Chapter 72:Akong Bahala Sayo

459 28 16
                                    

Kyle's Pov
Kakadating lang namin dito sa campus.Nakapapagtaka lang wala dito si ac eh nagtext samin si ken sabi nauna na daw dito si ac kaya nga nagmamadali kami kasi binilinan niya kami.

"nasaan ba si ac"pagtataka ni seth
"tara sa gymnasium baka nandun nanaman yun nagmumok sa pag alis ni ken"sambit ni darren at nagtungo na kami dun

Ilang araw nang ganyan si ac,parang walang gana nawala lang si ken,di naman halata na iba na yung pagtingin niya sa sinasabi niyang 'bestfriend' niya lang,hays d talaga halata.

"i knew it theres ac"sambit ni darren sabay turo kay ac
"puntahan na natin"yaya ni seth
"oo tara na baka kapag nalaman pa ni ken na magkasama yang dalawang yan satin pa magalit"sambit ko sabay lapit sa dalawa

"ac"sambit namin sa harap nila na kinatingin naman nila
"oh andyan na pala kayo"sambit niya na nakangiti pa
"tara na"seryosong sambit ni darren na kinatango niya na lang
"tara"sambit ni seth at hinawakan ang braso ni ac

Napakunot naman ang noo ko nang mapansin kong nakatitig si justin sa bracelet na suot ni seth
"justin un---"natigil si ac sa sasabihin niya nang mapansin niyang nakatingin si justin sa kamay ni seth

"pre okay ka lang"tanong ni seth na may pagtataka
"ah oo"sagot niya na parang wala parin sa sarili,anyare dito
"sige una na kami"sambit ni darren na kinatango ko
"tara na guys"yaya ko at naglakad na at alam ko namang sumunod sila

"ac bakit mo kasama yun"tanong ni darren
"actually ako lang mag-isa dun tapos bigla siyang dumating"sagot ni ac
"tapos?"tanong pa ni darren
"nagkwento lang siya sakin"sagot ulit ni ac
"ano namang kwinento niya sayo"tanong naman ni seth
"about dun sa friend niyang namatay,naawa nga ko dun sa friend niya kasi sabi ni justin dinala daw siya sa america para ipagamot tapos naging successful yung operation niya pero namatay naman siya sa isang car accident"pagkekwento ni ac
"grabeng tragedy naman yun"komento ko at tumango naman yung dalawa maliban kay seth

Pansin ko ang pagkatahimik ni seth at bigla na lang natulala na parang may iniisip

"seth"sambit ko pero nakatulala parin siya
"seth"pasigaw na sambit ko at tinapik pa ang balikat niya na kinabalik niya sa katinuan
"a-ano yun"natatarantang tanong niya
"okay ka lang?"tanong ko
"ah oo may bigla lang pumasok sa isip ko"sagot niya na kinatango ko na lang.

Nang makarating na kami sa entrance gate kung saan namin hinihintay sila chin ay sakto namang pagdating nila jayda at jeremy.Nako mababadtrip nanaman tong pinsan ko dahil sa selos,hahaha.

"hi guys good morning"bati ni jayda sabay yakap kay ac,pustahan tayo inggit nanaman yung isa diyan
"good morning sis"bati sa kanya pabalik ni ac
"smile ka na ah"sambit sa kaniya ni jayda at tumango naman siya
"oh sige guys kayo na muna bahala kay jayda"sambit ni jeremy
"bakit pre di mo ba hahatid yang girlfriend mo"tanong ni seth
"may pupuntahan pa kasi ako eh kaya kayo muna bahala sa girlfriend ko"sambit pa niya na kinakunot ng noo ko
"mas importante pa ba yan kay jayda"pagsupalpal ko sa kanya na kinaseryoso ng mukha niya
"uhm jeremy wag na,nagbibiro lang yan si kyl,diba kyle?"baling na tanong ni jayda na kinatango ko na lang
"okay sige bye kita na lang tayo mamaya"paalam ni jeremy sabay beso kay jayda.

Binaling ko ang tingin ko kay darren na ngayon ay nakaiwas ng tingin pero galit ang mukha.

"selos ka na niyan bro"bulong ko sa kanya na natatawa
"kyle wag mong simulan"mahinang sambit niya na may pagbabanta na kinatawa ko na lang at syempre tumigil na ko baka ako pa ang mapagbuntungan eh

Umalis na si jeremy at hindi rin naman nagtagal ay dumating narin sila blythe

"good morning everyone"masiglang bati ni althea na nakakapit pa sa kamay ng ate niya
"si erika po?"tanong niya
"andun nauna na sa classroom niya"sagot ni ac
"ay hindi na ko hinintay"sambit ni althea na may pagkadismaya
"hala oo nga no,nako dali pumunta ka na dun sa classroom niyo tapos sampalin mo kapag nakita mo"sambit ni ac na kinailing ko,napakamaldita talaga nito pati kapatid ni blythe tuturuan pa ng pagkamaldita niya
"huy ac wag ano ano tinuturo mo diyan sa bata"sambit ko at tinaasan niya lang ako ng kilay

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now