WAVE FOURTEEN

3.7K 94 10
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE FOURTEEN






Bumilis ang tibok ng puso ko. Bumigat rin ang aking pag hinga. I close my eyes at the irritation. How...how can he do this to me when he is fucking away?







“Oh? Ayos ka lang?” tanong ni Kia. I force a smile and nodded at her. “Teka ano ba kasi 'yan—” napatakip siya sa kanyang bibig nang makita niya ang hawak kong cellphone.






Nakaduro siya rito na siyang ipinagtaka ko. “I-iphone ang isang 'yan hindi ba?” hindi makapaniwalang tanong niya.






“Oo, bakit? May problema ba?” umiling siya. “W-wala naman. Hindi lang ako makapaniwala, I mean no offense ha...ang mahal niyan! Paano ka nakabili? Omg parang gusto ko na tuloy maging teacher!” mahabang litanya niya.







I shook my head and sigh before answering her. “I did not buy this.” sabi ko kaya napatigil siya.







“Then who? Oh my God! D-don't tell me...si Dark ang bumili niyan sa'yo?” tanong niya. “Then I won't tell you.” sabi ko at saka ngumisi.







I look at his text, hindi ko naramdaman na binabasa na pala ni Kia ang text niyang 'yon. “Baby pa nga! Aysus! Oh siya ano? Mag re-reply ka ba?” tanong niya.








Ano naman ba kasi ang sasabihin ko kung sakaling mag reply nga ako? I shook my head and turned off my phone.









Nakangusong nakatingin sa akin si Kia. “Oh siya kalimutan muna natin ang lalaking 'yan. Anong na ang plano?” tanong niya habang nakatingin sa akin.






“Mayroon pa pala akong hindi nakukuwento sa iyo.” sabi ko. “Si Dark 'yong kapatid niyang model, si Star?” tumango tango siya habang nakatingin pa rin sa akin.




“What about her?” tanong niya. “Nabanggit niya sa akin na...kamukha ko raw ang bestfriend niyang si Penelope Suarez.” nanlaki ang mata ni Kia.







Kalaunan ay nakaramdam nalang ako ng hapdi sa aking braso. Hampasin daw ba naman ako!?




“Ano ba??” iritado kong sabi. “Ang slow mo girl! Kung sinabi ni Star na magkamukha kayo ng Suarez na 'yon for sure half sister mo 'yon!” nakangiting sabi niya.





“Alam ko naman 'yon. Kaya lang...malay ba nating iba pala at nagkataon lang.” marahan kong sabi.






Umiling siya. “My God Zyreen! Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan! Contact Star immediately!” sabi nito.






“Huh? E ano naman ang sasabihin ko?” napakamot si Kia sa kanyang ulo. Lumapit siya sa akin at walang pasabing kinuha ang cellphone ko.








“Ay! Ano ba! Anong gagawin mo?” umupo siya sa kama at pinagpatuloy ang kanyang pag pipindot pindot.









“Sandali lang Zy! Kung gusto mong mahanap ang tatay mo kailangan mo talagang gawin ito.” sabi niya.









Napatahimik nalang ako pero bigla siyang bumaling sa akin. “Wala kang number ni Star?” tanong niya at agad akong umiling.









“Teka tingnan natin sa facebook.” sabi niya pero bago pa man siya makapapindot ulit ay pinigilan ko na siya.







“Wala akong facebook Kia.” sabi ko at napanganga naman siya. “Wala pa? Oh edi gagawan kita!” sabi niya kaya napangiwi ako.







Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now