WAVE TWENTY-THREE

3.4K 93 13
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE TWENTY-THREE





“MANSION!?” napatalon ako sa biglaang pag sigaw ni Kiara. Nilakihan ko siya ng mata na agad naman niyang nakuha kaya napatahimik nalang siya.







Ang isang 'to, kung maka react parang walang tatlong five star hotel na pinapatakbo ang mga magulang.







“Ate sorry, may nag sabi kasi sa kanila na magkasama tayo kahapon sa mall.” lumapit sa akin si Penelope habang sinasabi 'yon.






I smiled at her and gently stroke her hair. “It's okay. Wala ka namang kasalanan.” sabi ko sa kanya kaya medyo ngumiti naman siya.






Napatingin kaming pareho sa daddy niya, ang tunay kong ama na ngayon ay nakatingin na rin sa amin.






Nang tingnan ko ang kanyang mukha ay parang gusto kong maiyak. Kung pagkukumparahin mo kami ay makikinita mo agad sa akin na isa akong Suarez.






He look away at hinawakan sa balikat ang asawa na ngayon ay nakatingin na sa aming dalawa ng kanyang anak.






“Pack your things, iha. Penelope mauna na tayo sa—” bago pa man siya matapos sa kanyang sasabihin ay agad ko na iyong pinutol.







“Huwag na po. Ayos na po ako rito.” sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.







Naramdaman ko ang pag hawak sa aking braso ni Penelope. Bumaling muli sa akin papa harap ang ginang at tinaasan ako ng kilay.







“Oh? Why are you refusing to my offer? Hindi ba't iyon naman talaga ang ipinunta mo rito sa Manila? To experience my husband's money and powers?” diretsong sabi nito.







“Mommy...” may halong pag babanta sa boses ni Penelope. “Hindi po 'yon ang gusto ko.” sabi ko, muntik pa akong mamangha sa sarili dahil hindi ako nautal.







“Kaya ho ako pumunta rito dahil gusto ko lang makilala ng maayos ang tunay kong ama. Gusto ko lang po na malaman rin niya na may anak siyang hindi nakikita sa loob ng halos dalawampung taon.” matapang kong sabi, pero hindi pa rin ako makatingin sa kanilang mga mata.







“Are you talking back to my wife—” rinig kong sabi ni Mr. Suarez pero agad rin namang nahinto sa hindi ko malamang dahilan kaya napataas ako ng tingin.






Laking gulat ko dahil papa lapit na sa akin si Mrs. Suarez. Her angelic face is emotionless. She's looking at me intently.








Lumapit siya sa akin hanggang sa mapag atras ako, pero agad ring napahinto dahil sa kanyang sinabi.








“I like you.” nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. “At first I thought katulad ka ng mga tao sa mga drama but guess I was wrong.” she said at humalukipkip.







Nagulat ako dahil bigla pa itong ngumiti. Tao sa mga drama? Anong ibig sabihin niya? “Mommy naman, tinakot mo ako.” niyakap siya ni Penelope kaya parang may humaplos sa aking puso.






Naalala ko tuloy si mama, gusto ko nang umuwi. “Sorry nak, I just need to test her. You know...” sabi nito sa anak.






Naiwan namang nakanganga si Mr. Suarez, na parang hindi niya inaasahan ang mga nangyayari ngayon sa kanyang harapan.







Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα