WAVE SEVENTEEN

3.6K 99 24
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE SEVENTEEN







Mag aala una na nang makauwi kami. At heto ako ngayon bagsak sa kama sa sobrang pagod.








Parang sa trabaho na pinapasukan ko ngayon ay pinagsabay ko ang pagtuturo at pangingisda.









Sobrang sakit talaga ng mga paa ko. Kahit naka aircon doon kanina ay pinagpapawisan pa rin ako.









Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina. Is he really hiring someone para sundan ako?







Hindi na ako magtataka kung alam na rin niya kung saan ako tumutuloy. “Sleep Zyreen. You need a lot of for energy tommorow's work again.” I said to myself and force myself to sleep.








***









PAGKAGISING ko ay dumiretso agad ako sa sa banyo. Nag jeans lang ulit ako at nag t shirt. Iniwan ko na ang uniform doon sa bar at lilinisin na rin daw iyon para maisuot mamaya.








Lumabas na ako at naabutan si Kia na nagluluto. “Good morning! Kumusta ang trabaho mo kahapon? Pasensiya na ha busy rin ako sa kabila e. Lalo na may nag away na naman.” she rolled her eyes while saying those.








“Talaga? Nako kapag ganon lumalayo ka na agad. Mahirap na.” sabi ko habang umuupo sa dining area.









“Naku sanay na ako! At subukan lang nilang madawit ako sa gulo nila nako! Banned na 'yon agad sa bar ko!” sabi nito, halatang nanggigigil.










I chuckled. “Oh kumusta na nga? Ayos lang ba? May bumastos ba sa'yo kagabi?” sunod sunod na tanong nito.











“Wala. Ayos lang ako kagabi.” sabi ko rito at kumagat sa tinapay. Ayaw ko nang sabihin sa kanya ang nangyari kagabi.










Tama na ang nalalaman niya sa amin ni Dark.









Pagkatapos  namin kumain ay ako na ang nag hugas. Hindi naman na umangal si Kia dahil hindi pa rin naman siya nakakapag ayos ng mukha.







Dahil sa nalaman ko, gusto ko tuloy na I block ang kanyang numero! Ang lalaking 'yon, how dare he!?







Hindi ba niya alam ang salitang privacy?








Nang makarating kami sa bar ay agad akong nagpalit ng uniform. I also greeted my other co workers.










Mababait silang lahat. Buong akala ko ay si Pepi lang ang magiging kaibigan ko pero hindi naman pala.










Nakilala ko rin sila Timotheo, Hannabella at Laura. Mga mababait silang tao. “Kumusta ang tulog?” tanong ni Pepi sa akin.









“Maayos naman. Mabuti nga at hapon ang pasok para hanggang tanghali ay pwede pa ring humilata.” natatawang sabi ko.











Nakitawa naman siya. “Oo nga e. Mabuti nga na ganito para nagkakaroon parin ako ng time para sa anak ko.” sabi niya na mas lalong nagpangiti sa akin.









“Ano nga palang pangalan ng anak mo?” tanong ko at sumandal sa locker ko. “Yvette.” sabi niya habang nakangiti.









Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now