WAVE TWENTY-NINE

3.3K 90 11
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE TWENTY-NINE






Nagising ako ng maaga kinabukasan. Pero halos mabuwal ako sa aking pagkakatayo dahil maaga rin bumangon si Kiara samantalang hindi ko nga siya inabutan na nakauwi kagabi.





Nagluluto na siya kaya agad ko siyang dinaluhan. Hindi raw pala muna makakapunta ngayon si Dark dahil may business meeting raw sila at kailangan raw ay maaga siya.






Nakangiting lumapit ako kay Kiara pero napansin ko ang pagiging mailap niya sa akin. Kumunot ang noo ko, pansin ko rin ang pananahimik niya.






“Hoy Kia! Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kaniya. “A-ayos lang. Ikaw? Kumusta ang lagay mo? Hindi ka ba nagsusuka? Isang buwan na iyang tiyan mo ah.” tanong niya pero hindi pa rin humaharap sa akin.






Ayos naman ang pakiramdam ko. Hindi pa ako nag mo-morning sickness pero madalas na akong mahilo.






Hindi pa rin naman ganoon ka visible ang tiyan ko, pero oo aaminin ko halatang tumataba na nga ako.






“Maayos naman ako.” sabi ko rito at pilit hinuhuli ang kanyang tingin. “Kiara ano ba?” medyo iritang sabi ko na.






Bigla siyang napatigil sa kanyang ginagawa at nanatiling nakayuko habang kagat ang kanyang labi.







Lalo akong kinutuban na may mabigat na problema na dinadala ang pinsan ko. Sa kabila ng pagiging maingay at masiyahin niya ay may hindi pala akong nalalaman tungkol sa kaniya.







Hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat at pilit pinaharap sa akin. Napatakip ako sa aking bibig nang makita ko ang namamaga niyang mga mata.







Agad ko siyang hinila upang makaupo. “W-what happened? Kiara?” tanong ko sa kanya. Unti unting namuo ang mga luha sa kanyang mga mata pero pinigilan niya.







Parang may kumurot sa puso ko habang pinagmamasdan ko siya. “W-wala ito. Halika na kumain na tayo.” nakangiting sabi niya pero alam kong pilit lang iyon.





Hindi ko nalang muna siya pinaki alaman. Handa naman akong maghintay kung kailan na niya gustong magsabi.







We eat in silence. Nang matapos ay agad siyang nag you hugas ng pinggan kahit na sabi ko ay ako na.






“I'm still okay. Hindi pa ganoon kalaki ang tiyan ko, kaya ko pang gumawa ng gawaing bahay.” sabi ko sa kanya pero para lang siyang walang narinig.





“Alam ko naman iyon. Kaya lang Zyreen kailangan mo paring mag ingat, mahirap na...m-mahirap na baka mapano ka pa.” sabi niya at nauutal pa.







“Nag iingat naman ako. Saka hindi pwedeng walang gawin, kailangan ko pa ring magtrabaho.” sabi ko sa kanya at nagpunas ng lamesa.






Namewang siya at humarap sa akin. “Zyreen huwag ka nalang mag trabaho. Hindi pwede, ayoko. Hindi ako papayag.” sabi niya pagkatapos ay tinalikuran ako.






Nakangusong sinundan ko siya sa sala at po-protesta pa sana ako ng biglang tumunog ang door bell.







Matalim niya akong tiningnan bago lumapit sa pintuan. Napailing ako, hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang pagiging malalahanin niya, para siyang magulang ko kung mag aalala.





Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now