CHAPTER 54

1.6K 37 1
                                    

Umabot na ng dalawang linggo simula ng makauwi kami sa pilipinas.Naging maayos naman ang buhay namin dito,kaso si demon subrang tigas ng ulo niya.

Gusto siyang kausapin ng mama niya peru ayaw ni demon.
Nabalitaan ko rin ang tungkol sa papa niya na naisugod daw ito sa hospital.

Naiintindihan ko naman kung bakit hindi madaling mapatawad ni demon ang papa niya.Hindi rin kase biro ang naging karanasan niya sa kamay ng papa niya.

Peru kung ako ang tatanungin mas pipiliin kona iyong makakabuti sa aming lahat.Peru hindi ko kontrolado si demon.

Nabalitaan din ng mga magulang ni demon na may apo na sila.Gustong - gusto nilang  makita si baby bright peru ipinagkait ni demon ang anak namin sa mga magulang niya.Napabuntong hininga ako bago tumingin sa labas.

Mahimbing ang tulog ni baby bright samantala si demon naman nasa kompanya niya.Simula ng makatungtong kami sa pilipinas ni hindi man lang ako nakalabas.

Sinabi sakin ni demon na mapanganib daw kapag lalabas ako at paniguradong dahil na naman ito sa grupo nina stevan.

Kahit nga makabangga ko pa iyon ay hindi ko siya makikilala.Hindi ko alam ang tunay na mukha ng lalaking iyon.

Mga ilang minuto pa bago ko napagpasyahang bumababa sa kusina upang ipagluto si demon ng paburito niya.Tinawagan ko si cindy na bantayan si baby bright.

Katulad ng dati marami paring bantay sa mansion na ito.Ito lang ata ang mansion na hindi nawawalan ng maraming tao.

Si lola nasa kwarto niya madalas ko siyang bisitahin don at madalas na dinadala si baby bright sa kaniya.Natutuwa siya dahil may anak na ako.

Habang kumukuha ng sangkap sa pagluluto nabigla ako ng mawala ang liwanag galing sa malawak na mansion,subrang dilim at wala akong maaninag.

Nagsimula na naman  akong matakot.Takot ako sa dilim kaya medyo nakakonekta ang paghinga ko don.

Nahihirapan akong huminga at ganito talaga ako pag nasa ilalim ng kadiliman. Hindi ko namalayan ang taong biglang nakalapit sa gawi ko at may kung anong patalim ang tinutok sa tagiliran ko.Napasinghap ako dahil sa pagkabigla.

Biglang tumulo ang luha ko. Anong nangyayari?

Nanatiling walang liwanag. " Huwag kang maingay kung ayaw mong mam*tay! " Kinabahan ako.

Gusto kong sumigaw at humingi ng saklolo ngunit hindi ko magawa dahil pinagbabantaan niya ang buhay ko.

"P-pakiusap! h-huwag! " pagpigil ko ngunit naramdaman kona lamang na may ilapat itong panyo sa ilong ko dahilan kaya nandilim ang paningin ko.
-----

Nagtataka na inilibot ko ang paningin ko sa isang malawak na kwarto.Nasaan ako?

Tumayo ako at naglakad papalapit sa malaking bintana.Napatakip ako sa bibig ko dahil ang daming armadong mga lalaki ang nakabantay dito.

Nagtataka ako kung sino ang kumidnap sakin kagabi.Hindi maaari kailangan ko makaalis dito.

Baka hinahanap na ako ni demon.Ang mainit kong luha ay bigla na lamang kumawala.
Naglakad ako patungo sa pintuan ngunit nanlumo ako ng malamang nakalocked iyon.

Ang ginawa ko pumunta ako sa isang bintana na ang nasa likuran.Mabuti dahil sa parting likod ng mansion ay hindi matao.

Kinuha ko ang kurtina at mga tila na pweding magsilbing lubid upang makababa ako.

Mga dalawang palapag lang naman kaya nagtagumpay akong makababa.Nanginginig ang katawan ko sa takot.

Taimtim akong nanalangin na sana makatakas ako sa mga lalaking walang hiyang kumidnap sakin.

MY KIDNAPPER'S OBSESSION(COMPLETED)Where stories live. Discover now