CHAPTER 52

1.7K 49 2
                                    

Nathania point of view

Narinig ko ang pag-iyak ni baby kaya mabilis na ipinulupot ko ang tuwalya sa katawan ko ng makatapos na akong maligo,mabilis na lumabas ako sa banyo peru agad din natigilan ng makita ko si demon na tudo ang pag-aalaga sa anak namin.

Hindi ako umimik.Pinagmasdan ko siya habang nagpapalit siya ng diaper,matapos niyang magpalit maingat niyang kinuha si baby.Hinehelehele niya ito hanggang sa tumahan na si baby.Napangiti ako hanggang sa mapadako ang tingin niya sakin.

" Ang galing mong magpatahan at tingnan mo oh ang dali niyang makatulog! " Ngumiti siya.Ako kase nahihirapan patulugin ang baby namin kahit pinadede kona ayaw parin matulog.

Minsan umiiyak at diko kayang patahananin samantala siya ang dali lang niyang gawin ang mga bagay na iyon.

Madalas siya na ang nag-aalaga sa anak namin,sa gabi naman minsan matagal matulog si baby,Kung hindi kona kaya si demon ang palaging nagpapresenta upang bantayan ang anak namin,siya palagi ang nagpapatulog sa anak namin.

Limang gabi na siyang walang tulog ng maayos,naawa tuloy ako ,halata sa mukha niya na puyat na puyat na siya.Palagi kong sinasabi sa kaniya na ako mona ang magbabantay peru ang kulit niya,baka daw magkasakit ako at ayaw niyang mapuyat ako,See ?subrang napakaalaga niya sakin.Wala siyang pakealam kahit siya ang magkaroon ng sakit.

" Ako mona ang bahala dyan magpahinga ka naman,puyat na puyat ka eh! " bahagya kong pinunasan ang pawis sa noo niya.

Madalas din siyang busy sa pagtatrabaho dito,may mga papeles na nakatambak na kailangan niyang permahan.

Hindi ko nga alam kung bakit niya kayang pagsamahin ang pagtatrabaho at pag-aalaga sa anak namin.

" Magbibihis lang ako tapos matulog ka mona huh? " Nagdadalawang isip pa ito peru ngayon ako naman ang magmamatigas sa kaniya.

" Magpapahinga ka, ayaw kong magkasakit ka hoyy! " Ngumiti din ito kalaunan peru hindi na umimik.

Napailing iling nalang ako at nagtungo na sa walk in closet para makapagbihis na ako.

Bumalik ako habang ganon ang posisyon ni demon.Nakatayo habang nasa bisig niya ang anak namin.

Total tulog naman si baby kinuha ko ito sa bisig niya, mabuti hindi siya nagprotesta,maingat na inilapag ko si baby sa crib niya bago tiningnan si demon na ngayon ay nakatitig lang sakin.

" Hindi ako makakapayag kong pabayaan nalang kita na walang pahinga at kulang sa tulog! " sambit ko at marahan siyang pinahiga sa kama thankfully nagpatianod nalang siya sa ginawa kong pagpahiga sa kama.

" Wife are you worried about me ? " Napatitig ako saglit. Kahit kulang sa tulog ang gwapo niya parin. " Oo subra akong nag-aalala sayo kaya please magpahinga ka rin, ako na ang bahala sa anak natin! "

Kinumutan ko siya ng maayos bago umupo sa tabi niya. Sleep well my handsome husband! " Ang matamis nitong ngiti ay halos matunaw ang puso ko sh*t! Marahan kong iniyuko ang ulo ko hanggang sa lumapat ang labi ko sa malambot niyang labi.

Ipinikit na nito ang mata niya at niyakap ang katawan ko.Napangiti ako sabay hagod sa buhok niya.

Nang makitang mahimbing na ang tulog niya tsaka ko napagpsyahang silipin si baby sa crib niya.

Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang mukha nito,kuhang-kuha niya talaga ang gwapong mukha ng papa niya.

Hinaplos-haplos ko ang mukha dito at pilit na inaabot ang noo nito upang halikan.Muli ay lumapit ako kay demon na mahimbing na ang tulog.

Alas syete ng umaga ngayon, tunay ngang napuyat si demon kagabi,ang tulog niya ngayon ay parang natutulog siya sa gabi.Ang himbing!

Ngumiti ako at marahan na hinagkan ang labi niya.Bumaba ako upang puntahan ang bagong yaya na kinuha ni demon upang magbantay sa anak namin tuwing araw.

MY KIDNAPPER'S OBSESSION(COMPLETED)Where stories live. Discover now