CHAPTER 41

1.6K 45 0
                                    

Nathania point of view

Nagising ako ng maramdaman kong may nakapatong sakin habang ang ulo nito ay nakapako sa leeg ko,ramdam ko ang paghalik nito sa leeg ko habang mabigat parin ang talukap ng mata ko.

Gusto kong igalaw ang kamay ko ngunit parang nakagapos ako.

" Hmmm t-tumigil ka! " anas ko.Pilit kong inaalala kung ano ang nangyari sakin at bakit tila nasa ibang kwarto ako ngayon. " You're awake wife oh god I miss you! " niyakap niya ako.

Unti-unting nanubig ang mata ko ng maalala ang naganap na eksinang iyon.So ibig sabihin hindi iyon panaginip?

Totoo ba ito? Nasa kamay na ulit ako ng  demonyong tao na ito? naikuyom ko ang kamao ko at nagpupumiglas na sa kaniya.Napaiyak ako.

Hindi maaaring  mapunta ulit ako sa kaniya.Natatakot ako at baka pagmalupitan na naman niya ako.Ayaw ko ng mawalan ulit ng anak ng dahil sa kaniya.

" I really miss you wife I thought I would never find you again! " magaan niyang sambit  habang nakasiksik ang ulo niya sa leeg ko,hindi ko masilayan kung ano ang emosyon na bumabalot sa mukha niya ngayon peru mas mabuti narin iyon.Ayaw kong makita ang mukha niya kinasusuklaman ko siya!

Mariin akong napapikit at gusto siyang itulak ngunit nakagapos pala ang kamay ko. " Galit na galit ako sayo demonyo ka pakawalan mo ako dito ano pa ba ang kailangan mo? palayain mo nalang ako, ayaw ko sayo kinamumuhian kita hayop ka! " nagpapanic kong sigaw,hindi kona talaga kaya.

" Gusto ko ng lumayo sayo,demonyo ka! hayop ka! pakawalan mo ako dito! " nagwawalang sigaw ko dahilan kaya marahan na naramdaman ko ang pag-alis ng ulo niya sa leeg ko.

Nanginginig na ang katawan ko dahil sa galit gustong gusto ko siyang suntukin at makitang nahihirapan siya .

Galit na pinantayan ko ang malamlam niyang tingin sakin. " P-pakawalan mo ako dito demon, bakit ba ayaw mo akong pakawalan?kailan mo ako papalayain gustong gusto ko ng makalaya sayo! demonyo ka! pakawalan mona ako! " galit kong sigaw.

Peru kahit gaano kopa ipinakita ang matinding galit ko hindi parin naiba ang reaksyon niya malamlam parin itong nakatingin sakin.

Tumingin ako sa pulsuhan ko na nakatali sa headboard ng kama,hindi ko maiwasang hindi mapangiwi sa sakit dahil dulot ng mahigpit na tali.

" Pakawalan mo ako demonyo ka! " galit kong sigaw at pinilit na kalasin ang kamay ko sa pagkakatali.

"I know you're mad at me. Just be mad at me wife, I love you! " nagtangka siyang halikan ako ngunit naitagilid ko ang ulo ko dahilan kaya tumama sa pisngi ko ang halik niya.

Mas lalo naman umagos ang luha ko ng maalala si david,ano na angnanggari sa kaniya? nangangamba ako sa kalagayan niya.Ano kaya ang ginawa ng demonyong lalaki na ito kay david,natatakot ako na baka pinahirapan niya ito o di kaya pin*tay.

Diyos ko huwag naman sana, alam kong demonyo si demon ngunit sa palagay ko hindi naman niya magagawang patayin ang kapatid niya hindi ba? Peru nag-aalala parin ako!

Namalayan kona lang na kinakalas na pala ni demon ang nakatali kong kamay, napatingin ako sa pulsuhan ko at hindi nga ako nagkamali dahil nagkaroon ito ng bakat galing sa tali sa pulsuhan ko.

Bahagya akong bumangon upang umupo at galit na pinantayan ulit si demon ng tingin.

" Nasaan ako? Demon anong lugar ito? bakit mo ako dinala dito? " Galit kong tanong habang nakatingin sa kapaligiran. " We're here in america wife! " gulat na napatingin ako sa kaniya.

Bakit kailangan pa niya akong dalhin dito? paniguradong papahirapan na naman niya ako.

" S-si david anong ginawa mo sa kaniya? " galit na tiningnan ko siya,naging blanko ang mukha niya dahil sa tanong ko,alam kong hindi niya gusto na banggitin ko ang pangalan ni david peru wala akong pakealam!

MY KIDNAPPER'S OBSESSION(COMPLETED)Where stories live. Discover now