WAVE TEN

3.9K 95 15
                                    


TAMING THE WILD WAVES: WAVE TEN





Malapit nang lumubog ang araw ay nagpaalam na ako sa mga Rivera na uuwi na.  Maghapon na akong wala sa bahay, ano na kaya ang ginagawa nila nanay?










Tita and Tito kiss me a good bye even Star. Pati nga sana si Trayvon ay makikihalik kung hindi lamang siya tiningnan ng masama ng magkapatid.







Dark insisted to take me home kahit lalakarin lang naman 'yon. Magkahawak ang aming mga kamay sa paglalakad.








At simula pala nung sundan siya ni Tito Cole hindi na namin naging topic ang pagpunta niya sa Manila.







Ewan ko kung ano ang naging paguusap nila pero kung ano man 'yon, I think gumana. Natahimik e.








Pagkarating namin sa bahay ay naabutan namin ang sasakyan ni Raven na halos kaka alis lang.







Napapikit ako. Oo nga pala! Baka hinahanap na nila ako! Hinila ko nang mabilis si Dark patungo sa aming bahay.







Pero dahil hindi pa man kami nakakapasok at narinig kong nagsisigawan na sila agad akong bumaling kay Dark.







“Go home. Mauna ka na, hindi na kita mapapapasok. I'll just text you okay?” sabi ko at pinatakan siya ng halik sa pisnge.







“May problema ba?” nag aalalang tanong niya. Umiling naman agad ako. “Wala ito, sige na. Mag iingat ka ha.” tumango siya.







Akmang papasok na ako sa bahay ng higitin niya ako sa palapulsuhan at halikan ang aking—noo.






Woah.







Nanghinayang ka? Paano pa ako?





I smiled at him bago ko siya talikuran. Agad namang bumungad sa aking ang aming kasirola na lumilipad na sa sala.







Nagwawala nanaman si Papa! Hindi yata nila ako napapansin kaya patuloy lang sila sa bangayan.








I was about to walk towards them kaya lang may sinabi si papa na hindi ko lubos na inaasahan.









“BAKIT KLEYA!? BAKIT AYAW MONG SABIHIN DIYAN SA ANAK MO NA HINDI AKO ANG AMA NIYA!?” kumunot ang noo ko at nagsimula naring manubig ang aking mga mata.







“Utang na loob Lienzo!  Tigilan mo 'yang bibig mo!” sigaw naman pabalik ni mama pero halata sa kanya na nahihirapan na.









“BAKIT HINDI MO SABIHIN SA KANYA NA IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NAGKAKAGANITO!? HA!?” galit na galit na sigaw ni papa.








Pero sa loob ng halos dalawampu't isang taon na nakasama ko siya ngayon ko lang siya nakitang lumuha.








A man will never cry hangga't kaya pa. Pero si papa...halatang hindi na niya kaya. Tired is very evident on his eyes.







“MINAHAL KITA! PINAKAIN! TINIIS KONG HINDI KA MAKASAMA NG HALOS PITONG TAON! TAPOS BABALIK KA SA AKIN NG MAY LAMAN NG BATA 'YANG TIYAN MO!” napatakip ako sa aking bibig.










So...hindi siya ang ama ko.









“Pero kahit ganon, tinanggap parin kita. Pinaglaban kita sa pamilya ko at inalagaan noong mga panahong buntis ka! S-sa tingin mo Kleya...bakit?”





Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now