CHAPTER 33

1.1K 20 0
                                    

Someone Pov:

This bitch maghanda siya dahil hindi pa ako tapos sa kanya, dahil sa kanya galit na sakin si Nicholas my love. Kasalanan niya dahil kung di niya inagaw sakin si Nicholas ay di siya magagaya kay Mika.I feel like a fool laughing at this but I don't care. All I care is Nicholas, para makuha ko siya.

I looked at the picture of Kate that I was holding.

"Look bitch, piling mo ba makukuha mo sakin si Nicholas, no way in your dreams, dahil sakin parin ang bagsak niya." Matalim kong tinignan ang picture niya pagkatapos ay nilukot ko ito at itinapon.

"Maghanda kana dahil ito na ang huling araw na magkasama kayo dahil susunod kana kay Mika."

"Maghanda kayo mamaya." Sabi ko sa mga tauhan ko.

"Yes ma'am.". Pagkatapos nun ay sumimsim ako ng wine at ngumisi.

Kate Pov:

Wala namang nangyari na masama naging maayos naman ang pamumuhay namin dahil walang dumating na Ella. 5 days na ang nakalipas simula mangyari ang away namin. Sa tuwing naalala ko nag banta niya at ang tingin niya sakin nakaramdam ako ng kaba at takot. Dahil alam kong di siya nagbibiro. Alam kong tototohanin niya ang banta niya sakin.

Pero minsan sumasagi sa isip ko ang pagkamatay ni ma'am Mika piling ko kasi andito lang siya, nararamdaman kong si ma'am Ella ang pumatay pero di dapat ako magbintang dahil wala akong ebidensiya.

"Let's go." Tinig na nagbalik sakin, sa sobrang lalim ng iniisip ko ay diko man lang naramdaman na nasa tabi ko na pala siya. Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian ako. Ngumiti din ako sa kanya pabalik.

"Ingat po and enjoy po sa date niyo." Rinig kong sabi ni Adrien. Tinignan ko ang mga kaibigan ko at nakangiti sila sakin. Ewan ko nga kay Nicholas at bakit niya ako niyaya na mag date daw, pero kinilig talaga ako nun.

Nakasuot lang ako ng dress above the knee at kulay dilaw yon na bumagay sakin at ang buhok ko naman ay nakalugay pero sa dulo nun ay kulot, nagpatulong kasi ako kay Liza kanina, di rin ako syado naglagay ng make up pulbo at liptint lang ang nilagay ko.

Si Nicholas naman ay nakapants at white t shirt na bumagay sa kanya. Bakat pa nga ang braso niya at dibdib e. Pagkatapos niyang intertwined ang kamay namin ay lumabas na kami ng mansion. Pumunta kami sa kotse niya.

Pinagbuksan naman niya ako ng pinto, kaya nagpasalamat naman ako.

"Sorry but I don't accept thank you, just a kiss." Pero bago pa ako sumagot ay hinalikan na niya ako 3 seconds lang iyon pagkatapos ay lumayo na siya, pinamulahan ako ng dilaan niya pa ang labi niya kaya mahina ko siyang hinampas sa dibdib, tumawa lang siya, pagkatapos nun ay pumasok nako at pumasok naman siya sa driver seat.

"Where do you want to go? Tanong niya habang nasa kalsada kami, isang kamay lang ang hawak niya sa manibela dahil ang isang kamay niya ay hawak ang kamay ko.

"Kahit saan.". Sabi ko na lang at pinagtiklop ko ang labi at tumingin na lang sa bintana. Namumula kasi ang mukha ko at the same time kinikilig din. Para kasi akong teenager na niyaya lang ni crush na kumain.

Nang makarating kami sa destinasyon ay hawak kamay kaming naglakad papasok sa amusement park.

"Are you hungry? Tanong niya, hinawakan ko ang tyan ko at ngumiti.

"Di pa naman tara sakay na lang tayo." Turo ko sa binasa ko muna yung karatula at skyscreamer, mukhang maganda. Nilingon ko siya na nakangiti. Nakita kong namutla siya

"Baby wag na lang kaya diyan? Napanguso naman ako.

"Eh gusto ko diyan e." Magsasalita pa sana siya ng hilahin ko siya. Napakunot noo ako ng di na kami pagbayarin ni kuya at di man lang kami binigyan ng ticket. At mas lalo akong nagtaka ng yumuko pa siya samin di kay Nicholas. Pero isinawalang bahala ko na lang at hinila na siya papasok.

"Whoo!!! Super saya non.." Nangingiti kong sabi hinanap ko si Nicholas kung nasaan siya at nakita ko siya malapit sa basurahan at sumusuka kaya natatarantang lumapit ako sa kanya at Hinagod ko ang likuran niya. Kanina kasi habang nakasakay kami ay nagmumura na siya at namumutla.

"Fuck ibaba niyo nako."

"Tangina istop niyo nato kung ayaw niyong ipasara ko itong buong park na ito tangina."

Basta marami pa siyang sinabi na kinatawa lang ng mga kasama namin at kasama na pala ako dun. Nag aalala ko siyang tinignan, pagkatapos niyang sumuka ay umupo kami bench.

"Ok kana ba?" Pinunasan ng likod ng kamay niya ang bibig bago ako nginitian. Namumutla parin siya.

"I'm ok baby." Napayuko ako at kinurot ko ang daliri ko.

"S-sorry dapat pala nung una palang ay di nako nagpumilit edi san--.

"Hey, it's ok baby, nagsuka lang naman ako, atsaka di  ko naman ikakamatay yun."

"Pero kas--" Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kanya.

"It's not your fault baby, ano naman sunod gusto mong sakyan?" Nag aalinlangan akong tumingin sa kanya pero nung nginitian niya ko ay sinabi kona sa kanya.  Madami pa kaming sinakyan na ride kahit na namumutla na siya ay pilit parin niya akong nginitian at sinamahan. Pagkatapos ng huling ride na sinakyan namin ay naupo kami saglit sa bench at ng ginutom ako ay niyaya ko siya na kumain ng fishball. Di naman siya nag inarte ng matikman niya yun, sa katunayan nga e tuwang tuwa pa siya. Tuwang tuwa pa nga si manong ng madami kaming nabili e sobrang sarap kasi tapos idagdag mo pang ang sarap ng pagkagawa ng sauce.

Nang makabalik kami sa bench ay nakaramdam ako ng ihi kaya nagpaalam ako sa kanya.

"Ihi muna ako Nicholas." Paalam ko.

"Sure baby." Nginitian niya ko kaya nginitian ko siya at pumunta nang restroom, nahirapan pa nga kong hanapin yung cr nasa dulo na kasi siya ng park at malayo na ito sa pwesto ni Nicholas.

Pumasok na ko sa cr at pagkatapos ay nanalamin muna ako at naghugas ng kamay, pagkatapos ay lumabas nako. Nakakadalawang hakbang pa lang ako ng may tumakip na panyo sa ilong ko. Nang maamoy ko ang amoy ng panyo ay bigla akong nawalan ng malay. Kaya bumagsak ang katawan ko sa sahig. Pero bago man pumikit ang dalawa kong mata ay nakita ko pa ang dalawang parses ng takong na pula wariy ko ay isang babae, hanggang sa nawalan nako ng malay.

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now