CHAPTER 25

1.1K 24 0
                                    

Kate Pov:

2 MONTHS nakong nililigawan ni sir at sa 2 months na yon ay walang ginawa si sir kundi ang iparamdam sakin na mahal niya ko.

Alam na rin ng mga kasama ko ang relasyon namin, akala ko ay huhusgahan nila ako pero hindi masaya pa nga sila e. Nung una daw ay nahahalata na daw nila kami pero isinawalang bahala na lang daw nila. Yan kasi anlandi ni sir.

Pati yung mga kaibigan ni sir ay alam na din pero syempre masaya din sila kasi bumalik na yung dating Nicholas na nakilala nila. At ang kambal naman ayun masaya din kasi magkakaroon na daw sila ng mommy.

Nang maalala ko na isang beses na tinawag nila ako ng mommy e inasar ako nung tatlo.Pero ang sarap sa pakiramdam kasi tanggap nila ako, di nila hinusgahan ang pagkagusto ko kay sir.

Nabalik lang ako sa ulirat ng maramdaman ko na may yumakap sa bewang ko. Amoy pa lang niya ay kilala kona.

"Tapos na ba kayo mag impake? Tanong ko habang nag aayos ng gamit. Dahil uuwi kami samin dahil birthday ng kambal.

Nagulat nga ko kasi gusto ni Nicholas sumama nung una ay nag aalinlangan pako pero pumayag nako dahil nagmakaawa pa siya pag naalala ko yon ay natatawa ko.

"What's funny baby? Humarap ako sa kanya at nakakunot na ang noo niya pero gwapo padin siya.

"Wala." Ngumiti ako kaya napangiti din siya. Nilapit niya ang mukha niya sakin at hinalikan ako pero saglit lang.

"Are you done? Tumango ako kaya ngumiti siya at kinuha ang bag ko na naglalaman ng damit ko konti lang naman yun dahil isang buwan lang kami dun. Wala din naman pasok ang kambal dahil sa bakasyon nila.

Pagkakuha niya ng bag ko ay saktong pumasok ang kambal, ang pogi nila sa suot nila dahil parehas pa sila ng damit.

"Ate Kate." Sabay na tawag nila at lumapit sakin. Nagtataka kayo kung bakit ate Kate kasi di pa ako sanay na mommy saka na yon kung kami talaga ni Nicholas ang ending diba? Niyakap nila parehas ang aking bewang. Napangiti naman kami ni Nicholas at umalis na siya dahil ilalagay ata niya sa compartment ng sasakyan niya.

"Ate Kate I'm so excited na makita yung kapatid mo po." Tiningala ako ni Adrien at ngumiti.

"Me too." Tumingala din si Adrian at ngumiti.

"Ako din excited nako makita yung kambal, baka pag nakita kayo ay alam kong matutuwa iyon dahil may bago na silang kalaro."

Sabay kaming napalingon ng pumasok si Nicholas.

"Tara na." Sabay kaming tumango at umalis na sa kwarto ko. Nakita pa namin si manang at ang tatlo na nakangiti. Niyakap ko sila at ang panghuli ay si Liza.

"Tirahin mona Kate para di ka niya hiwalayan." Mahinang bulong niya sapat na para kaming dalawa lang ang makarinig. 

Namula naman ang mukha ko at mahinang hinampas ang balikat ng kaibigan.

"Baliw ka talaga." Namumulang usal niya sa kaibigan.

"Gaga dun din naman ang punta e." Kunwaring inirapan lang siya ng kaibigan.

Magsasalita na sana siya ng magsalita si Nicholas.

"Come on, we might still have traffic on the road."

Nagpaalam ulit ako kila manang bago lumabas. Nasa loob na ng sasakyan ang kambal habang kami ni sir ay papunta pa lang.

Pinagbuksan ako ni sir ng pintuan bago isara at sumakay na din sa driver seat.

Habang nasa gitna ng byahe ay nakatulog ang kambal. Humikab ako dahilan upang napatingin si Nicholas sakin pagkatapos ay bumalik na ulit ang tingin niya sa daan.

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now