CHAPTER 42

1.6K 55 3
                                    

Tulala ako habang nakatingin sa taas ng kisame ang isa kong kamay ay nakahagod sa maumbok kong tyan.

Tumalikod ako ng higa ng makita ko si demon na ngayon ay papalapit na sa gawi ko.Tatlong araw na ang lumipas simula ng mapunta ulit ako sa kaniya.

Tanging iyak lang ang nagagawa ko at humahanap parin ng paraan kung papaano ko siya matakasan.Gusto kong makita si david ano kaya ang ginawa niya kay david?

Naramdaman ko ang mahinang paggalaw ng kama senyales na naupo na siya sa tabi ko.Rinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya naman mariin akong napapikit bago nagmulat ulit.

" I'm sorry, give me a second chance,papatunayan ko sayo na nagsisisi na ako sa lahat ng nagawa ko sayo.Mahal parin kita kahit ayaw mo sakin.Balang araw maiintindihan mo rin ang lahat,I was wrong and yes Karapatan mong magalit sakin! " mariin akong napapikit.

Dumapo ang kamay niya sa bewang ko habang nakatalikod parin ako sa kaniya.

Madalas ko siyang awayin mabuti't hindi niya ako sinasaktan.Iyong dating pamabababoy at mananaktan niya sakin ay hindi na naulit.

Boung akala ko kapag napunta na ulit ako sa kaniya ay sasaktan niya ako peru mali,palagi nalang niyang sinasabi sakin na magbabago na siya.

" I love you so much wife, p-please forgive me! " ang lungkot ng boses niya.Ngunit kahit ganon pa man hindi ako nagpatinag.

" Si david ang mahal ko,ibalik mona ako sa kaniya ayaw kona sayo demon,hindi ba malinaw ang sinabi ko na ayaw ko sa demonyong tulad mo! "madiin kong sambit na halata iyong galit sa boses ko.

Naramdaman kong ipinatong niya ang ulo niya sa braso ko dahilan kaya napasinghap ako. " Everyone hates me! " sambit niya gamit ang malungkot na boses. " Dahil demonyo ka! " madiin kong sambit.

" No one loves me! " palihim na napangisi ako. " Dahil sa pag-uugali mo,dahil sa pag-uugali mo kaya walang taong magmamahal sayo! "

Alam kong nasasaktan na siya ng subra peru wala akong pakealam.Hindi siya dapat kaawaan.Bakit naawa ba siya sakin noon?

hindi!

" Ano ang ginawa mo kay david? ano ang ginawa mo sa lalaking mahal ko at ama ng magiging anak ko? " lakas loob kong tanong,mahahalata na galit iyong boses ko.

" Why did you have a relationship with david?" galit na humarap ako sa kaniya.

" Dahil mahal namin ang isa't isa, mahal niya ako,pinapahalagahan,nirerespito at higit sa lahat hindi niya ako sinasaktan! " napaiwas ito ng tingin sakin,mas lalo siyang nasaktan dahil sa sinabi ko.

" Nasaan siya demon? Ano ang ginawa mo sa kaniya? " hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit niya ako nahanap,limang buwan ko lang naranasan ang maging malaya at limang buwan na nakasama si david sa isla.Nakakamiss iyong panahon na iyon.

" Pin*tay ko siya! " natigilan ako sa sinabi niya,muling nag-init ang sulok ng mata ko bago ko naramdaman ang tulo ng luha na lumandas pa sa pisngi ko.

" D-demonyo ka talaga, hayop ka! " galit peru luhaan na tumingin ako sa kaniya bumangon ako sa pagkakahiga at muli siyang hinampas sa dibdib niya.

Mas lalo tuloy lumalaki ang galit ko sa kaniya,wala eh hindi ko makontrol ang sarili ko,matagal ko ng ikinikimkim ang galit ko at ngayon gusto ko ng ilabas at ipadama sa kaniya ang galit na iyon.

" Wala kang awa! demonyo ka! demony- uhmm! " agad na natihimik ako ng siilin niya ako ng halik,mas lalo akong napaiyak at nagpupumiglas na sa kaniya ng tudo.Mahigpit ang pagkakahawak ng kamay niya sa magkabilang pisngi ko at ramdam ko ang pagkadiin ng labi niya sa labi ko.

MY KIDNAPPER'S OBSESSION(COMPLETED)Where stories live. Discover now