Chapter 120:Paghahanap

518 18 248
                                    

Francine's Pov
Nandito kaming lahat sa bahay ngayon,kahapon pa nawawala si blythe at hanggang ngayon hindi pa rin namin siya nahahanap.

Ginawa na namin lahat ng kaya naming gawin,naipost na rin namin yung picture niya baka sakaling may nakakita sa kanya at itawag samin ang lugar.

Lahat kami dito nag aalala na sayo sissy.Si seth,si kyle,si jay,si ac,si darren,si ken at lalong lalo na kami na pamilya mo.Kung nasan ka man ngayon sana ligtas ka,hahanapin ka namin at hindi kami titigil hanggang di ka namin nahahanap kaya kapit ka lang,babawiin ka namin sa desperadong lalaking kumuha sayo.

Sana lang talaga walang ginawa sa kanya si grae,ayokong makakita ng kahit na maliit na galos kay blythe dahil baka mapatay ko talaga ang h*yop na yun.

"wala parin ba talagang update ang mga pulis kung nasan ang anak natin?!"naiiyak na tanong ni mom
"tatawag sila kung may alam na sila pero sa ngayon kailangan muna nating maghintay"walang emosyong sagot ni dad na pinipilit lang ding maging okay sa harap namin
"maghintay?! yan lang ba ang gagawin mo?! adrian kahapon pa nawawala ang anak mo! kada oras na wala siya satin mas lalo akong nag aalala dahil habang tumatagal nalalagay sa kapahamakan ang buhay ng anak mo! anak mo yun adrian! nawawala yung anak mo at kahit hindi ko tunay na anak si blythe,tinuring ko na siyang parang akin kaya hindi ko kayang tumayo lang dito at maghintay na lang!"sigaw ni mom

Napatulo na lang ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan...parang ngayon pa lang nagsisinc in sakin na nawawala ang kapatid ko,hindi ko kaya...hindi ko kakayanin

"kumalma ka lang,magiging maayos din ang lahat"pagpapakalma ni dad sa kanya at niyakap siya
"kung ikaw nasisikmura mo na tumayo lang dito at maghintay habang yung anak mo nawawala pwes ako hindi!"sambit ni mom sabay labas na kinabuntong hininga na lang ni dad

Lumapit samin si dad...

"dito na lang muna kayo,bantayan niyo ang mga telepono,baka may tumawag na makakapagsabi satin kung nasan ang kapatid mo"bilin ni dad

Tumayo naman agad ako at niyakap siya kasabay ng pagtulo nanaman ng luha ko...

"dad sorry,sana hindi ko pinabayaan si blythe,sana sinamahan ko na lang siya kahapon,sana hindi ko siya hinayaang mag isa,kung nandun ako sana hindi siya nakuha ni grae...dad im so sorry"umiiyak na sambit ko

Kinalas naman niya ko sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisnge ko...

"wag mong sisihin ang sarili mo chin dahil wala kang kasalanan anak"sambit ni dad na nagpipigil ng luha at niyakap muli ako
"wag kang mag alala ha,mahahanap din natin ang kapatid mo,babalik satin si blythe"sambit ni dad

Humagulgol lang ako habang yakap siya sa sobrang sakin na nararamdaman ko ngayon,nawawala si blythe tapos nakikita kong nasasaktan yung pamilya ko,trinepleng sakit.

Kinalas ako ni dad sa yakap...

"kyle"sambit ni dad at binigay ako kay kyle at siya naman ang yumakap sakin
"susundan ko lang ang asawa ko,tawagan niyo agad kami pag may nakuha kayong impormasyon"sambit ni dad bago tuluyang umalis.

Nagpatuloy ako sa pag iyak habang patuloy pa din akong niyayakap ni kyle at pinapatahan.

"bakit kailangang umabot pa sa ganto si grae"sambit ni darren
"g*go kasi"sambit ni ken
"sobrang nag alala na ko kay blythe,sana okay lang siya"naiiyak na sambit ni jay
"kahit mahal ni grae si blythe hindi pa rin tayo sure so we need to get her from him bago pa siya may gawing masama"naluluhang sambit ni ac
"hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay blythe"sambit ko
"tahan na"pagpapatahan sakin ni kyle
"hinding hindi ko siya mapapatawad sa oras na malaman kong may ginawa siya kay blythe,okay lang sakin na buhay ko na lang yung sinira niya pero para sirain niya yung buhay ng babaeng sobrang mahal ko? sumosobra na siya,kahit lumuhod pa sya sa harap ko hinding hindi ko siya papatawarin"sambit ni seth

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now