Chapter 102:The Kiss

537 16 188
                                    

Justin's Pov
Saturday ngayon and im thinking of going outside kasi nabobored ako,wala naman akong kasama dito sa bahay and para kalimutan din yung kahihiyang ginawa ko kagabi

Hindi ko alam kung bakit at anong pumasok sa utak ko para gawin yun,hindi ko nakontrol yung sarili ko kaya nadala ko sa nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung paano ko haharap ulit kay ac dahil sobrang nakakahiya sa kanya yung ginawa ko and it even caused more akwardness between us

"ahhh bakit ko ba kasi ginawa yun"naiinis na sambit ko sa sarili ko

Nakakahiya kay ac pero dapat mas mahiya ako kay ken,he reminded me to know my limitations and i promised to him that i will do the right thing and i will support them on their relationship kaya tatanggapin ko kung sakali mang magalit sya o magkaron ng sama ng loob sa oras na malaman niya because im aware that what i did last night was a wrong move.Buti na lang talaga hindi natuloy kung ano mang balak kong gawin dahil kung tinuloy ko siguro yun,sobrang guilt ang mararamdaman ko pero nangyari na ang nangyari and i must face the reality,kung inis man sakin si ac okay lang pero hihingi na lang ako ng sorry.

Sinuot ko yung jacket ko at nilagay sa bulsa ko yung cellphone ko tsaka lumabas.Actually pinag iisipan ko pa kung dapat ba ko bang pumtahan si ac sa bahay nila o wag muna pero no choice ako kasi nagkukusa ang mga paa ko na maglakad papunta sa kanya and nandito narin ako sa tapat ng bahay nila so bakit pa ko aatras.

Hahakbang na dapat ako para tumawid nang matanaw ko si ac sa labas ng bahay nila habang yakap si ken.Bigla kong naestatwa sa kinatatayuan ko habang pinapanood silang magyakapan.Ramdam ko yung puso kong parang dinudurog hanggang sa kumalas sila sa pagkakayakap pero parang mas dinurog ang puso ko sa nasakihan ko...they kissed.

Dahan dahan akong tumalikod at naglakad papalayo,hindi ko kayang makita yun,sobrang masakit parabg dinudurog yung puso ko.

I felt tears flowing down to my cheeks because of the pain my heart suffering rught now.Alam kong sinabi ko sa sarili kong magmomove na ko at tatanggapin na hindi sya para sakin pero bakit angsakit sakit pading makita syang may kasama at masaya sa iba,bakit kasi hidni na lang ako?

"masyado ka kasing nagpakabait kaya nasasaktan ka ngayon"sambit ni sam nang makasalubong ko sya
"anong ginagawa mo dito?"tanong ko at pinunasan ang mga luha ko
"wala lang so ikaw naman tatanungin ko....bakit ka umiiyak?"tanong nya na nakangiti nang kakaiba
"wala kang pakialam!"inis na sagot at akmang aalis nang humarang sya sa haharap nya
"wait im not done yet"sambit nya na matawa tawa pa
"ano ba talagang kailangan mo?!"inis na tanong ko
"just relax justin hahaha"sambit nya tsaka tumawa
"akala ko ba okay lang sayo at tanggap mo na si ac at ken ang destiny eh bakit ka nagkakaganyan ngayon?..."sambit nya na matawa tawa pa

Napayukom ang kamay ko dahil sa sinabi nya...

".... masyado ka kasing nagparaya tapos ngayon iiyak iyak ka? hahaha what a loser"sarkastikong sambit nya

Hindi na ko nakapagtimpi kaya hinawakan ko nang mahigpit yung magkabilang balikat nya na halos ikapilipit nya sa sakit at higpit nang pagkakapisil ko

"aray! justin nasasaktan ako!"sambit nya na nagpupumiglas
"wala kang pakialam sabihin yan dahil hindi mo alam ang nararamdaman ko!"pasigaw na sambit ko
"bitawan mo ko justin nasasaktan ako!"sambit niya
"justin bitawan mo si sam!"pagsulpot ng louise na to at tinulak ako na kinabagsak ko
"justin pre oks ka lang? tayo dali"nakangiting sambit nya sabay lahad ng kamay
"pagkatapos mo kong itulak tapos ngayon tutulungan mo ko?"sarkastikong sambit ko
"sorry di ko sinasadyang maitulak ka...kaw naman kase bat mo sinasaktan si sam"sambit nya
"hindi na kailangan kaya ko!"inis na sambit ko at tinulak ang kamay nya tsaka tumayo
"kung nasaktan ka man sam sorry na lang"sambit ko
"you should be sorry,angsakit kaya"sambit nya but i didnt gave an answer and just turned my back at them but this time,si louise naman ang pumigil sakin
"wait lang"sambit nya sabay harang sa dadaanan ko
"ano nanaman ba?!"inis na tanong ko
"this is the firts time that i see  you being mad...okay ka lang ba? is there any problem?"tanong nya na kinailing ko na lang dahil alam kong kaplastikan lang lahat
"ano namang pakialam mo? its none of your business kung okay ako o hindi so pwede ba tigilan niyo na lang ako and just mind your own business"seryosong sambit ko at nilagpasan sya
"im not dumb justin...alam ko namang nasasaktan ka dahil kay ac at ken kaya ka nagkakaganyan"sambit nya na kinatigil ko
"tama ako diba?"sarjastikong tanong nya na nasa harap ko nanaman
"kung sabihin kong oo ano namang pakialam mo?!"sarkastikong smabit ko
"i knew it...kung hindi ka lang kasi naging tanga sa una edi sana hindi ka luhaan at nasasaktan ngayon"sambit ni sam
"manahimik ka kung ayaw momg masaktan ulit!"pagbabanta ko
"wow just wow! that was the first time that i heard you saying those words...but i like it,violence is a music in my ears"sambit ni louise
"ano pa bang kailangan nyo?!"inis na tanong ko
"no justin...hindi kami ang may kailangan sayo dahil ikaw ang may kailangan samin"sambit nya na nakangiti nang mapait
"anong pinagsasabi mo?!"inis na tanong ko
"oh common justin stop playing dumb...im making you an offer again and this time i know you would accept it...sumama ka na samin,makipagtulungan ka na samin"sambi ni louise
"and you want ac right?...we will help you to get her"dagdag ni sam
"and you expect me to accept that stupid offer of yours louise?"sarkastikong tanong ko
"stop being a good boy justin cause it doesnt suits you...dahil sa pagiging mabait mo kaya ka nasasaktan ngayon...masyado kang nagparaya kaya ayun napunta sya dun kay ken pero dont worry kami ang magtatama ng kamalian mo if you would give us a chance to help you and im assuring you that you will have no regrets if you accept my offer and we will be a very good friends to you not like those stupid ones.. so justin think carefully"sambit ni louise
"kung ako sayo justin i would not waste this oppurtunity"sambit ni sam
"so justin...is it a yes or a no?"tanong ni louise at naglahad ng kamay

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now