Chapter 123:Kyle is Back

660 24 318
                                    

This is one of the most important chapter in this story at kung bakit? then...

Enjoy reading

~one month later~

Blythe's Pov
Nandito kami sa bahay ngayon,kumakain habang itong isa tulala naman at parang walang ganang kumain.

"chin,kumain ka na parang di mo pa nagagalaw yang pagkain mo"sambit ni mom
"wag mong sabihing wala ka nanamang gana kasi yan na yung palusot mo nung isang araw at kahapon"sarkastikong sambit ko

Tatlong araw na yang ganyan kasi tatlong araw na ding walang paramdam si kyle sa kanya and i dont know why.

"eh anong gagawin ko kung wala nanaman akong gana"sagot niya
"kumain ka na lang"sambit ko
"pano nga kung wala akong gana?"iritadong tanong ni chin
"kumain ka pa din"sagot ko at umirap na lang siya
"ano bang nangyayari sayo chin? eat your food anak"utos ni dad
"nagkakaganyan siya kasi tatlong araw na siyang ginoghost ni kuya kyle"pabirong sambit ni althea kaya bigla kong naibuga yung nasa bibig ko dahil sobra kong tawang tawa sa sinabi niya
"blythe ano ba yan"iritadong sambit ni dad nang matalsikan siya ng kanin sa braso
"sorry dad"tawang tawang sambit ko
"anong nakakatawa dun? tawa tawa pa kayo"naiinis na smabit ni chin

Sobrang asar na asar na to lagot ka althea hahaha

"sorry na ate chin,joke lang naman"natatawang sambit ni althea habang ako tawang tawa pa din
"mabulunan sana kayo kakatawa"pambabara niya

Kyle bumalik ka na,palaging wala sa mood simula nung umalis ka at kami ang napag iinitan hahaha

"chin kumain ka na"sambit ni mom

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain nang biglang tumayo si chin...

"mom busog na po ako"walang emosyong sambit niya
"sigurado ka? di mo pa nauubos yang pagkain mo oh"sambit ni mom at tumango naman si chin
"opo mom,akyat po muna ko ayusin ko lang yung gamit ko"sambit ni chin at dumiretso na sa taas

Parang naguilty tuloy ako sa pagtawa ko kanina...

"wag niyo nang inaasar yung kapatid niyo kasi kita niyo namang hindi okay tapos aasarin niyo pa"panenermon ni dad
"si althea nagsimula"paninisi ko
"sorry dad,i admit mali ako sa part na yun"sambit ni althea na napanguso pa
"ako din,mali din ako kasi tinawanan ko pa"pag amin ko
"pansin ko lang na masyado nang naattach si chin kay kyle ah,naging ganyan na yan simula nang umalis si kyle"sambit ni mom kaya napangisi ako

Totoong totoo,nako nako sissy delikado yan char hahaha trustable naman yung mokong na yun kaya okay lang.

"sundan ko lang si chin dun,samahan ko magdrama"pabirong sambit ko

Umakyat ako sa taas at dumiretso sa kwarto niya.Umiiyak nga ata ang loka...

"huy,umiiyak ka ba?"tanong ko
"hindi ba obvious?"pamimilosopo niya habang nagpupunas ng luha

Napabuntong hininga naman ako at tumabi sa kanya...

"kyle nanaman no"sambit ko pero di siya sumagot
"miss mo na?"tanong ko ulit
"malamang"sagot niya
"hays sissy,wag ka nang umiyak babalik din naman yun"sambit ko at pinunasan ang luha niya gamit ang kamay ko
"one month na din kasi siyang wala sissy eh.Isang buwang walang sumusundo sakin kada umaga,isang buwang walang nangungulit,isang buwang walang tuko na ayaw humiwalay sakin at isang buwan ko na siyang hindi nakikita...i miss him,i really miss him"maluha luhang sambit niya

Napabuntong hininga na lang ulit ako at niyakap siya.

She really miss him...

"naiintindihan kita sissy,tagal niyo na din kayang di nagkikita at alam ko kung gaano kahirap yun"sambit ko para mapagaan ang loob niya
"tatlong araw na din siyang walang update,walang reply tapos di sinasagot mga tawag ko.Nag aalala na ko sissy"sambit niya
"baka busy lang sissy,wag ka na ngang mag isip ng kung ano ano"natatawang sambit ko
"baka nga nag ooverthink lang ako sa sobrang pagkamiss sa kanya"sagot niya
"dont worry sissy,just hold on to his promise na babalik siya"sambit ko
"tama ka...babalikan niya ko"sambit niya at maliit na ngumiti
"ayan,smile ka na para maganda ka na ulit"pagbibiro ko at napatawa naman kaming dalawa

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now