CHAPTER 28

1.9K 57 2
                                    

THIRD PERSON POV

Masayang pumasok si nathania sa loob ng mansion dahil sabik na sabik na siyang mayakap ang kaniyang lola.Nang makapasok agad na lumapit si nathania sa babaeng naatasan upang alagaan ang matanda. "S-si lola? nasaan siya? " Masayang tanong nito sa babae.

Tipid na ngumiti ang babae sa kaniya bago bumaling ng tingin kay demon na nasa likuran lamang ni nathania. " Nasa kwarto po siya señorita nathania, kakatapos pa lang niyang kumain! " sagot ng babae bago tumingin sa kaniya.

" Saang kwarto ba? Gusto kong makita si lola p-please dalhin mo ako sa kaniya! " Tumingin ang babae  bago tumango tango.Saglit na bumaling ng tingin si nathania sa kaniyang likuran upang silipin si demon na seryuso lang na nakatingin sa kaniya.

Wala itong ni isang salita ang kumawala sa bibig niya bago tinalikuran si demon at sumunod sa babae na ngayon ay papaakyat na sa taas.

Pagdating sa tapat ng pinto marahan na pinihit ng babae ang seradora bago tumingin sa kaniya. " Nandon po siya señotita nathania! " tumingin ito sa matanda na nakahiga sa kama.

Agad na sumilalay ang malawak na ngiti ni nathania at tinahak ang daan patungo sa kaniyang lola.

" Mahal kong lola! " Autumatikong napatingin sa kaniya ang matanda ng makilatis nito ang malambing niyang boses." Lola ko mabuti't nandito kana,masaya po ako! " isang mahigpit na yakap ang iginawad ni nathania sa kaniyang lola bago halikan ang noo ng matanda.

Saglit na kumalas ng yakap ang matanda kasabay non ang patingin sa kaniya. " Sabik na sabik ako sayo mabuti't dumating na kayo. " ngumiti si nathania bago hawakan ang kamay ng matanda.

" Alam mo lola h-hindi napo tayo magkakahiwalay,simula ngayon magkakasama na tayo sa iisang bubong! " lumawak ang ngiti ng matanda.

" T-talaga ba apo? "

" Opo lola! " nakangiting tumango-tango si nathania. " Hindi napo tayo magkakahiwalay lola ko! " Halos maiyak na sa saya na sambit ni nathania.Muli ay yumakap si nathania sa matanda.

Masaya siya dahil hindi narin siya mahihiwalay sa kaniyang lola,kung mamimiss niya ang presensya ng kaniyang lola ay bibisitahin lang niya ito sa kabilang kwarto.

Nang sumapit ang gabi, kapwa nakahiga sina nathania at ang matanda sa malambot na kama,nakapulupot sa bewang ng matanda ang kamay ni nathania habang nakatingin lamang sila sa taas ng kisame.

" K-kumusta iyong kasal mo apo? " agad na natigilan si nathania dahil sa tanong ng kaniyang lola.

Hanggang ngayon kase hindi niya pa alam kung bakit madaling napapayag ni demon ang lola niya upang pakasalan siya.Paulit-ulit na nagtatanong ang utak niya kung ano ang ginawa ni demon.

Napabuga ng hangin si nathania. " O-okay lang lola ko! " Tumingin si nathania sa kaniyang lola na nakangiti ng malawak,nagtaka siya. "Napakabait pala ng asawa mo apo! " dahil sa sinabi ng matanda napatingin agad si nathania sa kaniya.

" Sinabi niya sakin na mahal na mahal ka daw niya! " ngumiti ang matanda, sa isip ni nathania hindi siya makapaniwala na sasabihin iyon ni demon sa lola niya.Malay ba niyang binibilog lang ng demon na iyon ang utak ng lola niya.

" A-ano iyong sinabi niya sayo lola? " naitanong ni nathania,malawak lang ang ngiti ng matanda habang di maalis ang saya nito sa mukha. " Naging magkasintahan daw kayo, nasabi niya rin na nagdadalang tao ka daw! Masaya ako sa inyo apo." mariin na napapikit ang dalaga.

Totoo nga ang hinala niya na binilog ni demon ang ulo ng kaniyang lola.Ngayon siya naawa sa lola niya dahil sa matanda na ito madali pa itong nauto. " Mahal mo ba siya apo? " Naitanong ng matanda sa kaniya.

MY KIDNAPPER'S OBSESSION(COMPLETED)Where stories live. Discover now