CHAPTER 56

1.6K 46 0
                                    

NATHANIA POINT OF VIEW

Tumagal ng isang linggo ang pamumuhay ko dito sa probinsya.Hindi naging madali sakin.Subrang hirap,parang naliligaw ako sa mundong tinatahak ko.Madalas kong isipin na wala na akong kwentang tao.Parang hinahanap ko kung saan ba ako nararapat.

Napabuntong hininga ako at napatingala sa taas ng biglang kumawala ang butil kong luha sa aking mata.Noong gabing iyon.Iyong gabing nagsimula akong kamuhian ang sarili ko.Sa gabing iyon nabago ang pananaw ko sa buhay.Iyon ang gabing nagahasa ako ng hayop na stevan na iyon.

Ano kaya ang naramdaman ni demon ng mangyari sakin iyon? Naawa? Seguro oo peru di ko mapigilang isipin na baka nandederi siya sakin.

Hinahanap niya kaya ako? Na miss niya na kaya ako? Sa paraan na iyon doon ko malalaman na wlaang nagbago sa pagmamahal niya sakin.

Matutulog na naman akong luhaan.Para akong nakakulong sa madilim kong mundo.Walang segundo na hindi ko sila nagiisip ni baby bright.Grabeng parusa ang natanggap ko!

May mali ba ako at bakit ganito ang parusa ng diyos sakin? Peru kailangan kong magpakatatag.Kailangan kong buuin ulit ang sarili ko.Kailangan kong maging malakas para sa sarili ko at sa mag-ama ko.Babalik ako sa puntong kaya kona.

KINAUMAGAHAN.Nagmadali akong bumangon at agad na nagluto ng makakain ko.Hindi ko nga alam kung bakit kinaya kong mabuhay ng mag-isa.Hindi ko alam kung bakit ako natutong kalabanin ang takot.Nasasanay na pala ako na maging ganito ang buhay ko.

Matapos kumain pumunta na ako sa malinaw na sapa at doon umupo sa malaking bato. Ang waterfalls na dumadaloy galing sa taas ay subrang saktong lang sa katawan.Hindi malamig hindi rin masyadong mainit.Subrang nakakarelax kahit papaano naging tahimik ako sa lugar nato'.

Ngunit kapag sumasapit naman ang gabi.Ang gabing kusang magiging iyakin ako.Halo-halong eksina ang bumabalik-balik sa isip ko.Pagkatapos maligo nagtungo na ako sa munting kubo na tinitirhan ko.

" Hija halika sandali tingnan mo ito? Diba ikaw ang nasa larawan na ito? " Kumunot ang noo ko bago tumingin kay aling Menda bago sa asawa niyang si Mang Roman.May hawak itong isang papel at kaagad na ibinigay sakin.

Agad na bumalot ang lungkot sa mukha ko. "Hija hindi ako nagkakamali.Ikaw yan! " Agad na ibinalik ko ang papel na iyon at doon nakaukit ang mukha ko. Nakasulat pa roon ang salitang 'MISSING' gusto kong tumanggi na hindi ako iyon peru naisip ko na kailangan din nilang malaman ang totoo.

" Hija sino kaba talaga? Bakit ka napadpad sa probinsyang ito? " Naitanong ni mang Roman.Sa kepresyon ng mukha nila tila nangungusap ito halatang nagtataka.

Bumuntong hininga ako at tiningnan sila sa mata. " T-tumakas p-po ako s-sa asawa ko! " Agad na nagulat sila.Umupo ako sa simpleng upuan na gawa sa kawayan at napayuko.

" Anong dahilan at bakit ka tumakas hija? " Nakagat ko ang labi ko ng biglang tumulo ang luha ko. " N-naging miserable ang buhay ko.Si Demon Cervantes ang asawa ko! " Napatakip ito sa bibig nila. " Mr.Cervantes? Ang sikat na CEO dito sa pilipinas hija! " Hindi sila makapaniwala.

Pasimpleng pinunasan ko ang luha ko. "Walang problema sa a-asawa ko.O-oo tinakasan ko siya dahil gusto kong mapag-isa.Natatakot ako.Natatakot ako na baka kamuhian ako ng asawa ko.Na b-baka manderi siya sakin! " luhaan ko silang tiningnan.

Kumunot ang noo nila." N-nagahasa po ako! " walang pag-aalinlangan kong sambit.Nakita ko ang lungkot at awa na dumaan sa mga mata nila.

" N-n-nagahasa ako ng k-kalaban niyang si s-stevan! " Mas lalo silang nagulat.Marahil kilala nila si stevan.Sa puntong iyon napahulgol na ako ng iyak.Hindi ko mapigilan ngunit mas mabuti narin ito.Gusto ko narin ilabas ang sakit na bumabara dito sa puso ko.

MY KIDNAPPER'S OBSESSION(COMPLETED)Where stories live. Discover now