CHAPTER 34

1K 21 0
                                    

Kate Pov:

Nagising ako ng may bumuhos sakin ng tubig. Napapikit pa ako dahil sa sobrang liwanag. Nang makapag adjust ay tinignan ko ang taong nagbuhos sakin. Malaki ang katawan at maraming tao sa kaliwang braso pati narin sa leeg niya, tapos kalbo siya at may balbas. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumisi siya dahilan upang matakot ako. Tinignan ko ang lugar at abandonadong mansion na parang sinauna pa, maganda naman ang mansion kung aayusin pa ito.

Tinignan ko ang itsura ko at nakatali ako sa bangko, sobrang higpit ng pagtali sakin para di ako makawala. Napaiyak na lang ako sa takot. Ano ba kasi kailangan nila sakin? Naalala ko si Nicholas kamusta na kaya siya hinahanap na kaya ako.

"A-ano bang k-kailangan m-mo sakin?" Kanda utal na tanong ko sa lalaking nakatayo sakin habang naninigarilyo, ngumisi siya dahilan para manginig ako sa takot.

"Kami, walang kailangan si boss kailangan ka." Tapos ngumisi pa siya kaya mas lalo akong natakot at napahagulgol.

"Hay, tangina ang ingay mo manahimik ka nga?" Naiirita niyang tanong kaya mas lalo akong napaiyak.

"Tangina ayaw mo talaga makinig ah." Pagkatapos lumapit siya at sinabunutan ako at iniangat at mukha ko. Napaiyak ako sa sobrang sakit piling ko matatanggal ang buhok ko sa sobrang higpit ng sabunot niya sakin.

"Alam mo kung di lang sinabi ni boss na bawal ka galawin, baka kanina pa kita natira. Tangina swerte naman ng boyfriend mo, maganda na seksi na tapos masarap pa." Dinilaan pa niya ang ibabang labi niya at Hinagod ako ng tingin.

"Sarap mo tangina." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pabalang niyang binitawan ang buhok ko. Magsasalita na sana ako ng bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino yon, may kasunod siya sa likod niya dalawang lalaki na parehas may hawak na Baril, kagaya ng lalaking nagsabunot sakin ay malaki din ang katawan, may tattoo yung isa at yung isa naman ay wala.

"Hi bitch."nakangising kinawayan niya ko. Pagkatapos ay lumapit sakin.

"E-ella." Utal na tawag ko sa kanya. Ngumisi nanaman siya.

"Oh you remember me, akala ko nakalimutan mona ko." Madramang lumungkot ang itsura niya. Pagkatapos nun ay matalim niya akong tinignan.

"Look, dahil sa katangahan mo at inagaw mo sakin si Nicholas, tignan mo nangyari sayo, yan ang napapala ng nang aagaw." Galit na saad niya. Pagkatapos ay sinampal ako ng malakas, tumabingi ang mukha ko, at nahilo ako dahil sa sobrang lakas ng pagsampal niya.

"Bagay lang yan sayo dahil mang aagaw ka malandi ka." Malakas na bulyaw niya di pa ako nakakabawi sa pagsampal niya ay muli niya kong sinampal, napaiyak na ko sa sobrang takot at sakit ng sampal niya. Nang makita niya akong umiiyak ay napatawa siya pati narin yung mga kasama niya.

"Look, ano bang gayuma ang ginawa mo at pinili ka niya kesa sakin na sexy, maganda at mayaman, kesa sayo na mahirap. Gold digger kaba?" Nakataas na kilay na tanong niya. "Baka nga kaya mo lang binoyfriend si Nicholas para makakuha ka lang ng pera sa kanya. How much ba kailangan mo?" Tapos sabay tawa niya na sinama pa ng tawa ng kasama niya.

