CHAPTER 26

2K 52 0
                                    

Nathania point of view

Napabaling ako ng tingin kay demon ng maramdaman ko ang pagdapo ng kamay niya sa kamay ko. " Are you okay? " tipid na tango lang ang naisagot ko sa kaniya bago ibaling sa labas ang tingin ko.

Kasalukuyan kami ngayon bumibyahe papunta sa mansion niya.Mabuti nakabonding kopa kanina si lola,kahit papaano natuwa parin ako sa ginawa ni demon dahil sa pagpayag niyang makasama ko ang lola ko kagabi kaso nga lang hindi boung gabi na nasa tabi  ko siya.

" D-demon?  "Lakas loob kong sambit dahilan kaya napatingin siya sakin.Seryuso ang mukha niya habang nahawak parin ang kamay niya sa kamay ko.Napakagat ako sa labi ko at sinubukang tingnan siya sa mata."Why? " tipid niyang tanong.Bumuntong hininga ako

" B-bakit pinapadali mo ang kasal n-natin? Diba pwedeng ipagpaliban mona natin iyon?"dahil sa tanong ko kumunot ang noo niya.

Saglit na napayuko ako bago kagat labing tumingin sa kaniya. " Tsaka nalang tayo magpakasal kapag nanganak na ako! p-pwede ba iyon? " tila nanlalamig na ako sa takot dahil kakaiba ang naging reaksyon niya sa tanong ko.

Hanggang ngayon naguguluhan parin ako kung bakit gusto niya akong pakasalan.Bou naba ang desisyon niya? papakasalan niya ang isang tulad ko? Papakasalan niya ba ako dahil mahal niya ako? ni hindi ko nga maramdaman na mahal niya ako eh!

Baka kaya niya talaga ako papakasalan iyon ay dahil dinadala ko ang anak niya.Peru sa ganitong paraan parang nag-aagam-agam ako. " We need to get married as soon as possible nathania! " madiin niyang sambit habang seryusong nakatingin sakin.Napayuko ako at umiwas nalang ng tingin sa kaniya.Bakit siya ganito?

Pilit na napatingin ako sa kaniya ng hawakan niya ang panga ko at pinaharap iyon sa kaniya. " I already marked you nathania kaya dapat lang kitang pakasalan! " Napapikit ako ng marahan na dumapo ang labi niya sa labi ko.

" D-demon! " mahinang naitulak ko siya ng maramdaman ang agresibo niyang halik na tumungo sa leeg ko.Hindi ba siya marunong mahiya?

May dalawang siyang tauhan dito sa loob ng van peru ni hindi man lang niya naisip na may taong makakakita sa pwede niyang gawin sakin.Hindi talaga siya pumipili ng lugar.Kahit sa publikong lugar ay magagawa niya akong galawin.

Naisandal ko ang ulo ko sa balikat niya at masuyong hinawakan ang kamay niya.Inuunahan ko nalang dahil baka nagalit siya sa pagtulak ko kanina. Napatingin naman siya sa ginawa ko.

Mapapaamo ko ang pag-uugali niyang demonyo kapag sinusunod ko ang gusto niya.May mga bagay parin talaga na nasusuway ko siya.

Dahil sa sinabi niya kanina na papakasalan niya ako dahil namarkahan niya na ako may parte sa puso ko na namamangha ako.Iyong lalaking matapos kang pagsawaan at buntisin ay papakasalan ka at higit sa lahat pananagutan niya ang responsibiladad niya sakin at sa anak niya.Tunay siyang lalaking mapanindigan!

May mga lalaking nakuha na nila ang gusto nila,nakuha na nilang pagsawaan ang katawan mo,nakuha nilang buntisin ka peru sa huli papabayaan ka lang nila basta't nagawa lang nila ang pagkainteres nila sa katawan ng babaeng pinagsasamantalahan nila.

Masasabi kong iba pala si demon!

Dahil matagal-tagal pa ang lalakbayin namin nakaramdam ako ng antok kaya ipinikit ko nalang ang mata ko habang nakasandal ang aking ulo sa balikat niya.Hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng antok at tuluyan ng nawalan ng ulirat.

•••••

Hapon na ng makarating kami sa mansion.Naramdaman ko ang malambot na kama na dumapo sa likod ko.Maingat na inilapag ako ni demon sa kama at maayos na kinumutan ang katawan ko.Unti-unti na kaya siyang nagbabago?Sana naman nagbago na siya!

MY KIDNAPPER'S OBSESSION(COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu