Chapter 75:SANA

710 20 16
                                    

Jayda's Pov
Kakatapos ko lang mag ayos para sa school,kinuha ko na ang bag ko at bumaba

Pagkababa ko,hindi ko ineexpect na nandito si jeremy para sunduin ako kasi dalawang araw ko din siyang di nakita,nagcall siya sakin pero minsan lang tapos sandali lang din.

Hindi pa din namin napag uusapan yung ginawa niyang pag iwan sakin a few days ago.Hindi ko alam kung bakit kasi wala naman siyang sinabing dahilan,basta basta na lang siyang umalis and im greatful that darren is there to save my day.

Feeling ko nga habang tumatagal nawawalan na ng time sakin si jeremy,pero ayaw ko munang mag isip ng negative hanggat di pa ko sure.

Agad siyang tumayo nang makita ko at magbebeso sana pero iniwas ko yung mukha ko sa kanya at dumiretso kay dad para magpaalam.

"tito una na po kami"paalam niya kay dad

Hindi ko na siya hinintay at lumabas na ko para dumiretso sa kotse.

Sobrang nakakatampo na nakakainis,ikaw ba naman iwanan nang basta basta kahit alam niyang may trauma ka dun,sinong matutuwa dun?

"jayda"pagtawag niya nang makasakay sa driver seat
"magdrive ka na lang"sambit ko na nasa bintana ang tingin na kinabuntong hininga niya lang

Habang binabaktas namin ang daan ay tahimik lang kami pero sa totoo lang,kanina ko pa siya hinihintay na magsalita para magsorry at ipaliwanag kung bakit niya ginawa yun.

Nagkukunwari lang akong di namamansin para matest ko siya pero bakit parang wala siyang pakialam,hindi man lang siya nagsorry sakin.

Habang tumatagal talaga nagbabago na yung pagtrato sakin ni jeremy,hindi na katulad nung nililigawan niya ko,para siyang nawawalan ng oras na ewan.Pero wag sana niyang paabutin sa point na masabi kong ayaw ko na,hindi niyo ko masisi dahil sa nakikita ko ngayon sa kaniya,nagbago na siya at parang wala na lang ako sa kanya.

Kahit maarte ako at may pagkaimmature,malalim din akong tao lalo na pagdating sa relasyon.Kung mahal mo ko dapat pinapatunayan mo hindi yung puro ka lang salita pero wala ka namang ginagawa para patunayan yun.At kung mahal mo ko dapat isa ko sa mga priorities mo,dahil yun ang totoong pagmamahal,kapag mahal mo ang isang tao it means to say na mahalaga siya sayo at kahit anong mangyari palagi kang nandiyan para sa kanya,kahit pa sabihin mong busy ka kapag mahal mo ang isang tao,gagawa at gagawa ka ng paraan para mapaglaanan siya ng oras at mapasaya mo siya.And lastly kapag mahal mo hindi mo iiwan at hindi mo susukuan kahit gaano pa kahirap at kacomplicated ang sitwasyon niyong dalawa,hindi ka susuko at ipaglalaban mo siya at yun ang hindi nagawa ni darren.Okay na sana eh kaso sumuko kaagad siya,kung siguro lumaban siya over jeremy,kami siguro ngayon kasi sigurado akong siya ang pipiliin ko,una palang iba na yung pakiramdam ko sa kanya pero wala eh,sinukuan niya agad ako hindi niya napatunayan sakin na worth it siyang mahalin kasi di niya naman ako pinaglaban.

Tayo sana ngayon kung lumaban ka at kung sana hindi mo ko sinukuan pero wala eh.....pero SANA TAYO NA LANG TALAGA.

(masyadong napahugot si author haha,kamusta okay ba?😂)

Blythe's Pov
Im here at my room preparing myself for school.

Kanina pa ko naguguluhan dito,yung feeling na parang may nakalimutan kang dalhin.

"ah yung project ko"sambit ko sa sarili ko at nagtungo sa drawer kung saan ko nilagay iyon.

Binuksan ko ang drawer ko at kinuha ang isang folder na nasa loob nun.

Isasara ko na dapat iyon ng mahagip ng mata ko ang isang maliit na box.Kinuha ko yun at binuksan.

Awtomatiko naman akong napangiti nang makita ko ang nasa loob nito.Isang bracelet na mahalaga sakin,bagay na bigay sakin ng taong mahalaga sa buhay ko.

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now