WAVE THIRTY-FIVE

3.4K 103 14
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE THIRTY-FIVE

Isang linggo makalipas ang insidenteng nangyari kay Raven. Mula noon ay nag ingat na ako sa mga nagiging pag labas labas ko.


Hindi ko alam na baka habang na lilibang ako sa mga ginagawa ko, pinapanood na pala ako ni Dark. Well...hindi naman sa umaasa akong ganoon nga pero hindi naman kasi imposible!


Tulad na nga lang ng mga sinabi ni Raven at Dark! Lalo na iyong banta ni Dark kay Raven! Iyong babawiin niya raw ako kuno kay Raven!


Hindi natin alam gumagawa na pala ng hakbang ang isang iyon. But I should stop assuming, hindi maganda iyon.


“You ready?” tanong ni Raven. I look up at him and smiled. He's wearing a casual black shirt and a pants. Ang medyo mahaba na niyang buhok ay medyo gulo, mukhang kakahawi lang niya gamit ang kanyang mga palad.


“Yup, si mama?” tanong ko dahil ngayon pa lang ako lalabas ng aking kuwarto. “She's downstairs. I already asked her if she wants to come but she refused and wants to have fun with Inday, instead.” iling iling na sabi ni Raven kaya marahan  na lamang akong napatango.


Kinuha niya ang bag ko at inalalayan akong makalabas ng kuwarto. Today, we are going to buy some things for my twins.


Iyong mga bagay na ka-kailanganin muna pagkatapos kong manganak. Saka na ang mga cribs and toys, dahil hindi pa namin alam ang kanilang gender.


“Oh? Aalis na ba kayo?” tanong sa amin ni mama na ngayon ay nagwawalis ng lapag. Nakabuntot naman sa kaniya si Inday na mukhang problemado.


“Bakit mukha yatang biyernes santo ang mukha mo, Inday?” natatawang tanong ko rito. Kinagat niya ang labi bago makasagot.


“E ma'am, si ma'am Kleya ho kasi ayaw sa akin ibigay ang gawain. Sabi ko po kasi na mamahinga na lang siya.” problemadong problemado ngang aniya.


“Pabayaan mo nalang ang gusto ni mama, Inday. Kapag nag reklamo sa sakit ay itago mo ang mga gamot.” pabiro kong sabi na nakapag pangiwi naman kay Inday.


Mama glared at me. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Raven. “Naku Tita, huwag niyo pong alalahanin si Zyreen. Palabiro po talaga ang anak niyo.” ani nito na ikinaikot ng aking mata.



“Basta po pagkatapos niyan, inom agad ng tubig then pahinga.” bilin niya kay mama na tinanguan lang naman nito. Lumapit ako kay mama at binigyan siya ng halik sa pisnge.

Of course I love my mother. Biro lang naman talaga ang kanina. Hindi ko yata kayang mawala siya, naalala ko na naman tuloy ang nangyari kay Tita Fatima...


Hindi ko manlang madalaw ang kanyang puntod. Hanggang ngayon ay nagsisisi pa rin ako sa hindi malamang dahilan.



Kahit na ilang beses na sinabi nila Kia at Raven sa akin na wala akong kasalanan at dapat na ikabahala.


Nagpaalam muli kami bago tuluyang umalis. Sa bawat hakbang na aking ginagawa ay laging naka alalay sa akin si Raven. Natatakot rin kasi akong madulas, na sana ay huwag naman.


“Ano ba muna ang uunahin natin?” tanong niya pagkatapos naming maging komportable sa aming mga upuan.


“Gusto ko munang bumili ng mga damit, kahit iyong mga puti lang muna para kapag nilabas na sila madamitan agad.” ani ko at tahimik lang naman siyang tumango.


“Alright, ano pa?” tanong niya. Ngumuso ako at inisip kung ano pa ang pwedeng bilhin. Maliliit na bote muna siguro, dahil hindi naman pwedeng uminom ng gatas sa akin ng sabay ang kambal.


Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now