Chapter 89:Christmas Plans

466 19 21
                                    

Seth's Pov
Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nang mangyari ang araw na sobrang dumurog sa puso ko.

Yung araw na dinala kami sa principal's office na muntik na kaming masuspend,pero hindi ko alam na may mas malala pa pa lang mangyayaro sa sobrang dumurog sa puso ko.

flashback

Sobrang maguguluhan ako sa sarili ko,parang bigla kong nawala sa sarili ko

Pero promise hindi ko sinasadya,hindi ko sinasadyang maitulak si blythe.Hindi ko kayang gawin sa kanya yun at kayo ang nakakaalam kung gaano ko siya kamahal kaya ayoko siyang nasasaktan pero ako pa pala mismo ang makakapanakit sa kanya,tang* ko naman.

Hindi ko pinakinggang pa yung ibang sinabi ng mga kaibigan ko at dali dali akong lumabas.Hahanapin ko siya at hihingi ako ng sorry sa nagawa ko,hindi ko kayang magalit siya sakin,ayokong ganito kami.Kung sa pagiging magkaibigan nga lang nasasaktan na ko,pano pa kaya kung dumating sa point na parang strangers na lang kung ituring niya ko.Ayokong lumala pa tong misunderstanding na to kaya ako na ang kikilos.

Napatigil ako bigla sa pagtakbo ko nang makita ko si grae at blythe na magkasama.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko silang panoorin kahit alam ko namang masasaktan lang ako sa tuwing makikita ko silang magkasama.Lumuhod si grae sa harap ni blythe na halos ikatulo ng mga luha ko

"blythe please give me a chance to prove my love for you!"pagsigaw ni grae na halos ikapanghina ko

"hindi ako tatayo dito hanggang hindi ka sumasagot ng oo!"sigaw nanaman ni grae na halos ikapanigas na ng katawan ko dahil sa sakit nararamdaman ko dahil sa nasaksihan ko ngayon
"okay fine"pasigaw na sagot ni blythe na halos ikadurog ng puso ko

Napatulo na lang ang luha ko nang makita ko silang magyakapan.Alam kong wala kong karapatang masaktan pero sobrang sakit,yung feeling na halos gumuho yung mundo mo,yung feeling na halos sinasaksak yung puso mo sa sobrang sakit.

Hanggang sa hawakan ni blythe yung kamay ni grae tsaka hinatak paalis

Parang dinudurog yung puso ko sa oras na to,sobrang biga sa pakiramdam,sobrang sakit.

"so i guess nagkaaminan na sila"biglang sulpot ni danica sa likod ko

Napahilamos ako sa mukha ko at sinuntok ko ang pader dahil sa hinagpis na nararamdaman ng puso ko ngayon.

At ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay kusa nang kumawala sa mga mata ko.

"nagmahal lang naman ako pero bakit kailangan kong masaktan"sambit ko na sinuntok nanaman ang pader kasabay ang tuluyang pagbagsak ng mga luha ko
"seth please stop"umiiyak na sambit ni danica
"bakit palagi na lang akong nasasaktan,sa tuwing nagmamahal ako sakit lang ang dinudulot sakin,bakit ang-unfair ng mundong to sakin,anong mali sakin?!"may pagkainis na sambit ko sa sarili ko habang umiiyak parin sa hinagpis at napaupo na lang sa sahig
"seth walang mali sayo,wag kang mawalan ng pag asa maraming nagmamahal ssyo katulad ko,seth mahal parin naman kita kahit kailan hindi nagbago yun at kahit kailan ikaw lang ang mamahalin ko"sambit ni danica na kinatingin ko sa kanya

Dahan dahan kong sinandal ang ulo ko sa kanya at agad naman niya kong niyakap.

At doon na ko humagulgol ng iyak habang hinahagod niya ang likod ko.

Angsakit!

end of flashback

Akala ko sanay na ko masaktan pero hindi pa pala.Sa pangatlong pagkakataon,muli nanamang nadurog ang puso ko,saya diba?

"kuya tara na"yaya ni pierce
"kuya ayos ka lang ba?"tanong niya sakin
"magtatanong ka pa kahit alam mo namang hindi"sagot ko
"bakit ba anong nangyari? heartbroken ka nanaman ba?"tanong niya pero hindi ako sumagot
"kuya ayos lang yan,makakamove on ka din dito lang ako kapag kailangan mo ng makakausap"sambit niya habang hinahagod ang likod ko
"sana nga ganon lang kadali ang magmove on pero hindi eh"sambit ko ulit
"kaya mo yan kuya kaw pa,siguro hindi lang talaga siya para sayo marami pang iba diyan kuya"sambit nanaman niya
"hindi ayoko na last na to pagod na ko,siya na ang huli kong mamahalin,sobrang hirap masaktan ayoko na ulit masaktan kaya last na to"sambit ko na kinabuntong hininga niya na lang
"kung yan ang gusto mo support na lang kita"sambit niya at tinapik ang balikat ko bago lumabas

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now