Chapter 65.5:Its Over

386 17 8
                                    

Seth's Pov
Pinauna ko na muna sila kyle at franchinchin sa cafeteria kasi dadaan pa ko ng publishing para isubmit ang mga pictures na kinuhanan ko,tinanggap ko na kasi yung inalok sakin ni sir carl na maging photojourn ng school.Hindi ko gusto yun at hindi rin naman labag sa loob ko na tanggapin yun,gusto ko lang kasing gawing busy yung sarili ko at gusto ko na may pinagkakaabalahan para kahit papaano ay makalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko.

Hala oo nga pala,di pa ko nakakapili ng picture,sa dami ng picture dito sa camera ko nahihirapan akong pumili.

Binuksan ko ito at isa isang swinipe para icheck ang mga pictures.Napangiti na lang ako nang malaman kong andito pa pala to,di ko pa pala naburo to

Ito yung time na bago pa yung squad namin,kakakilala palang namin nun kila ac at ken.

Ito yung time na maayos pa kami,na masaya pa kami,at ito yung mga oras na masaya pa yung puso ko.Pero ngayon wala na,nandiyan na yung taong mahal niya,nandiyan na si grae.At ako ay mananatiling kaibigan niya na lamang,hindi na ko makakalapit sa kaniya nang malaya at ang magagawa ko na lang ngayon ay pagmasdan ang mga ngiti niya kapiling ang taong mahal niya at nagmamahal sa kanya.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko.Pagdating talaga sa babae napakahina ko at pagdating sa pag-ibig palagi lang akong nasasaktan at umiiyak

"s-seth"biglang sulpot ni danica kaya pasimple kong pinunasan ang mga luha sa pisnge ko
"oh nandyan ka pala"sambit ko
"umiiyak ka ba"tanong niya na kinailing ko lang
"dahil ba kay blythe"tanong niya na kinagulat ko
"h-huh"sambit ko na nagmamaang-maangan at tinuro naman niya ang camerang hawak ko
"ah wala to naligaw lang"pagpapalusot ko
"nasasaktan ka ba kasi hindi ikaw ang gusto niya"diretsahang tanong niya
"ano bang pinagsasabi mo?!"inis na sambit ko
"seth alam kong nasasaktan ka kasi halata sayo at akala mo ba hindi ko alam ang tungkol sa childhood friend niya,nung pageant i was there the whole time at kita ko kung gaano sila kasaya na magkasama at ikaw kulang na lang lumuha ka na para ipakita na nasasaktan ka na sa nakikita mo"sambit niya kasabay ng pagpatak ng luha mula sa mga mata niya
"ok lang sana sakin na wag nang maging tayo pero hindi ko kayang nakikitang nasasaktan ka dahil mahal parin kita never nawala yun"pagpapatuloy niya pa na nagsisimula na sa pag-iyak
"tama na to danica aalis na ko"sambit ko pero hinarangan niya ko at hinawakan ang dalawang kamay ko
"sety bigyan mo ko ng chance na ipakita sayo na nagbago na ko,bigyan mo ko ng chance na pasayahin ka ulit"sambit pa niya na kinaiwas ko ng tingin
"hindi ko ginagawa to para sakin,ginagawa ko to kasi ayaw kong nakikita kang nasasaktan dahil sa kaniya,na baka mapasaya kita ulit katulad ng dati"sambit niya habang patuloy sa pag-agos ang luha niya
"danica mahirap g--"hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang magsalita siya muli
"seth please sabi mo sakin bibigyan mo ko ng chance na patunayan sayo na nagbago na ko pero pano ko gagawin yun kung nilalayuan mo ko"sambit pa niya
"seth please"umiiyak na sambit niya at lumuhod pa na kinagulat ko

Dahan dahan ko siyang tinayo at tinignan sa mata.

"oo na pumapayag na ko"sambit ko na kinayakap niya sakin pero agad ko siyang kinalas
"pero hindi ibig sabihin nun na babalik na tayo sa dati,hindi ko pa kaya"sambit ko
"ok lang naiintindihan ko"nakangiting sambit niya
"umalis ka na,may dadaanan pa ko"sambit ko
"pwede ba kong sumama"tanong niya
"bahala ka"walang emosyong sagot ko at umalis

Pagkatapos kong isubmit ang mga pictures sa publishing ay naglakad na ko patungong cafeteria.Si danica naman ay nakasunod lang sakin,nagkekwento rin siya sakin ng kung ano ano pero hindi ko na lang pinapansin.Hindi ko alam kung tama ba tong desisyon ko kasi baka umasa lang siya kapag hindi ko na talaga siya kayang mahalin.Pero nangyari,susubukan kong mahalin siya ulit at sisinulan ko yun sa pagmomove on kay blythe,nagbago si danica para sakin,malaking sakripisyo rin yun na hindi dapat binabalewala.

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now