CHAPTER 29

1.9K 54 0
                                    

Nathania point of view

Halos hindi na ako mapakali sa kama na hinihigaan ko,Matapos tumalikod haharap ulit ako ng higa.Pinilit kong matulog ngunit diko magawa,hindi ko alam kung bakit nangangamba ako.Iyong pakiramdam ko parang ang hirap ipaliwanag.

Iniisip ko si demon. " Nathania bakit mo ba siya iniisip?Okay lang siya walang mangyayari sa kaniya " para akong baliw habang kinausap mag-isa ang aking sarili.Inis na sinabunutan ko ang buhok tsaka mabilis na ibinaun ang aking ulo sa unan.

" Arghh matulog kana nathania ano ba? " mura ko sa aking sarili.Muli ay tumaas ang tingin ko sa kisame habang iniisip ang lalaking iyon.God bakit subrang nag-aalala ako sa lalaking iyon? bakit pakiramdam ko may masamang mangyayari sa kaniya.Arghh nathania bakit kaba masyadong concern sa demon na iyon huh?

Nang hindi ko maramdaman ang antok bagkos ang nararamdaman ko ngayon ay pag-aalala. Bakit ba ako nag-aalala sa lalaking iyon? Seguro wala naman mangyayaring masama sa kaniya.Peru ng banggitin niya ang pangalan ni stevan kanina talagang di maalis sakin ang mag-alala sa kaniya.

Ang pangalang stevan ay minsan ng nabanggit sakin ni mary noong nakaraang araw, iyon ang mortal na kaaway ni demon.Mapanganib iyon para kay demon hindi talaga siya takot na baka maisahan siya ng stevan na iyon.

Napabaling ako ng tingin sa pinto ng biglang bumukas iyon. " Bakit hindi ka pa natutulog señorita? " hayss sinabi kona sa kaniya na huwag akong tawaging señorita dahil hindi ako sanay. " Cindy total  wala pa naman si demon dito kaya huwag mo mona akong tawaging señorita! " nahihiyang ngumiti ito bago tumango tango.

" Kung yan ang gusto mo, señorit-- "

" Nathania! " paglilinaw niya ulit.Ngumiti ako ng tipid sa kaniya. " Matulog kana, dapat sa mga oras na ito ay nagpapahinga kana! " hindi ako nakaimik,hindi ko lang maipaliwanag kung bakit kabado ang puso ko.Parang may kalahati sa puso ko na natatakot ako sa diko malaman na dahilan.

" Bago umalis si master D utos niya sakin na silipin kita dito kung nakapagpahinga kana! " sinulyapan ko siya ng tingin. " Pasencya kana kung naitanong ko ito nathania,hanggang ngayon ba galit kapa rin kay master D? " tanong niya.Hindi ako nakasagot at umiwas nalang ng tingin sa kaniya.

Tumikhim siya. " Pasencya na sa tanong ko,alam kung hindi naging madali ang lahat ng ginawa sayo ni master D,peru nathania salamat. " Napatingin ako sa kaniya ng banggitin niya ang huling kataga.Bakit siya nagpapasalamat?

" Sa araw ng kasal ninyo boung buhay ko ngayon ko lang nakitang ngumiti si master D,alam kung nahihirapan ka ngunit kahit ganon pa man nagpapasalamat ako dahil pumayag ka sa gusto niya.Atensyon lang naman ang gusto niya eh,boung buhay niya hindi siya nakaranas ng saya bagkos lunod siya sa lungkot at galit! " hindi ko alam kung ano ang meron sakin at napangiti ko si demon.Ganon naba talaga kalaki ang epekto ko sa kaniya at nagagawa kona siyang pangitiin.

" S-saan siya pupunta? " Agad na naitanong kasabay non ang pagtingin ko sa kaniya,saglit itong yumuko bago ako tinagnan. " S-seguro may mangyayari na namang barilan sa pagitan ng grupo nina stevan, halos lahat ng tauhan niya sumama peru ang iba nakapalibot sa boung mansion,Gusto ko sanang sumama peru utos niyang bantayan kita dito! " Bumuntong hininga ito.

" Nag-aalala ako para sa kanila,kilala ko si stevan hindi iyon marunong tumanggap ng pagkatalo! " malamlam na tumingin ako sa kaniya. " A-anong ibig mong sabihin? " nagtatanong ko siyang tiningnan.

" Bago ka makuha ni master D may humadlang sa plano niya, hinarangan nila ang van nina master D upang sila ang makakuha sayo peru malas nila hindi sila nagtagumpay,natalo sila ni master D"

Dapat ba akong magpasalamat na kay demon ako napunta at hindi kay stevan? Malay ko bang mas demonyo pa ang stevan na iyon kaysa sa lalaking demonyo rin .

MY KIDNAPPER'S OBSESSION(COMPLETED)Where stories live. Discover now