CHAPTER 31

1K 28 0
                                    

Kate Pov:

Pagkapasok ko sa room ay doon na tumulo ang luha ko, ang sakit, oa na kung oa pero ang sakit ng nakita ko matutuwa bako kung mabuti na lang na di sa labi ni Nicholas hinalikan? Pero kahit naman sa pisngi lang niya hinalikan yun ang sakit padin. Tapos grabe pa makalambitin sa leeg yung babae. Bakit kasi ang hina ko? Dapat sinabunutan ko yon e kasi malandi? Naiinis ako sa babae pero kay Nicholas hindi kasi alam ko namang nagulat siya sa nangyari, alam ko namang di naman niya sinasadya. Pero pag naaalala ko yon e nasasaktan ako. Napatingin ako sa pintuan ng tumunog ang doorknob pumasok dun si Nicholas, narinig ko pa ang pag lock ng pinto. Nagpunas ako ng luha pero patuloy padin yung tumutulo buti na lang di kami nakita nila manang at nung tatlo na magkahawak kamay dahil diko pa kayang sabihin sa kanila ang kung anong meron kami ngayon.

"Baby." Tawag niya sakin, pero yumuko lang ako at di pinansin ang pagtawag niya sakin. Naramdaman kong papalapit na siya, at paglapit niya ay lumuhod siya sa harapan ko, hinawakan ang baba ko at iniangat. Kita ko sa mata niya ang pag aalala at kaba, kaba na baka galit ako sa kanya at pag alala dahil sa itsura ko ngayon, na parang basang sisiw dahil dumikit na yung buhok ko sa pisngi dahil sa luha.

"Baby I know your mad at me, but di ko naman alam na hahalikan niya ko sa pisngi. I'm sorry." Sincere na sabi niya habang pinupunasan ang basa kong mukha.

"Baby." Tawag pansin niya sakin ng hindi ako umimik. Napahinga naman siya ng malalim.

"Uh, s-sorry din, pero di naman a-ako galit sayo, dun sa babae ako g-galit." Mahinang sabi ko. Hinawakan niya ang baba ko kaya nagtama ang aming mga mata. Kita ko sa mata niya ang saya at pag aalala. Pagkatapos naming mag ayos ay nag kwentuhan pa kami hanggang sa nakatulog kami, gusto niya kasi tumabi sakin kaya wala na akong nagawa kundi pumayag dahil gusto ko rin naman. Sa sumunod na araw ay sabay kaming nagising ni Nicholas sabi niya ay maaga daw siya papasok dahil nagkaroon ng problema sa kumpanya, pinakain ko muna siya bago siya umalis para may lakas siya, natatawa nga ko dahil ako lang daw ang lakas niya, grabe napaka cheesy niya.

Habang ang kambal ay nasa taas at nag gagadget, si manang ay umalis dahil pupunta siya ng palengke, habang kaming dalawa naman ni Liza ay naglinis ng sala at yung dalawa naman sa kusina. Habang naglilinis ay nagkwekwentuhan kami, sinabi ko rin iyong nangyari samin sa probinsya pero diko pa sinasabi sa kanila ang relasyon namin ni Nicholas, tingin ko next time na lang, natigil lang kami sa pag uusap ng marinig namin ang tunog ng takong. Napatingin kami sa pinto ng pumasok si ma'am Ella nabanggit kasi sakin ni Liza na siya yung dati nilang pinag uusapan na malandi daw kasi dikit daw ng dikit kay Nicholas. Napatingin ako sa kanya, maganda siya maganda ang hugis ng mukha at sobrang puti niya sa suot niyang dress na fit sa katawan niya ay bagay sa kanya, kung ang ibang tao pupurihin siya dahil napakaamo ng mukha niya pero dahil sa make up niya ay nagmumukha siyang mataray, idagdag mo pang ang kapal ng lipstick niya.

"Where's Nicholas? Maarteng tanong niya samin ni Liza. Sa kanan naman niya ay hawak niya ang LV na bag niya halatang mamahalin dahil sa ganda atsaka brand. Yung ulo niya naman ay paikot ikot halatang hinahanap si Nicholas as if naman na andito.

Ano kaya kailangan niya sa boyfriend ko? Pero syempre sa isip ko lang iyon.

"I said where's Nicholas? Mataray na sabi niya samin. Napatingin na siya samin kita sa mata niya ang pagdisgusto ng makita ako, head to toe niya ako.

"Ano po ma'am maaga po siyang umalis." Magalang na sabi ni Liza pero kita ko kung paano siya lihim na umirap. Nilagay naman ni ma'am Ella ang ilang hibla ng buhok niya sa likod, at dumiretso ng upo sa sofa. Pagkaupo ay agad dumekwatro ang paa niya at parang reyna na sumandal siya.

"Tsk piling reyna tangina niya." Mahinang Sabi niya na agad kinatingin samin ni ma'am Ella. Biglang tumaas ang kilay niya.

"What did you fucking say? Maarteng saad niya. Siniko ko naman ng mahina si Liza.

"W-wala po." Magalang ko na Sabi. Tumango lang siya at kumunot ang noo na nakatingin samin.

"What? Ano pang tinatayo tayo niyo diyan, alis nakakairita yung pagmumukha niyo." Tumingin pa siya samin at nandidiri na tumingin samin.

Tumalikod na kami ni Liza nakakadalawang hakbang pa lang kami ng tawagin niya kami. Nakita ko pa ang pagsimangot ni Liza, nakaupo na ng maayos si ma'am Ella pero nakadekwatro padin siya at naka cross ang arms niya sa dibdib.

"Ano po iyon ma'am/bakit po? Sabay na sabi namin ni Liza. Tumingin siya kay Liza at pumunta ang paningin niya sakin.

"You?

Nakaturo sa sarili na nagsalita ako. "A-ako po?

"Tanga kaba sino pa ba e sayo nga ko nakatingin e?

Tiningnan ko si Liza at pinahiwatig na Iwan niya kami.

"Ipagtimpla moko ng juice bilis." Tumalima naman ako at nagmamadaling iniwan ang hawak at dumiretso ng kusina nakita ko Liza at Claire Jane na nakatingin sakin.

"Ano nanaman sabi ng babaeng yon sayo? Tanong ni Liza.

"Ano kaba, gusto niya kasi uminom ng juice." Paliwanag ko.

"Tsee, wala ba siyang paa at kamay bwisit, di porket maid tayo dito aalipustihin niya lang tayo tangina niya talaga." Liza.

Napailing na lang ako at pumunta na ng sala hawak ang tray na laman ng orange juice at baso, ay lumapit nako sa kanya. Nakita ko siyang busy sa cellphone ng malapit nako sa kanya ay nilagay ko sa center table ang tray naglagay ako ng juice sa baso at ibibigay na sana sa kanya ng matisod ako, pero alam kong paa niya ang dahilan ng pagkatisod ko. Nataranta ako ng makitang nabasa ang damit niya.

"Are you fucking stupid, di mo ba nakita yung dinadaanan mo, napakatanga mo talaga." Dinuro pa niya ang noo ko. Napapikit ako. Gusto kong umiyak dahil sa sinabi niya pero ayokong maging mahina sa harap niya. Napatingin ako sa likod ko ng makitang lalapit sana si Liza pero inilingan ko lang iyon.

Kumuha ako ng tissue at pupunasan ko sana ang dress niya ng itulak niya ko, napaigik ako ng masaktan ang pwetan ko. Pero kahit na nasasaktan ay pinilit Kong tumayo kahit sobrang sakit.

"Sorry po talaga ma'am di kopo sinasad-

"Dimo sinasadya are you fucking stupid, do you know what you are talking about look at what happened to my dress don't you know how expensive it is then only a poor person lang ang makakabasa ng damit ko." Maarteng Sabi niya at kumuha siya ng juice at binuhos sakin, napaawang ang bibig ko at napapikit ako.

Dito muna pagod nako mag type...

Ynshii__02

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now