Chapter 74:Its a Deal

488 20 20
                                    

Justin's Pov
Hinatak ko na papalayo si grae kasi baka totohanin pa nila darren yung banta nila.

Pero alam kong yung kaibigan ko ang may mali.Dati pa naman siya ganto,palagi kasing nakukuha ang gusto kaya nasanay,palaging gustong naghahanap ng away pero di ko akalaing mas lalala pa ngayon.Mas dumagdag kasi ang pagkabaliw niya kay blythe,alam niyo bang halos patayin na ni grae si seth sa galit niya sa tuwing lalapit siya kay blythe.

"justin ano ba?!"inis na sambit ni grae na kinatigil ko at humarap ako sa kanya
"bakit mo ginawa yun?!"tanong niya
"grae hindi mo ba narinig yung sinabi nila,baka kapag hindi pa kita nilayo paniguradong may pasa nanaman yang mukha mo"sambit ko na may pag alala
"i dont care at kung sapakin man nila ko edi kasalanan nila"sambit pa ni grae na kinailing ko
"grae hindi,kasalanan mo kasi hindi ka marunong makisama"sambit ko at dinuro duro siya na kinatawa lang niya
"justin sino ba talagang kinakampihan mo ha"seryosong tanong niya
"hindi ko alam"sagot ko at umiwas ng tingin
"what do you mean hindi mo alam,ako dapat ang kampihan mo dahil ako ang kaibigan mo"sambit niya
"kaibigan kita oo.....pero mali na yung ginagawa mo"sagot ko at umiwas ng tingin
"justin makinig ka sakin,ako ang kaibigan mo kaya ako ang kakampihan mo okay,yang sila seth pakitang tao lang yan"sambit niya at tumngin nang seryoso sakin
"grae mabait sila nagbubulag bulagan ka lang"sambit ko
"justin hindi ka na nakakatuwa ha.....tumigil ka na at baka magdilim pa ang paningin ko at sayo mabuntong ang galit ko"sambit niya na may pagbabanta na kinabuntong hininga ko na lang

Sandali kaming natahimik dahil wala nang gustong magsalita.Alam ko namang kahit anong sabihin ko,di makikinig ang gag*ng to,pero kahit ganyan yan,kaibigan ko parin yan.

"excuse me"biglang sulpot ng isang lalaki sa harap namin na kinakunit ng noo ko
"oh hello nga pala"muling sambit niya na nakangiti
"sino ka naman"iritading tanong ni grae
"ah louise nga pala"pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay

Oo tama kayo si louise abuel to pero anong kailangan niya at nagpakita samin to eh sa pagkakaalam ko hindi naman namin siya kakilala.

Tumingin ako kay grae na ngayoy ay seryoso lang na nakatingin kay louise at walang balak makipagkilala.

"may kailangan ka ba"tanong ko
"ah oo si grae"sagot niya na kinakunot muli ng noo ko
"ano namang kailangan mo sa kaibigan ko?!"medyo inis na tanong ko
"gusto kong makipagkaibigan"sagot niya na nakangiti pa

Alam kong hindi talaga yun ang pakay niya.Oo balak niyang makipagkaibigan pero alam kong may balak siya kung bakit gusto niyang makipagkaibigan kay grae pero hindi ko gustong mangyari yun,alam ko ang ugali ng louise na to.

"sorry but not interested"sagot ni grae at aalis na sana nang humarang si louise sa harap niya
"pag isipan mo muna kasi kapag naging magkaibigan tayo tutulungan kitang makuha si blythe"nakangiting alok ni louise na nakakuha sa atensyon ni grae
"what do you mean"seryosong tanong ni grae
"alam kong gusto mo si blythe kaya kapag pumayag kang maging magkaibigan tayo,tutulungan kita"pag ulit pa ni louise

Hindi pwede to,mas lalo lang lalala si grae kapag naging kaibigan niya ang bwis*t na louise na to at ayokong mangyari yun

"louise umalis ka na! tigilan mo si grae"inis na sambit ko
"tutulungan ko na---"hindi ko an siya pinatapos at muli na kong nagsalita
"hindi namin kailangan ng tulong mo,hindi ka kaibigan at alam ko ang ugali mo"pasigaw na sambit ko

Wala kong pakialam kung pinagtitinginan na ko ng mga tao dito basta mailayo ko lang ang bwis*t na to kay grae,magiging bad influence lang to kay grae.

"wag kang oa dahil hindi naman ikaw ang inaalok ko and kung ayaw mo kong maging kaibigan ok lang sakin pero hindi ikaw ang magdedesisyon para kay grae"sambit pa niya na alam kong nagpipigil na ng inis dahil sakin
"thanks but no"sagot ni grae na "huh"nagtatakang sambit ni louise
"dont need your help stupid"sambit ni grae at umalis na
"wag mo nang subukang lumapit ulit sa kaibigan ko"pagbabanta ko at sinundan na si grae.

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now