WAVE TWENTY-FIVE

3.2K 95 22
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE TWENTY-FIVE






Lumipas ang isang linggo na walang paramdam ang manliligaw ko kuno. Ewan ko ba pero sa tuwing umaga ay hinihintay ko na ang pagdating niya, minsan nga ay nahahanap ko nalang ang sarili ko na naka abang na sa hamba ng pintuan, gaya nalang ulit ngayon.






“Ay naghihintay si ateng sa manliligaw. Nasaan na kaya?” pang aasar niya at humigop sa kanyang kape.







Hindi ko siya kinibo at humalukipkip nalang saka tumitig sa labas ng condo. “Naghihintay siya~ sa manliligaw na naligaw~” pagkanta nito kaya mas lalo akong nainis.






Isinarado ko nalang ang pintuan at kumuha ng hinog na mangga sa ref. Binalatan ko iyon sa harap ni Kiara na ngayon ay nakatitig na sa akin.






Inihinto ko ang ginagawa at tinaasan siya ng kilay. “Ang sungit naman nito.” sabi niya at nagkamot ng ulo.






Inirapan ko siya at pinag patuloy ang pagbabalat sa aking mangga. “Hoy, nakakatakot ka na ah. Bakit ayaw mong magsalita? Nasaan na ang Zyreen ko? Iyong babaeng hindi matakaw!?” sunod sunod na tanong niya.







“Ano ba ang pinagsasasabi mo r'yan??” inis na tanong ko kay Kiara na nagkukunwaring umiiyak pa.







“Ikaw!” tinuro pa niya ako. “Ibalik mo sabi ang pinsan ko e!” sabi nito, ewan ko ba kung nagbibiro pa o ano.







Lumabi siya at muling tinitigan ang mukha ko. “E ikaw naman kasi e. Bakit ganyan ka? Ang bilis mong mainis, tapos ang takaw takaw mo pa!” sabi niya.







Napatigil naman ako dahil doon. Ibinaba ko ang manggang kinakain at hinugasan ang aking mga kamay.






Humarap ako sa kanya. “E-ewan ko rin.” sabi ko. Kiara was about to talk when our door bell rings.







Pareho kaming napatingin roon sa pinto. “Ako na.” sabi ni Kiara kaya tumango nalang ako at sumunod sa kanya.







Inaasahan si Dark upang magpaliwanag kung bakit isang linggo siyang wala. Pero nang magbukas ang pinto ay nakaramdam ako ng panlulumo.






“Hi Ate Zy! Hi Ate Kiara!” masiglang bati sa amin ni Penelope na may bitbit na apat na box ng pizza.







Nagpilit ako ng ngiti at lumihis ng bahagya sa dadaanan niya. Iginaya ko siya sa sala habang nakasunod naman sa amin si Kiara.







Inilapag niya ang mga pizza sa table at naupo kaming tatlo sa sofa. Nakatitig lamang kaming tatlo sa pizza hanggang sa magsalita si Penelope.







“Mga ate? Anong problema?” tanong niya. Umayos ng upo si Kiara at binuksan ang isang box ng pizza, napatakip ako sa aking ilong.






“Iyan kasing ate mo hindi mo alam kung na mimiss lang 'yong manliligaw niya o may tinatagong mabigat na problema! Kausapin mo nga!” sabi niya bago lantakan ang kinuha niyang slice ng pizza.







“Manliligaw? Who?” tanong nito at tumingin sa akin. “Hoy hindi mo alam?” natatawang tanong ni Kiara. Sinamaan ko siya ng tingin.







Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay naglalaway ako. Parang...parang gusto kong sumuka.







“Si Dark ang manliligaw ng ate mo, kaya lang mukhang naligaw si matcho—” lumapit pa si Kiara sa amin at hindi ko na natiis ang amoy ng pinya.







Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