"Hindi ako Gold digger,at hindi ko binoyfriend lang si Nicholas dahil mahal ko siya, di pera ang habol ko sa kanya, at para sabihin ko sayo, pinili niya ko di dahil, maganda ako dahil may magandang asal ako, at wala sa estado ng buhay, para lang mahalin niya ko, mahal niya ko bilang babae." Pagkatapos nun ay matalim niya akong tinignan. Sinampal, sinabunutan, yan ang ginawa niya sakin dahil sa sinabi ko, pagkatapos niyang gawin sakin yun, nanghihinang napayuko ako. Matalim padin ang tingin niya sakin bagamat andun ang pang aasar.

"Wag niyong pakainin yan, ni tubig wag niyong bigyan depende pag sinabi ko, maliwanag ba? Nasa akin padin ang tingin niya pero sa mga kasama niya sinabi yon.

"Yes ma'am." Pagkatapos nun ay umalis na sila naiwan akong nakayuko. Napaiyak nako dahil nangyayari sakin, ano bang kasalanan ang ginawa ko at nagkaganto ang buhay ko? Pero kahit na ganon ay ipaglalaban ko si Nicholas kay Ella. Sakin lang si Nicholas kahit anong mangyari.

Diko alam kung anong oras, o anong araw na, dahil andito padin ako nakaupo at nakatali lang minsan dinadalhan nila ako ng tubig pero walang pagkain. Pero okay na rin yun para kahit papano ay magkalaman ang tyan ko. Hinang hina nako, gusto ng sumuko ng katawan ko, dahil sa pagod at gutom idagdag pa ang takot ko pero kailangan ko padin labanan ang mga iyon dahil may naghihintay sakin.

Simula nang mangyari ang sagutan namin ni Ella ay di kona siya nakita maliban dun sa malaki yung katawan at maraming tattoo marahil siya ang naatasan na bantayan ako. Mula sa pagkayuko ay nakarinig ako ng putok ng baril. Napasigaw ako sa takot ng sunod sunod nako nakarinig. Napalingon ako sa pinto ng makitang bumukas iyon. Napaluha ako ng makitang si Nicholas iyon. Kita sa mata niya ang pag aalala bagamat andun ang galit.

"Baby." Lumapit siya sakin, at kinalagan ang tali pagkatapos nun ay niyakap ko siya at humagulgol. Niyakap naman niya ako pabalik, tapos hinagod naman niya ang likod ko. Pilit pinapatahan.

"Your safe now baby." Tinanggal niya ang pagyayakapan namin pagkatapos ay pinunasan niya ang luha ko, kita ko na binitawan niya ang baril.

"Hush, baby stop crying, your safe now okay?" Pagpapatahan niya sakin, tumango naman ako. Parehas kaming napalingon sa pinto ng makita namin si Ella may hawak na baril at nakatutok samin hindi sakin lang.

"Bitch, wala kayong ending tandaan niyo yan kagaya na lang kay Mika, kaya kung mamatay ako parehas lang tayo tutal para parehas din tayo walang happy ending." Pagkatapos nun ay babarilin na sana niya ako ng maunahan siya ni Nicholas binaril siya ni Nicholas sa binti dahil para masaktan siya at mapaluhod. Nabitawan niya ang baril.

"Arghh." Usal niya habang hawak ang binti na natamaan. Pagkatapos nun ay lumingon siya at tinignan si Nicholas. Umamo bigla ang mukha niya.

"Babe, bakit mo ginawa iy--

"Stop,I know you are the one who killed mika, so I will give justice to his death." Pipindutin na niya ang gatilyo ng baril pero pinigilan ko siya.

"Huwag, huwag mong dungisan yung kamay mo, mas okay na makulong na lang siya kesa dungisan mo ang kamay mo." Pagkatapos kong sabihin iyon ay  natumba na ko, akala ko ay babagsak ako sa malamig na sahig ngunit hindi sinalo ako ng braso ni Nicholas.

Marahil sa pagod, gutom, at takot ko kaya nahimatay ako. Narinig ko pa ang pagtawag ni Nicholas sa pangalan ko pero nawalan na talaga ako ng malay.

Ynshii__02

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now