WAVE THIRTY-TWO

3.4K 107 18
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE THIRTY-TWO


Nakatingin lamang ako sa kanila habang nilalagay na nila ang kanilang mga gamit sa sasakyan ni Raven.



Tiningnan ko ang oras at ala una na pala ng madaling araw. Wala pa akong tulog pero pinakain naman na nila ako kanina.



“Ayos na iyan.” rinig kong sabi ni papa kay Raven. Lumapit sa akin si mama at hinagod ang aking likod.



“Mukhang masyadong nabusog si Zyreen sa Manila.” pang aasar sa akin ni Raven. I awkwardly smiled at him. “She's pregnant, Raven.” matigas na sabi ni mama sa ingles.



Nasaksihan ko ang pagkawala ng ngiti ni Raven pero agad rin naman niyang binalik, pero alam kong pilit na ngiti nalang iyon.



“Oh! C-congrats! Si Mr. Rivera ba ang ama?” tanong niya, hindi tinatanggal ang ngiti sa kanyang mga labi.



Tiningnan ako ni mama at iniwanan niya muna kami. Umupo ako sa maliit na hagdan sa harap ng aming bahay, tumabi naman siya sa akin.



“Zyreen, may problema ba?” tanong niya. Huminga ako ng malalim, hindi pa rin nawawala ang sakit sa aking dibdib.



Bakit ko ba kasi nakilala si Dark?



Sinabi ko sa kanya lahat ng pangyayari sa akin sa Manila. Puwera nalang iyong kay Kiara, mahirap na at hindi rin naman alam iyon nila mama at papa.



“I'm sorry to hear that Zyreen. Sana pala talaga sinundan nalang kita ro'n, edi sana nadamayan kita.” gulat akong napatingin sa kanya.



Hindi ko lubos na inaasahan na papasok sa isipan niyang sundan ako sa Manila. Well, wala rin namang imposible sa kanya.



Mayaman siya at anytime kayang kaya niya ngang magpunta ro'n. “Thank you Raven pero alam mo namang hindi na kailangan gawin iyon. Isa pa ang mahalaga naka uwi na ako.” nakangiting sabi ko sa kanya.



Ngumuso siya at tumango.



Gumagayak pa naman sila mama kaya gusto ko munang tanungin si Raven. Nagtanong ako kung kumusta na ang paaralan rito, sayang at mukhang sisikat ang araw na hindi ko manlang iyon madadalaw.



“The school is fine. Malapit nang matapos ang mga pinapagawang gusali. Dumating na rin iyong mga bagong kagamitan.” sabi niya kaya hindi ko maiwasan ang matuwa.



“E ikaw? Kumusta ka?” tanong ko sa kaniya. He smiled and look at me. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko sa aking mukha at inilagay iyon sa aking tainga.




“I'm fine too, lalo na at nandito ka na.” pagod niya akong tingingnan. This man right here doesn't deserve me. Sasaktan ko lang siya, alam ko iyon dahil hanggang ngayon si Dark pa rin ang nasa isip ko.



Hinawakan ko ang kamay niyang nanlalamig. “Thank you for appreciating me. Sobrang natutuwa ako pero...” namungay ang mga mata niya.



“Hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo.” umayos siya ng upo habang tumatango. “Alam ko pero please Zyreen. Don't push me away, let me love you. Kahit ako lang.” sabi niya, ramdam na ramdam ko ang sakit sa kanyang bawat salita.




“I'm coming with you in Los Angeles. Do'n na rin ako magpapatuloy ng kursong gusto ko, kaya naman nang mabalitaan ko na may balak pala kayong pumunta rin doon, nag insist na akong tulungan kayo.” sabi niya. Inililihis ang usapan.




Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now