WAVE SIXTEEN

3.8K 97 6
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE SIXTEEN






After receiving his message I already turned off my phone. Inilagay iyon sa lamesang katabi ng kamang kinauupuan ko at humilata roon.












I stared at the ceiling while bitting my lips saka umiling. Ipinikit ko na ang mga mata ko hanggang sa makatulog na nga ako.





***



I OPENED my eyes at lumingon sa aking mga paligid. Napatampal ako sa noo nang maalala ko na wala nga pala ako sa Zambales.








Muntik na akong mapahiyaw e.








Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa banyo. Naninibago pa rin ako sa lugar ko ngayon, pero nasasanay naman na.






Nang matapos ako ay lumabas agad ako at dumiretso sa kanyang kusina. Dahil tahimik ang paligid alam ko agad na tulog pa siya.








Naisip kong magluto muna habang siya ay tulog pa, gigisingin ko nalang kapag natapos na ako.









Kumpleto ang mga kagamitan rito sa kanyang kusina. May oven pa nga e. Nag ba-bake siguro siya.







Binuksan ko ang kanyang ref at tiningnan kung ano ang maaring iluto. May nakita akong bacon at walong itlog.







Kinuha ko ang pack ng bacon at kumuha ng dalawang itlog. Tiningnan ko rin muna kung may bigas siya pero wala.







Naisip kong hindi siya mahilig sa kanin kaya ganon. Pero nabawi rin naman ang aking isipin nang makakita ako ng tinapay.







I smiled and take it. Naglabas ako ng apat para tigdalawa kami saka ako lumapit sa oven toaster.







Habang iniinit ang tinapay nagsimula na akong mag prito ng bacon at itlog. Kumalam agad ang sikmura ko nang umamoy ang niluluto ko.







At saktong patapos na ako ay nakikita ko na si Kiara na naglalakad papunta sa akin. She's rubbing her eyes while yawning.






"Pasensiya ka na ikaw pa tuloy ang nag luto." I rolled my eyes at her. "Kulang pa nga 'to sa mga ginawa mong pagtulong sa akin." iling iling na sabi ko.






"Syempre! Ikaw kaya favorite kong pinsan!" sabi niya kaya napangiti ako at inihain na ang mga pagkain na niluto ko.






"Kain na tayo! Ah siya nga pala Zyreen, ngayon na ang simula ng trabaho mo. Ayos lang ba sa'yo? Kailangan ko na rin kasing pumasok e." sabi nito.







Agad naman akong tumango. "Sure! Kahit saan pa 'yan. Kaya ko yata may multi task 'no!" mayabang na sabi ko na nagpangiti sa kanya.







"Don't worry! Kapag may nambastos sa'yo sa bar sabihin mo agad sa akin! Papalayasin ko agad sa bar ko!" sabi rin nito habang ngumunguya ng tinapay.









I also make us some coffee para mas masarap ang agahan. "Sige. Sana naman wala." sabi ko.








Aminado ako na kinakabahan ako dahil bukod sa pangingisda at pagtuturo, ito naman ngayong pag seserbisyo sa tiyak na napakaraming tao ang gagawin ko.







"Huwag ka ring mag alala! Sagot kita. By the way, your uniform is here! May natitira pa yata diyan. Sana nga lang ay sakto sa'yo." sabi nito habang sinisipat ang katawan ko.







Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now