WAVE ELEVEN

3.7K 99 16
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE ELEVEN






Pretending to be okay is not easy, even if you tried to hide the pain they can still see it.







Yeah because maybe we forgot that our eyes can talk whenever our mouth doesn't want to.








And because of that the people around us always have a clue, wether we are happy or feeling blue.









Lalo pang dumoble ang lungkot na nararamdaman ko nang malaman ko rin ang kalagayan ni Lion.









For Pete's sake! He's still a kid! An innocent kid at dahil narin doon ay hindi ko na nagawang kumain sa break time.








Walang akong nagawa kung hindi ang umiyak nalang ng umiyak. Parang gusto ko lang muna huwag pakialaman ang lahat ng bagay na nasa paligid ko at iiyak nalang ako magdamag.






Baka sakaling isa lang pala itong bangungot at sa kahit na anong sandali ay magigising rin ako.







“Zyreen...” I look up to see Raven looking at me, worried is written all over his face. I quickly force a smile and wipe out all the tears.






“Ikaw pala.” pilit ang ngiti na sabi ko sa kanya. May dinukot siya sa bulsa at mabilis na iniabot sa akin ang kanyang panyo.






Akmang kukuhanin ko iyon pero nagulat ako dahil luhod siya sa harap ko upang mapantayan ang mukha ko, nakaupo kasi ako.






Siya na mjsmo ang nagpunas sa aking mukha habang nakahawak sa aking baba. Inilagay rin niya ang ilang hibla ng buhok sa likod ng aking tainga.






Ngayon ay tiyak na mas kita na niya ang namamaga kong mata at ang namumula kong ilong.






At hindi pa roon natapos ang kanyang kabaitan dahil mabilis niya akong hinatak para sa isang yakap.






He caress my hair while patting my back to calm me down. “There...stop crying now Zy. Kung ano man ang problema na kinakaharap mo ngayon alam kong malalagpasan mo rin 'yan.” mahinahon na bulong niya sa akin.








Sa ginawa niyang iyon ay mas lalo pa akong na iyak. Sobrang bait niyang tao, sinasabi ko talaga sa magiging kasintahan nito na napaka suwerte niya.







Humiwalay na ako sa yakap niya at pinunasan muli ang mga luhang lumabas sa aking mata. “Salamat Raven.” nakangiti kong sabi sa kanya.






Nang kumalma ako ay pinakain parin niya ako kahit limang minuto na kaming late sa oras para magturo.





At sa mga oras na 'yon napatunayan ko na si Raven 'yong taong hindi ka iiwan kahit na anong mangyari.






Sa lagay ba naman naming ito e kung ako si Raven baka hindi ko muna lapitan 'yong taong nam busted sa akin, alam niyo 'yon pero itong taong 'to pinatunayan niya na minsan kailangan nating ibaba ang pride natin para sa iba.






Nang uwian na ay nagpasalamat ako sa lahat ng ginawa niya. Hindi na niya ako naihatid dahil may mga pinapagawa raw sa kanya pero wala naman kaso sa akin 'yon, napag isipan ko na rin na hindi na ako makikisakay sa kanya.






Kaya pagkababa ko sa tricycle ay agad akong nagbuntong hininga. Baka kasi kapag nakita kong muli sila mama ay bumagsak nalang ng kusa ang aking mga luha.








Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now