Prologue

27.2K 349 28
                                    


"Mama...aalis na po ako." magalang kong sabi sa aking ina. Nagmano ako rito at pinagmasdan ang maputla nitong mukha.


"Ma...kapag nakuha ko ang unang sahod ko sa pagtuturo kailangan na kitang patingnan sa doktor. Hindi pwedeng lagi ka nalang nag titiis sa sakit niyong iyan." nakapamewang kong sabi.


Umubo ito habang sumesenyas na huwag na gamit ang kamay. "S-sayang ang pera. Ipambili mo nalang sa mga ka-kailanganin mo." muntik ko nang maitirik ang mata sa kanyang sinabi.



"Hindi sayang iyon kung sa kalusugan naman magagastos." ani ko. "Ang kulit mo talaga. Sige na at baka mahuli ka pa." pag iiba niya sa usapan.



"Ah basta! Ako na po ang bahala." lumapit ako rito at humalik sa kanyang pisnge. Kinuha ko ang bag ko sa aming lamesa at isinukbit iyon sa aking balikat.



I look at her once again and smiled before going away. Matiwasay akong naglalakad papuntang sakayan. Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala naman akong relos o di kaya ay cellphone manlang.


Huwag na kayong magtaka kung bakit wala ako ng mga ganon. Sa hirap ba naman ng buhay at uunahin ko pa ang mga ganoong bagay? Ay huwag nalang.



Kung hindi nga lang ako ginagabi sa pagtuturo ay balak ko pang sumama sa mga mangi-ngisda. Dagdag kita rin kaya iyon.


Sakto naman pagdating ko sa sakayan ay may ilang trycicle na roon. Agad akong sumakay kay mang Berting at sinabing sa elementarya lang.


Pagkarating ko ay nagbayad agad ako ng bente pesos kay mang Berting. Binilang ko ang perang natitira sa pitaka ko, may natitira pa naman akong singkwenta pesos.


Dumiretso na ako sa loob ng paaralan. Madalang palang ang mga bata marahil ay masyado pang maaga.



Ito ang pangalawang linggo ko sa pagtuturo. Ang mga tinuturuan ko ay mga batang nasa unang baitang.



At first hindi ko sila magamay dahil sa unang linggo na iyon may umiiyak parin at may ilan namang parang laging may sariling mundo. E ngayon kaya? Sana naman wala nang iiyak.


May nakasalubong akong kapwa ko guro. Binati ko iyon ng 'Good morning' at ganon din naman siya sa akin.



Ang alam ko ay si Teacher Eloiza iyon. Itim ang tuwid na buhok, matangkad, maputi at maganda ang katawan.



Bali-balita nga rito sa Zambales na maraming nanliligaw riyan pero wala pang sinasagot dahil may karelasyon raw sa Manila.


Hays...pipili nalang ba naman ng gagawing kasintahan e iyong malayo pa. Ang hirap kaya non, hindi mo siya makikita at mahahawakan. Ang hirap din doon kapag isa sa inyo may iba pang kalaguyo hindi ba?



Ngayon palang na i-istres na ako sa problema ng iba. Pagpasok ko sa advisory class ko tatlong bata palang ang naroon at may mga kasamang magulang.



Ngumiti sa akin ang mga nanay at ginantihan ko rin sila ng isang ngiti. Inilapag ko ang bag ko sa lamesa at tiningnan ang paligid ng kuwarto.



Nice wala pang kalat, pero mamaya iyan marami na. Mga bata nga naman...



Dahil sa mga iniisip ko hindi ko namalayan na nakalapit na pala ang isa sa mga istudyante ko.



Si Lion, his full name is Axelion. Pinantayan ko siya dahil panay ang hila niya sa dulo ng uniporme ko.



"Yes Lion? May kailangan ka ba kay teacher?" tanong ko sa bata pero hindi ito nagsalita. Imbes ay lumapit sa akin at saka ako hinalikan sa pisnge.



Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now