CHAPTER 20

1.2K 27 0
                                    

Kate Pov:

Nagdadalawang isip pa ko kung papasok ba ako sa room ni sir Nicholas o di kaya bababa na pero parang may sariling isip yung paa ko at pumunta sa tapat ng kwarto ni sir.

Kumatok muna ako bago pinihit yung pinto, dahil wala namang sumasagot. Pagpasok ko ay humalimuyak na kaagad sa ilong ko ang amoy ni sir sa buong kwarto.

Pagpasok ko ay sinara ko ang pinto, di ko naman nakita siya pero alam kong nasa Cr siya dahil may naririnig akong lumalagaslas na tubig.

Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at pumasok pa ko dito. Pero kasi parang gusto kong makasama si sir sa pagkain.

Minsan nagtataka na din ako sa kinikilos ko parang di na ako ito, kasi pag malapit lang ang presensya ni sir Nicholas ay bumibilis na ang tibok ng puso ko na akala mo nakikipag karera.

Di kaya INLOVE na ako, pero imposible e di ba nga trabaho lang kaya ako nandito. Pero parang di ko na magagawa yon e kasi habang tumatagal ay nahuhulog ang loob ko sa kanya.

Nabalik lang ako sa ulirat ng marinig ko ang pagpihit ng pinto sa cr, napatingin ako dun at nakita kong nakatapis lang ang pang ibaba ni sir kaya nakikita ng dalawang mata ko ang napakagandang hubo ng kanyang katawan.

Naramdaman niya ata na may nakatingin sa kanya kaya napatingin siya sa direksyon ko. Napakunot ang kanyang noo.

"What are you doing here? Pinagmamasdan ko lang ang ginagawa niya pati sa pagpunas ng buhok niya ay diko pinalampas.

Umupo ako sa dulo ng kama niya at malapad na ngumiti, hehe piling close ako kay sir. Lalong kumunot ang kanyang noo, nagtaka ata siya sa kinikilos ko.

"Inaantay kapo, sabay sana po tayo ng kambal kumain." Napansin kong medyo magulo ang higaan niya kaya tumayo ako at inayos ang higaan niya. Nakita ko sa gilid ng mata ko na pumasok siya sa walk in closet.

Pagkatapos kong ayusin ang higaan ay muli na akong umupo. Saktong lumabas ng room din si sir.

Malapad akong ngumiti, kaya nagtaka siya.

"Anong ngiti yan? Nagtatakang saad ni sir.

"Wala lang sir, ang gwapo po natin ngayon ah?" Natawa ako ng malakas ng makita namula ang tenga niya.

"Oy sir bakit po kayo namumula? Natatawang saad ko pati kasi yung mukha at leeg niya namumula na din. Umiwas siya ng tingin at napahawak sa batok.

"I-im not." Nauutal na usal niya. Diko na napigilan at lumapit ako sa kanya at sinuntok ng mahina ang kanyang braso dahilan upang magulat siya.

" Ay naku sir wag na po kayong magsinungaling, alam ko pong kinilig kayo sa sinabi ko." Malapad ang ngising tumingin sa kanya, nakataas pa talaga ang aking ulo para lang tumingin sa mukha niya ang tangkad niya kasi.

"You're so beautiful naman Kate." Nanlaki ang mata sa sinabi niya, at bigla nalang ako pinamulahan ng mukha. Pang ilang beses naba niya nasabi sakin ang salitang yan.

Napaiwas naman ako ng tingin at napakagat ng labi. Tinignan ko sir at tumatawa na rin siya, mas lalo akong pinamulahan, paano kasi ang pogi ni sir kahit sa pagtawa niya ay ang pogi niya.

"Why are you blushing? Malapad ang ngising tinuro ni sir ang mukha ko na namumula. Napaiwas naman ako ng tingin at napakamot sa pisngi dahil sa hiya.

Parang kanina lang siya yung inaasar ko tapos ngayon naman ay ako naman ang inaasar niya.

"H-hindi po kaya." Nauutal na saad ko. Mas lalo akong umiwas ng lumapit ang mukha ni sir sakin. At mas lalo niya ako inasar.

Dahil sa asaran namin ay nauwi sa kilitian, ako ang unang kumiliti sa bewang niya ang kaso wala siyang kiliti kaya gumanti siya sakin at ako ang kiniliti niya.

