papasok na sana ako ng makita ko na may tumatakbong lalaki.

Naningkit ang aking mata dahil hindi ko makita kung sino yung lalaking yon, at nang papalapit na ang pagtakbo niya ay dun ko narealize na si sir Nicholas pala yon.

Bigla na lang nag slowmo ang pagtakbo ni sir, napakagat labi ako habang pinapanood siyang tumatakbo.

Grabe ang hot ni sir. Ewan ko ba pero habang nagsloslowmo ang paligid piling ko ay may background music.

Kagaya na lang ng ibang love movie na napapanood ko ay magsloslowmo ang paligid at may kasama pang background music.

"Hey." Nagulat ako ng makitang nasa harapan ko na siya at nagtatakang nakatingin sakin. Ni hindi ko man lang namalayan na nasa harap ko siya sabagay natulala na lang ako kay sir.

"Hey." Muling nagsalita si sir dahilan para pumikit ng paulit ulit ang aking mata. Kinaway kaway pa ni sir sa harap ko ang kanyang kamay.

Tabinging ngumiti ako sa kanya at nagtaas ng kamay para mag 'hi'.

"Morning po sir.". Tumango lang siya.

"What are you doing here? Nagtatakang tanong niya. Diko siya sinagot bagkus ay pinagmasdan ko siya grabe n-nakasando lang si sir na puti dahilan upang lumabas ang muscles niya at para din bumakat ang dibdib niya. Nagcrecraving tuloy ako de joke lang.

Napatingin ako sa pawis ni sir ng tumulo yun galing sa leeg niya pababa sa damit niya. Napalunok ako habang pinagmamasdan siya, may kung ano akong nararamdaman parang nag iinit ako.

Nabalik lang ako sa ulirat ng magsalita si sir.

"Hey Kate, tulala ka nanaman, sabi ko anong ginagawa mo dito? Natatawang saad ni sir.

Napakamot naman ako sa batok ano ba yan nakakahiya pero medyo lang sanay naman na ako e.

"Eh kasi sir inutusan ako ni Jane na ilabas yung basura e." Pagkatapos nun ay ngumuso ako. Nagpapacute ang ferson.

Napatingin si sir sa gilid ng gate at tumango tango. Napatingin ako sa gilid ng kalsada ng makita ko ang dalawang babae nagbubulungan habang nakatingin sa amin pero di sakin kundi kay sir.

Ewan ko pero nainis na lang ako bigla at nakaramdam na lang ako bigla ng inis dahil sa pinagpapantasyahan siya ng dalawang babae.

Binalingan ko ng tingin ang dalawa kaya napatingin din sila sakin, tinaasan ako ng kilay nung isang babae kaya di ako nagpatalo at tinaasan ko din siya ng kilay ano siya lang ang may kayang magtaray taray no way.

Tinuro ko yung babae kaya nagtakang napatingin si sir sa tinuturo ko.

"Hoy anong ginagawa niyo dyan? atsaka umalis nga kayo ang papanget niyo naman, bwisit panira ng mood." Atsaka totoo naman ang papanget nila mas maganda pa nga ako e kesa sa kanila.

Narinig kong tumawa ng mahina si sir kaya tinignan ko siya ng matalim at yung dalawang babae na pinagpapantasyahan si sir ay umalis na.

"Woah!! What's that look kate?"

"At kayo po sir kesa nakatayo lang po kayo diyan ay pumasok na po kayo di niyo po ba nararamdaman na pinagpapantasyahan kana ng dalawang babae kanina, baka nga po sa isip nila naka hubad baro na po kayo, kaya pumasok na po kayo at baka may makakita pa sa inyo na babae at pagpantasyahan nanaman po kayo." Mahabang lintanya ko.

Napakunot noo ako ng bigyan ako ni sir ng makahulugang ngisi. "Are you jealous?

Naramdaman kong namula ang magkabilang pisngi ko. Gosh nagseselos ba talaga ako? Pero bakit dahil lang ba sa dalawang babae kanina. Oh gosh ano bang pinagsasabi ko.

Tumikhim muna ako at seryosong tinignan si sir kahit sa loob loob ko ay nahihiya ako.

"H-hindi kaya."

Nakangisi parin si sir Nicholas kaya napairap ako sa loob loob ko pasalamat nga siya at niligtas ko siya dun sa dalawang bsbae.

Nagtama ang mata namin ni sir, pero ako din ang unang nagbawi kasi yung titig ni sir nakakapanghina e tapos seryoso pa siya.

"Sige pasok nako." Masungit na saad ko. Habang papasok sa loob ng bahay ay nilingon ko si sir at nanunuksong nakangisi nanaman kaya inirapan ko siya at tumalikod na.

Naabutan ko sa sala si Liza at nagpupunas siya ng bintana. Napatingin sa direksyon ko si Liza kaya napasimangot ako.

"Oh anong itsura yan?" Natatawang tanong niya. Inirapan ko na lang siya.

"Wala." Mataray na saad ko at nagpunta na sa kusina, naririnig ko parin ang tawa ni Liza kaya lalong napasimangot ako.

Naabutan kong nagluluto na ng pagkain si Jane.

"Bakit ang tagal mo naman?" Nagtatakang tanong niya.

"Pinaalis ko lang kasi yung mga malalanding daga kanina."

"Huh? Umiling na lang ako, at nakita kong papasok na si sir, nung napatingin siya sa direksyon ko ay inirapan ko lang siya. Natawa na lang siya ng mahina.

Ewan ko ba pero ng marinig ko ang tawa niya until unting nawala yung inis ko sa kanya. Pero bakit ako maiinis sa kanya e wala naman siyang ginawa sakin e. Ewan baliw na ata ako.

Pagkatapos lutuin ni Jane ang pagkain ay tinulungan ko siyang ilapag ang pagkain sa lamesa. At Sabi niya sakin ay siya na daw ang magtutuloy ng iba at ako tawagin ko na daw ang dalawang bata kaya tinawag kona at pinababa.

Pinauna kona sila, at niligpit ko muna ang higaan ng kambal. Paglabas ko ay napatingin ako sa kwarto ni sir. Tawagin ko kaya siya para sabay sabay kaming kumain wala namang masama diba?

***

SORRY YEOBO'S KUNG NGAYON LANG AKO NAKAPAG UD KASI NAGING BUSY AKO. NAMISS KO KAYOOO..


 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now