WAVE THIRTY-SEVEN

3.7K 108 13
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE THIRTY-SEVEN


Pagkatapos kong sabihin iyon kay Raven ay umalis na nga ito. Agad ko naman iyong tinext at ilang ulit na nag sorry, sinabi ko sa kaniya na ginawa ko iyon dahil hindi maganda ang timpla ni Dark.



Baka mamaya sumabog na naman ang mukha niya, e hindi pa nga magaling ang ibang sugat niya.



He just replied. "Alright." kaya hindi ko maiwasan ang mag over think. Nagtatampo si Raven, alam ko iyon.



Kung hindi pa tumayo si Dark at dinukot ang kanyang cellphone sa bulsa ay hindi pa ako mababalik sa ulirat.



Nakatayo siya habang may kausap sa telepono pero nasa akin ang tingin, kaya naman hindi ko maiwasan ang maasiwa.



"Alright. Just my few things, dito muna ako." ani nito na siyang kinakunot ng noo ko. Mukhang hindi maganda ang narinig kong nasa isip ng isang 'to.




Nang makita kong ipinamulsa na niya muli ang kaniyang cellphone ay hindi na ako nagdalawang isip na magtanong sa kaniya.



"Ah, sino iyong kausap mo?" tanong ko. He sighed and walk towards me. Inalalayan niya akong maupo sa sofa.



"It's just my man secretary. I asked him to send my few clothes while I'm here." ani nito na mas lalong nag pakunot sa akin noo.


"What do you mean?" tanong ko sa kaniya. Tinaasan niya naman ako ng kilay, na para bang sinasabi niya na hindi ako sumasang ayon sa gusto niya.



"I'll stay here for awhile. Hindi na ako pwedeng lumayo sa'yo mula ngayon, I'll stay wherever you are. If you want...bukas sa bahay na natin tayo umuwi." mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.




Namin? Bahay namin? May ganoon?




"T-teka nga muna, Dark. You're confusing me." I close my eyes and sigh. Pagmulat ko ay nakasalubong ko ang mukha niyang puno ng amusement.



"You and me, we'll not going to separate again." marahan niyang sabi. Naintindihan ko naman iyon kaya lang, hindi na siya galit?



"Hindi ka na galit? Hindi mo sasabihin sa akin na, kapag nakalabas na ang mga baby kukuhanin mo na sila? H-hindi mo gagawin iyon?" takang tanong ko.



Kumunot ang noo niya pero kalaunan ay tumawa. "I'll take them with me..." nanlumo ako sa sinabi niyang iyon. Sabi ko na nga ba! Katulad rin siya ng mga nasa palabas!



"Including you." napalingon ako sa kaniya na naka awang ang mga bibig. "Of course, if those babies..." aniya at itinuro ang aking tiyan.



"Cannot live without their mother, ganoon rin ako." aniya. My lips parted a bit.




Kinuha niya ang kamay ko at hinalik-halikan iyon. "But I'm still mad, una tinago mo ang mga anak ko, pangalawa you gave the ring I bought for you to Andra, and last you leave me like I am just nothing to you." sabi niya at nahimigan ko naman ang pagtatampo ro'n.



"Ah ma'am, pasensiya na po ulit sa istorbo. Nandiyan na po sila sir Lienzo at ma'am Kleya." singit sa akin ni Inday, umayos ng upo si Dark pero hindi binibitawan ang kamay ko.


Nagulat ako sa ibinalita niyang iyon. "Nasaan na?" tanong ko dahil hindi naman kita rito sa sala ang unang pintuan.



"Nasa dining room na po. Ayaw raw po kasi ni ma'am Kleya kumain sa labas, kaya maagang nagpaluto si sir kay manang. E baka raw po gusto niyo sumabay." ani nito kaya tumango nalang ako.



Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now