CHAPTER 2

1.7K 40 0
                                    

Kate Pov:

KINABUKASAN

Nagising ako ng maaga syempre may pasok pa sila hanggang 9:00 to 2:00 ng hapon ang pasok nila kaya din sila natagalan dahil sa naglaro pa daw sila sa playground. Habang ala sais pa lang ay naglinis nako sa sala pati sa bakuran syempre diniligan ko na din ang mga halaman. Napatingin ako sa orasan at 7:30 pa lang kaya naisipan ko nang magluto habang nagluluto ako ay nakita ko si manang na kagigising lang.

"Oh Kate ang aga mo naman"

"Pasensya na manang ganto po kasi sa amin e bawal tanghaliin ng gising."

Ah ganun ba, sge maliligo muna ako at gigisingin ko din yung tatlo. Tumango na lang ako kay manang, bali lima kami ako si manang si Jane, Liza at Claire.
Nagluto lang naman ako ng itlog, hotdog, hamon gumawa na din ako ng juice at kape nila. Habang nilalagay kona sa lamesa ang mga niluto ko ay nakita ko si sir na pababa ng hagdan. Shit ang pogi ni sir pano nakasuot siya ng pang opisina, naka pants tapos yung long sleeves na ay tinupi hanggang siko kaya kitang kita ang matigas niyang braso at ang blazer niya ay nakalagay sa kanyang braso,shit na yan makalaglag panty ang peg. Tumikhim ako.

"H-hello sir g-good morning po kain napo"tumango lang siya atsaka umupo bumalik ako sa kusina at ipinag timpla ko siya ng kape. Pagtapos ay binigay ko sa kanya.

"Pakitawag yung kambal."

"Sge po." Pumunta ako sa taas at ginising sila nahirapan lang akong gisingin si Adrien dahil daw sa antok pa daw siya. Pinahilamos ko muna sila bago kami bumaba at andun na sa kusina sila manang yung tatlo ay nag umpisa na mag trabaho. Pinaupo kona yung kambal, at sinandukan pero infairness si Adrien lang ang sinandukan ko kasi si Adrian kaya na daw niya kaya hinayaan ko na lang. Habang kumakain ang kambal ay tumayo naman si sir.

"I have to go, may meeting pa ako. Bye kids." Hinalikan muna niya ang kambal bago ako binalingan. "Ikaw ng bahala sa kanila Kate." Ewan ko pero bigla na lang tumibok ang puso ko, nung tinignan niya ako.

"Ok po sir." Atsaka siya tumalikod, tinignan ko muna ang likod niya hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Pagkatapos kumain ng kambal ay niligpit na ni manang ang pinag kainan. Ako naman pinaakyat kona sila at pinaligo pagtapos sinuotan kona sila ng uniform. Pagkatapos bumaba na kami at nagpahatid kay manong. Bumaba na kami ng makarating kami sa school nila. Binasa ko ang pangalan ng school nila "Monarch Charter Elementary school" wow ganda ng pangalan ng school soon diyan ko din papapasukin si Gelo at Gela. Napangiti ako sa naisip ko. Tinignan ko ang kambal at halata sa itsura nila ang pagtataka kung bakit ako nakangiti.

"Crazy" bored na sabi ni Adrian at pabalang na kinuha sakin ang bag niya. Tinignan ko lang siya na naglalakad papasok sa school.

"Are you okay nanny, don't mind him ganun na talaga siya." Nag aalalang sabi sakin ni Adrien. Aww na appreciate ko yung pag aalala niya buti pa siya yung daddy nila at si Adrian maldito tapos lagi pang nakasimangot.

"Ok lang ako Adrien tara na baka malate kapa." Ngumiti lang siya at sabay na kaming pumasok.

"Habang nagaantay ako sa kambal ay naupo muna ako sa bench malapit sa fountain ng school nila at sa kanan ko ay may tatlong babae na sa tingin ko ay mga yaya din dahil na din sa mga damit nila. Habang nag uusap sila ay diko napigilan ang makinig.

"Hays alam mo ba Cris ampogi talaga ni Sir Nicholas grabe tapos sobrang yaman pa niya, swerte sana ni Ma'am Mika kay sir kaso namatay naman."

"Kaya nga e nakakaawa si sir simula namatay si ma'am Mika parang gumuho na ang mundo ni sir."

"Hoy kayong dalawa tumigil nga kayo at baka may makarinig sa inyo."

"Hmp, istsusera." Inirapan pa niya yung kasama nilang babae. Nilingon ako nung babae at nginitian kaya nginitian ko din siya pabalik, nakakahiya naman kung di ko siya ngingitian diba. Napatingin ako sa kawalan, sino kaya yung Mika yun ba yung nanay ng kambal, kung iyon nga ang nanay nila anong ikinamatay nun hays ano bayan bakit ko na iniisip yon, problema na nila yon, andito ako para magtrabaho hindi isipin ang problema ng iba. Napatingin ako sa bulsa ko ng biglang umilaw at tumunog, kinuha ko yon at si inay ang tumawag kaya pumunta muna ako sa garden nitong school. Sinagot ko ang tawag at si inay ang unang sumagot.

"Hello anak kamusta kana, kumain kana ba, miss kana ng mga kapatid mo di kaba sinasakta-" natawa ako sa mga tanong ni inay.

"Hello inay ok lang po ako dito meron na nga po akong trabaho ei atsaka di naman po ako sinasaktan ng amo ko" nakangiti kong ani kay inay.

"Hay mabuti naman, nako anak miss na miss ka na namin, kumain kana ba?"

"Opo inay, miss na miss kona din po kayo, si itay asaan?

"Edi ayon na sa sakahan nanaman pinatigil kona nga ang kaso ayaw niya kaya pa daw niya." Nalungkot ako sa sinabi ni inay sinabihan kona siya na wag na mag trabaho sa sakahan pwede naman niya ipa hawak muna sa iba e pero ayaw niya sabi niya kaya pa daw niya kaya wala kaming choice ni inay kundi hayaan na lang siya.Nabalik lang ako sa ulirat ng magsalita si inay.

"Anak andyan ka pa ba?"

"Uhm inay papatayin kona po kasi may gagawin pa po ako."

"Ah ganun ba anak sige sa susunod na lang tumawag ka ah, nga pala pinapasabi ng kambal miss kana nila alam mo naman nasa school din sila."

"Pakisabi din sa kanila inay miss na miss na miss kona din sila, sge po inay bye. Pagkatapos nun ay pinatay kona ang tawag. Naghintay pako ng ilang minuto hanggang sa tumunog ang bell hudyat na uwian na nila. Sinalubong ko silang dalawa, at sabay kaming pumasok sa sasakyan at pauwi ng bahay nila. Pagtapos nun ay nadatnan namin si manang na nagluluto na, medyo ginabi na kami sapangkat traffic at malayo ang eskwelahan ng kambal.
Pagkatapos nun ay pinakain ko ang kambal, pinaliguan at pinatulog bago ako lumabas ng room nila ay pinatay ko ang ilaw at lumabas. Bumaba nako at nakita kong wala na sila manang na nasa tingin ko ay tulog na.

Napatingin ako sa orasan at nakita kong alas nwebe na, tumingin ako sa pintuan nagbabaka sakali na dumating na si Sir Nicholas, anong oras na di paba uuwe si sir. Umupo muna ako sa sofa at inantay siya hanggang sa umabot ng madaling araw, dahil na rin sa pagod kanina ay diko namalayan na nakatulog na pala ako.

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now