CHAPTER 40

1.6K 46 0
                                    

Nathania point of view

Nakahiga lang ako sa kama habang ang mga mata ay nakatitig sa taas ng kisame,nakahawak ang kamay ko sa maumbok ko ng tyan.Ang bigat na nito!

Bakit kapag buntis minsan maglilihi ka sa taong nakabuntis sa iyo?Pakiramdam ko ang lungkot pa rin,mas malungkot iyong sitwasyon ko na makipagrelasyon kay david dahil alam kong nasasaktan din siya.

Limang buwan narin ang lumipas simula ng makatungtong kami dito sa napakatahimik na isla,limang buwan ay naging tahimik ang buhay ko,limang buwan narin na nasa isinapupunan ko ang anak ko.Si david mas lalong napamahal sakin kahit mali!

Minsan hindi rin maalis sakin ang hindi isipin si demon kahit ipinangako ko sa sarili ko na never ko siyang iisipin kahit kailan pa man.

Ako lang ang nakakaintindi kay demon.Ako lang iyong bukod tanging nagpapakalma sa kaniya. Nagagalit ako sa kaniya kahit alam kong natutrauma lang siya sa nakaraan niya.

Nasasaktan niya ako dahil nawawala siya sa tamang pag-iisip, kapag kaya bumabalik ang nakaraan niya sino na kaya ang sandigan niya ngayon? marahil si kyla na ang nagpapakalma sa kaniya.

Napangiti ako ng mapait.Hindi ko alam kong dapat ko pa ba siyang patawarin.Kinasusuklaman ko siya.

" How are you?Still bad mood? " napatingin ako kay david ng makitang nakatayo ito habang nakasandal ang kaniyang likuran sa pintuan. " O-okay na ako! " sambit ko at tipid na ngumiti.Lumapit ito sa kama at nahiga rin sa tabi ko.

Tumikhim ako " D-david p-paano kung mahanap tayo ni demon? Kilala ko at mas lalonv kilala mo ang ugali niya hindi siya basta-basta natatalo?"  ngumiti lang siya sakin .Nakakapagtaka lang at bakit hindi siya marunong mamroblema?

" We both know that he's a id*ot man, don't worry even he find you, I'll never allow him to get you from me."

  Hindi ko pa rin maiwasang matakot, ayaw kong malagay sa pilegro ang buhay niya,ayaw kong saktan at pat*yin siya ni demon ng dahil sakin.

Minsan ng may namat*y ng dahil sakin at subrang nakakakonsencya talaga dahil ako pa ang naging dahilan ng pagkam*tay niya.

" N-natatakot ako! n-natatakot ako sa pwedi niyang gawin sayo! " gusto kong umiyak sa sitwasyon namin.

Kahit  na kaya niyang gawan ng paraan  mawalan lang ng bisa ang kasal namin ni demon alam kung mahihirapan pa din diya.

Kasal pa ako kay demon at wala pang kaseguraduhan na makakalaya ako sa pagkakahawla ko sa kaniya.

" D-david? " sinubukan ko siyang tingnan.Mali iyong ginagawa namin.Habang maaga pa kailangan ko monang dumistansya sa kaniya.

Oo hindi ko maintindihan kong bakit ang dali kong mahulog sa kaniya.

Marahil dahil sa ugali niya.Marahil doon ko naramdaman sa kaniya na pinapahalagahan niya ako ng husto.Nirerespito niya ako.Hindi katulad kay demon,puru pasakit ang inaabot ko sa kaniya.

Mahal ko si david peru mali,mali ito dahil hangga't kasal pa ako kay demon hindi din kami magiging masaya.

" Why are you crying? " mabilis nitong pinunasan ang luha ko sa mata bago ako tingnan ng malungkot. Naawa ako.Mahal niya ako at ramdam ko iyon peru mali eh kailangan sa mas lalong madaling panahon ay dumistasya mona ako sa kaniya dahil kasal parin ako sa kapatid niya.Nagkamali ako.

Ngunit ang pagmamahal ko sa kaniya ay totoo,subalit may mga bagay na kahit kapwa pa kayong nagkakagustuhan dumadating din sa  punto na walang sasaya sa pagitan ninyo. " Mahal kita,peru mali ang ginagawa natin! " dumaan sa mga mata niya ang lungkot.

" Hangga't maaari huwag mona natin ituloy ang relasyon natin sa isa't isa, d-david I'm sorry! " subra akong nahihirapan sa sitwasyon namin ,alam ko naman dahil kahit hindi niya sabihin alam kong malungkot parin siya dahil ipinagbubuntis ko ang anak ng kapatid niya.

MY KIDNAPPER'S OBSESSION(COMPLETED)Where stories live. Discover now