WAVE TWENTY-EIGHT

3.3K 91 13
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE TWENTY-EIGHT




Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niyang iyon at kumain nalang. Baka mamaya ay totohanin ko nga nakakahiya naman kung dito namin gagawin.





Kumain lang kami ng kumain. Ramdam ko ang mga nakaw na tingin niya sa akin habang kami ay kumakain pero nagkunwari see akong hindu ko alam.






Hanggang sa naubos ko nga lahat ng aking inorder at talaga namang hindi makapaniwala ang isang ito sa nasaksihan niya.






Well sorry siya dahil dalawa na kaming gustom from now on. "May halimaw ka yata sa tiyan mo ah." pang aasar niya.






Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. Walang halimaw sa tiyan ko pero sanggol, oo. "Halimaw agad? Hindi ba pwedeng gutom lang talaga ako?" sabi ko.






Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko kaya agad ko iyong dinukot mula sa sling bag ko.






It was Kiara who texted me.









Kiara:

I'm sorry hindi na kita madadaanan diyan. Bigla kasing nag ka emergency, don't worry ayos lang ako. Kaya lang baka gabihin ako mamaya. Pinapunta ko na r'yan si Dark!










Nangunot ang noo ko sa natanggap kong mensahe mula sa kaniya. "What's wrong?" tanong ni Dark na mukhang napansin ang pagbabago ng aking mukha.






"Wala naman." sabi ko at nagtipa ng mensahe kay Kiara na mag iingat siya. Nang ilalagay ko na sana ito sa aking bag nakita ko ang petsa.






August 16.







Birthday ko nga pala kahapon pero mukhang hindi rin alam ng isang ito. Mas lalo tuloy nag iba ang timpla ng mood ko.






"This time I can sense that there's really something wrong, tell me. What is it?" tanong niya sa matigas ng ingles.






"May alam ka ba kung anong meron kahapon?" tanong ko sa kanya pero kinagat lamang niya ang pang ibabang labi niya.







Nagkibit balikat siya at umiling. "Wala naman. Ano bang meron kahapon?" tanong niya kaya naningkit ang aking mga mata.






"Ah wala. Tara na baka may lakad pa kayo ni Remedy. O hindi kaya pwede namang mauna ka na mag ta-taxi nalang ako." sabi ko sa kanya habang suot ang aking pekeng ngiti.







Kumunot ang noo niya at nakita ko ang pagpapatuloy niya sa pagkagat sa kaniyang labi. Pinipigilan ang sarili na mangiti.







Niloloko ako ng isang ito, edi makipag lokohan tayo. I smirk and look at him intently. "Oh huwag nalang pala. Mas gusto ko yatang tawagan nalang si Jasper, tutal kanina siya rin naman ang nandiyan para sa akin." sabi ko at akmang kukuhanin ang aking cellphone pero agad niyang inilayo sa akin ang sling bag ko.







Isinukbit niya iyon sa kanyang matipunong braso. Ngayon ko lang napansin ang suot ng lalaking ito.






Napaka simple lang pero kung maka agaw agad siya ng mga atensiyon ay parang isa siyang magnet.







He's wearing a black t-shirt na tinernuhan ng ripped jeans. Wala kayang trabaho ang isang ito at hindi siya naka suit?







Kunot noong kinuha niya ang mga pinamili ko at isinunod ang aking kamay. He intertwined our fingers again, dahil ro'n ramdam ko na naman ang pamumula ng aking mukha.







Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now