Chapter 125:How it all Began

489 21 269
                                    

Paano nga ba nagsimula ang lahat?...Happy reading!


Francine's Pov

Natapos ko nang ayusin ang mga gamit ko sa school kaya sinukbit ko na ang bag ko sa likod para makaalis na.

"pasok na po ako pa"paalam ko
"hatid na kita"alok ni papa
"hindi na po,kaya ko na po mag isa"walang emosyong sagot ko at napatango na lang si papa

Lumapit sakin si papa para sana bumeso pero iniwasan ko siya...

"una na po ako"may pagmamadaling sambit ko at agad na lumabas ng bahay.

Medyo malapit lang naman ang school sa bahay namin kaya nilalakad ko na lang at wala din namang jeep o tricycle dito kasi nga bukirin.

Maya maya pa ay sumulpot na ang baliw kong kaibigan...

"huy carrel! buti naman naabutan kita"masayang sambit ni criza at sinabit ang kamay sa braso ko

Nginitian ko lang siya na kinakunot ng noo niya

"anyare? hindi pa rin ba kayo nagkakaayos ni tito?"tanong niya
"hindi ko alam kung paano siya kakausapin criz,hindi ko din alam kung matatanggap ko"sagot ko
"hays sa bagay,kung ako ang nasa sitwasyon mo mahihirapan din talaga ko like hello,sobrang sakit kaya na malamang wala nang chance magkaayos yung parents mo tapos may ibang mahal na pala si tito.Hays angsakit talaga like myghad cassie"sambit ni loka

Tignan mo to,hindi ko na nga binabanggit para hindi ko na maalala...

"talagang kailangan banggitin mo lahat? ayoko na ngang maalala eh"may inis na sambit ko
"ay sorry naman"sagot niya sabay peace sign ni loka

Nagpatuloy kami sa paglalakad nang biglang tumigil si loka kaya napatigil din ako...

"oh bakit?"tanong ko

Hindi sumagot ang loka at kinapa lang ang bulsa nya tsaka tinignan ang loob ng bag niya...

"anong hinahanap mo?"kunot noong tanong ko
"parang may nawawala kasi saki---omg naiwan ko sa bahay yung wallet ko!"sambit ni loka na sumigaw pa
"kailangan mo talagang isigaw?"iritadong tanong ko
"hays ano ba yan,andami kong pwedeng maiwan bakit yun pa eh nandun lahat ng pera ko"naiinis na sambit ni criz
"hayaan mo na yun tara na"yaya ko
"anong hayaan mo na? anong pambibili ko ng lunch mamaya?"sarkastikong tanong niya
"edi bahala kang magutom"pabirong sagot ko
"ay wow,napakasama mo talagang kaibigan"may inis na sagot ni loka
"joke lang,lilibre na lang kita mamaya"sambit ko at bigla namang napangiti si criz
"ay talaga?"ngiting ngiting tanong niya
"oo,bayaran mo na lang bukas"sagot ko at agad namang napawi ang ngiti ng loka
"pano naging libre yun kung pababayaran mo din pala?"iritadong tanong ni loka
"magpasalamat ka na lang na ililibre kita ngayon"sambit ko sabay ngisi nang mapang asar na kinairap niya

Sobrang lakas mang asar niyan pero kapag siya na ang inaasar,ambilis mapikon.Galing diba?

"wag na,balikan ko na lang sa bahay"sambit niya at muling umirap
"lilibre na nga lang kita mamaya"sambit ko
"no thanks na lang,kita na lang tayo mamaya sa school"sambit ni loka

Wala na kong nagawa kasi tumakbo na pabalik si criz.Pagpasensyahan niyo na yan ah,may pagkabaliw din kasi.

Ngayon ay mag isa na lang akong naglalakad papuntang school.Medyo malayo layo pa ang lalakarin ko pero kaya naman,sanay na din ako kasi nilalakad ko lang naman talaga to hahaha.

Bigla kong naisip si papa.Nakaramdam ako ng guilt,ilang linggo ko na siyang hindi pinapansin at iniiwasan eh.

Sobrang hirap din kasing tanggapin eh,na may iba na si papa at pinagpalit niya na si mama.Nagtatrabaho sa Maynila si mama para maibigay ang pangangailangan namin kaya nasasaktan ako para kay mama,nagpapakahirap siyang magtrabaho dun para samin ni papa tapos malalaman lang niya na may iba na si papa? Aaminin ko na masama ang loob ko kay papa,galit ako.

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now