WAVE TWENTY-ONE

3.5K 99 12
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE TWENTY-ONE






"U-uh Hi?" napakurap ako ng ilang beses bago siya tuluyang batiin. "Hi!" binuksan ko ng malaki ang pinto upang makapasok siya.







"P-pasok ka." nakangiting sabi ko at tumango naman siya. Pumasok siya at inilibot ang tingin sa condo ni Kiara.







"You're cleaning, I see." marahan niyang sabi. "Uh anong gusto mo? Juice or kape?" tanong ko sa kanya.








"Tubig nalang ate." nagulat ako sa biglaang pagtawag niya sa akin ng ate. Ngumiti ako sa kanya at masayang nagtungo sa kusina.







She just called me ate...





I bit my lower lip. Baka masyado siyang makahalata sa pagiging masaya ko. Kumuha ako ng tubig sa ref na nakalagay sa pitsel.







Kumuha rin ako ng clear na glass saka ito dinala patungo sa living room. Naabutan ko siyang nakatayo, lintek! Nakalimutan ko siyang paupuin.








"Ay upo ka." sabi ko sa kanya na kanya namang ginawa. Inilapag ko ang pitsel at baso sa lamesa.







"Here." sabi ko at pinagsalin na rin siya. Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan siyang lumagok ng tubig.








Wala man akong alam kung bakit siya narito pero natutuwa ako dahil buong buhay ko pinangarap kong mag karoon ng kapatid.







"A-ah pasensiya ka na k-kung ganito akong inabutan mo." medyo awkward na sabi ko sa kanya. "It's okay. Uh may kasama ka ba rito?" tanong niya.







Tumango naman ako. "Yes, kasama ko si Kiara. Pinsan ko." sabi ko. "Dela Costa?" tanong niya at tumango ulit ako.







"Ka...ano ano mo ang mga Dela Costa?" tanong niya, napalunok ako at umayos ng tayo. "S-si Lienzo Dela Costa ang asawa ng mama ko." sabi ko at halata ang naging gulat sa kanyang mga mata.







"Lienzo? The heir of the five companies?" I bit my lower lip and nodded my head. "Bakit siya nawala?" tanong ulit nito.






"Can you please tell me everything? Naguguluhan ako." sabi niya kaya napabuntong hininga nalang ako saka umupo sa katapat na sofa.








"Ang kuwento sa akin ni mama nag ta-trabaho raw siya noon sa ilalim ng kompanya ng iyong ama." nakatingin lamang ako sa baba habang sinasabi ang mga 'yon.







"Naging sekretarya ni Mr. Suarez at dahil rin doon nakilala niya si Lienzo, ang kinilala kong ama." sabi ko.







"Hanggang sa ikinasal na nga raw ang mommy at daddy mo, binalak nilang pumunta sa ibang bansa para sa magbakasyon pero kailangan pa ring mag trabaho. Kaya kasama si mama." pagpapatuloy ko.







"D-doon rin sa mga panahon na iyon may nangyari sa kanilang dalawa. Hindi raw alam ni mama ang lahat na nangyari, nagising nalang raw siya na nakatingin sa kanya si Mr. Suarez at mabilis na sinabihan na umuwi na ng Pilipinas." I'm playing with my fingers while saying those.






"Ni hindi nga niya alam kung bakit iyon ginawa ng iyong ama. Pag kauwi niya rito sa Pilipinas doon lang niya nalaman na buntis pala siya." huminga pa muli ako ng malalim.







"Nagalit sa kanya si papa, syempre pati ang mga magulang nito. Buong angkan nga yata." pinunasan ko ang luha na kanina pa pala tumutulo.








Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now