CHAPTER 25

2.1K 62 0
                                    

Nathania point of view

Kahit papaano naging masaya ako sa araw na ito dahil sa wakas muli ko na naman nadalaw ang lola ko.Kasalukuyan kong sinusubuan ng pagkain si lola habang nakangiting pinagmamasdan siya.Iniisip ko kung papaano ko sasabihin kay lola ang pagbubuntis ko natatakot ako na baka magulat siya.

Hindi ko rin kung saan ako magsisimulang sabihin sa kaniya na ikakasal na ako kay demon.Magpahanggang ngayon tinatanong ko parin sa sarili ko kung desidido naba akong magpakasal.Parang nangangamba ako.

Kung hindi lang si lola ang nakasalalay dito hindi talaga ako magpapakasal kay demon lalo pa't kung alam ko na minsan nasisiraan na siya ng utak.

Gusto kong ipagamot mona siya peru wala akong karapatan upang magsuggest sa kaniya na magpagamot na siya dahil baka magalit siya sakin.

Pakiramdam ko nakabaun ako sa kalungkutan,Kung magpapakasal ako kay demon hindi ko masasabi kung ano ang magiging takbo ng buhay ko,hindi kopa nga siya asawa nararanasan kona ang pagmalupitan niya.

" Apo ano ba ang iniisip mo? " napabalik ako sa realidad ng pumukaw sakin ang boses ni lola.Masyado na akong lutang hays.

" W-wala lola sige po kumain po kayo ng marami para maging malusog kayo! " muli ko siya sinubuan ng pagkain. " Salamat sa pagpunta mo dito,alam mo bang palagi kitang naiisip mahal kong apo? " parang gusto kong umiyak dahil sa awa.

Paano ko siya mabibista araw-araw kung hindi ako pinapayagan ni demon?

Peru kapag tutuparin ni demon ang sinabi niya na pwede kong bisitahin ang lola ko araw araw basta't pumayag akong pakasalan siya mangyayaring palagi kong makakasama ang lola ko hangga't kailan ko gusto.

Nang sumapit na ang gabi bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot dahil baka uuwi na kami ngayon gabi.

" Lola magpahinga napo kayo bakit hindi kapa natutulog? " nakita ko ang pagsilalay ng ngiti sa labi niya. " A-apo pwedeng kahit isang gabi lang samahan mo mona ako dito namimiss kona ang dati natin ginagawa noon! " Napakagat ako sa labi ko.

Hindi pwede dahil baka uuwi na kami ngayong gabi. " L-lola a-ano kase b-baka aalis din ako ngayong gabi! " nakita ko ang pagyuko niya.kahit hindi sabihin sakin alam kung malungkot siya. " O-okay lang! " nakaramdam ako ng pagkirot sa puso.Humiga na ito at tinalikuran ako.

" L-lola sandali lang po gagawa ako ng paraan para masamahan kita ngayong gabi! " hindi niya ako kinibo.

Marahan na naglakad ako papalbas hahanapin ko lang si demon baka pagbigyan niya ako bahala na kukulitin ko nalang siya.Sana mapapayag ko.

Nang makita ko siya sa balkonahe nahihiyang lumapit ako sa kaniya dahil may kasama siyang mga tauhan niya na halos kaedad lang niya.tumikhim ako para makuha ko ang atensyon niya.

Napatingin sila sakin.Tumingin si vin sa mga tauhan nila. "Leave iwan niyo mona kami! " malamig nitong sambit at deritsong nakatingin sakin ng seryuso.

Agad na umalis ang mga tauhan niya.He pointed me kaya wala na akong inaksayang oras at agad ng lumapit sa kaniya. " Uuwi naba tayo? " malamig nitong tanong sakin.Seryusong-seryuso siya ngayon.

" Kahit isang gabi lang demon p-please gusto kong makasama ang lola ko. "

"No" tipid nitong anas.Nakaramdam ako ng lungkot.Nagsusumamo ko siyang tiningnan at masuyong niyakap siya.Bahagya kong isinandal ang ulo ko sa patigas niyang dibdib.

Masyado siyang matangkad kaya hanggang dibdib lang niya ako. " S-sige na please! please demon! gusto ko talagang makasama si lola! " hindi siya nakaimik.

" G-gusto din ng baby natin na samahan ang lola niya dito! " napakagat ako sa labi ko.Kinuha ko ang kamay niya at bahagyang inilagay sa tyan ko." K-kahit ngayong gabi lang para kay baby! " Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

Tumingin ako sa kaniya at bahagyang tumingkayad upang halikan siya,alam kong magiging maamo siya kapag inuunahan ko siyang halikan.Iwan ko kung natutuwa siya sa ginawa ko.

Mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang pagresponde niya,medyo kinabahan ako dahil baka mauwi pa ito sa higit na halik.Bahagya ko siyang tinulak hanggang sa maramdaman ko ang paglayo ng labi niya sa labi ko. " P-please demon please "

" F-fine bukas tayo uuwi! " dahil sa sinabi niya napangiti ako dahil sa saya. " But you will sleep with me hindi ka dapat mahiwalay sa tabi ko right nathania? "kahit labag sa loob ko ay tumango-tango nalang ako.

•••••
Pinatulog ko lang si lola peru pagkatapos nito  kailangan ko ng pumunta sa kabilang kwarto dahil iyon amg gusto ni demon.Gusto kong matulog dito sa tabi ni lola peru hindi pwede, Alam narin ni lola na hindi kami uuwi ngayong gabi peru hindi niya alam na hindi  niya ako makakatabing matulog.

Sa pagkakaalam niya tatabihan ko siya ngayong gabi,nakatalikod siya sakin habang mahigpit na nakayakap ako sa likuran niya.

Rinig ko na humihilik na siya kaya baka mahimbing na ang tulog niya. " Sige na ma'am nathania pwede ka ng umalis. kanina kapa hinihintay ni master D! " saad ng isang babae na palaging nag-aalaga sa lola ko.Ngumiti ako ng tipid sa kaniya at marahan na tumayo.

" Ako na ang bahala sa lola mo don't worry sanay naman siya na ako palagi ang kasama niya! " tumango tango lang ako bago pagmasdan si lola. " Good night mahal kong lola! " bago umalis hinalikan ko mona ang noo niya.

Nang makarating na sa tapat ng pinto ng magiging kwarto namin ni demon saglit na napatitig ako sa pinto nagdadalawang isip kung papasok naba ako.

Peru balita ng babae kanina sakin na hinihintay na daw ako ni demon baka nababagot na iyon sa kakahintay sakin.

Huminga mona ako ng malalim bago ko marahan na pinihit ang doorknob.Napaiwas ako ng tingin ng makit ko si demon habang prenting nakaubo sa single sofa,Humihithit ito ng segarilyo habang seryusong nakatingin sakin.Naiilang na nagtungo nalang ako sa taas ng kama at tumalikod nalang ng higa.

Maganda ang kwarto punong puno ng  mamahaling dekorasyon, makulay bawat kabuuan ng kwarto.

Malinis at ang bango-bango pa.Hindi ko alam na marami palang mansion si demon sa bagay mayaman siya eh.

Nanatiling nakatitig lang ako sa gilid habang nakatingin sa pader.Naramdaman ko nalang ang paggalaw ng kama senyales na nasa tabi kona si demon.

Naiilang ako sa kaniya.Hanggang ngayon iniisip ko parin ang tungkol sa kasal. Hindi ko alam kung bakit nagmamadali siyang oakaslaan ako.

" Humarap ka sakin nathania I know you're awake! " napalunok ako at mariin na napapikit.

Muli kong idinilat ang mga mata ko at marahan na humarap sa kaniya,kailangan ko siyang pakisamahan para palagi siyang good mood.

" G-gusto ko ng matulog! " sambit ko at marahan na yumakap sa kaniya.Narinig ko naman ang malalim niyang paghinga bago ko naramdaman ang pagyakap niya sakin pabalik.

Hanggang ngayon pinaglilihi ko parin ang pabango niya minsan ang lalaking ito pa ang pinaglilihian ko.Palaging gusto ko siyang kasama at kayakap ang weird ng pakiramdam ko minsan.

Napatingin ako sa kamay niya ng bumaba iyon sa tyan ko.Marahan na nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita kona itong nakapikit ang kaniyang mga bata habng ang kamay niya ay nanatiling nakadapo sa tyan ko.

Mariin nalang akong napapikit ng makaramdam ako ng antok, komportableng kompotable ako ngayon na parang masasarapan ako sa pagtulog ko.

Isiniksik ko nalang ang ulo ko sa leeg ni demon at mas lalong idinikit ang katawan ko sa katawan niya.

Parang kanina lang naiilang ako peru ngayon sabik na sabik ako sa presencya niya at dahil na naman ito sa pagdadalang tao ko.

Hinihiling ko na sana kapag dumating sa punto na mahuhulog na ng tuluyan ang loob ko kay demon hinihiling ko na sana magbago na siya.Magbago na ang pananaw niya sa buhay!

MY KIDNAPPER'S OBSESSION(COMPLETED)Where stories live. Discover now