Sa bewang ko pa siya nangiliti e may kiliti pa naman ako sa bewang. At nauwi na nga kami sa kilitian halos umiyak na nga ako kakatawa dahil sa kinikiliti pa rin niya ako minsan nga nasasabunutan ko yung buhok niya.

"S-sir t-tama n-na hahahaha.." nauutal na saad ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng bitawan niya ako. Di pa ako nakakabawi ng hininga ng kilitiin niya ulit ako, at dahil na rin sa panghihina ng tuhod ko ay natumba ako dahilan upang napunta siya sa ibabaw ko.

Nagulat ako sa posisyon namin, kumukuha parin ako ng lakas, dahil sa pagkiliti niya. Kahit naiilang ay kiming tumawa ako.

"Sir grabe kayo ah di niyo po talaga ako kanina tinigilan." Habol hininga na saad ko. Tinignan ko ang mukha niya at halos kapusin ako ng hininga ng makitang sobrang lapit ng mukha namin. Na konting galaw na lang ay maglalapat na ang aming labi.

Tumingin ang magagandang mata ni sir sa mata ko, dahilan upang kumabog ng malakas ang puso ko, tapos may mga paro parong nagliliparan sa tiyan ko.

Pagkatapos nun ay bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya napakagat labi ako. Napatingin din ako sa mapupulang labi ni sir. Napatingin ako sa Adam's Apple niya kaya napalunok ako.

Nagtama ang aming mga mata ni sir, at nakita ko sa mga magagandang mata niya ang pagnanasa na ngayon ko lang nakita sa kanya.

Napalunok muna siya bago dahan dahang lumapit ang kanyang mukha. Napapikit ako hanggang sa lumapat na ang kanyang labi sa labi ko.

Naidilat ko ang aking mata at diretsong tinignan ang kanyang mapupungay na mata, bago pumikit yon, at dahil nadadala na ako ng kanyang halik ay gumanti na ako.

Kusang kumilos ang aking mga braso sa kanyang leeg at yumakap habang ang kanyang mga braso ay nasa magkabilang gilid ko upang sumuporta ang kanyang katawan sa ibabaw ko.

Diko alam kung paano humalik dahil ito ang unang beses na humalik ako iba dun sa first kiss ko kasi smack lang yon.

Naramdaman kong pilit na pumapasok ang kanyang dila sa loob ko, kinagat niya ang ibabang labi ko kaya napaungol ako dahilan upang pumasok ang kanyang dila.

"Hmm.." napaungol ako, sa sarap ng halik niya. Naramdaman ko na parang may hinahalungkat ni sir ang loob ng bibig ko.

Nang magdikit ang aming mga dila ay naglabanan ang mga iyon. Halos tumulo na ang aming mga laway dahil sa halikan namin. Nauubusan na ako ng hininga.

Naramdaman kong pumasok ang malalaking kamay ni sir sa loob ng damit ko at paakyat na sana yon sa may bra ko ng tumigil siya dahilan upang matauhan siya.

"Fuck.. Fuck.." mura niya at tumayo siya at napasabunot ng buhok. Ako naman ay biglang napatayo at pinamulahan ako ng mukha sa nangyari.

Parehas lang kami natauhan ni sir. Diko alam pero parang nasaktan ako sa ginawa ni sir.

Dahil ba di ako magaling humalik?

Napatingin ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sakin kaya pinamulahan muli ako ng mukha. Medyo naiilang ako sa nangyari.

Napatingin ako sa pang ibaba ni sir na natatakpan ng kanyang short ng makita kong bumukol yon.

Nanlaki ang aking mga mata.. kaya napatingin din si sir sa tinignan ko, at tinakpan niya kaagad dahilan upang dikona makita.

"Ohh fuck." Nahihirapang saad niya. Napatingin ako sa kanya at namumula siya. Lalapit na sana ako sa kanya ng mapatingin siya sakin at nagmamadaling tumalikod at pumuntang Cr habang tinatakpan niya ang kanyang pang ibaba.

Ano na kayang nangyari kay sir, nag alala na lang ako bigla.

Tinignan ko muna ang Cr ni sir bago ako umalis sa kwarto niya...

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now