Chapter 128:Chin is Awake!

808 23 228
                                    

So ayun na nga back to present na tayo at alam ko din namang namiss niyo din yung iba pa nating makukulit na characters and its time to bawi bawi at kilalanin ang pinakamamahal niyong Louise and Lorin so...

Happy reading!

Seth's Pov

Nandito pa din kami sa Ilocos,apat na buwan na din kami dito kasi at si franchinchin apat na buwan na ding inaako ang role ni sleeping beauty
(sleeping beauty pa nga😂)

Ako lang ang naiwang nagbabantay dito ngayon kay franchinchin kasi si ali kasama si tito adrian para ihatid na muna pabalik ng hotel si althea,si kyle naman ay sinamahan sa police station si tita christine at  alejandro,si darren naman ay sinundo na sa terminal si jayda na kababalik lang galing manila habang yung dalawa naman na si ac at ken ay nasa manila pa kasi hinatid na muna nila si erika pabalik dun.Parang four months na din kaming pabalik balik ng manila at ilocos,babalik kami ng manila para kumuha ng damit para dalhin dito pero alternate naman kami,last month ako at ngayon naman si jayda.

Pwede naman kaming umuwi na sa manila at doon na lamang maghintay ng update tungkol sa lagay ni Chin pero mas minabuti naming mag stay dito.Kailangan niya kami ngayon sa tabi niya at hindi namin siya pwedeng iwan,magkakaibigan kami at nangako kami sa isat isa na kung may dadating mang problema at trahedya,sabay sabay naming haharapin at lalabanan...walang iwanan.

Parang angsakit sakit sa tuwing titignan ko si chin na nakahiga dito,para lang siyang natutulog pero ang nakakatakot dun ay may posibilidad na hindi na siya magising

Natatakot kami sa fact na anytime pwede kaming iwan nito pero mas naging positibo kami.Minabuti naming magtiwala kay chin dahil alam naming hindi niya kami iiwan at syempre pati sa Diyos,dahil alam naming ibabalik niya samin ang kaibigan namin.

Pagsubok lang to at sigurado akong malalagpasan namin to...kapit lang,tiwala lang,matatapos din lahat ng to at babangon kami nang magkakasama.

Tumayo ako at lumapit kay chin na ngayon ay wala pa ding malay.Napabuntong hininga na lamang ako bago magsalita...

"Franchinchin...gising na diyan,bumangon ka na kasi angtagal ka na naming hinihintay,miss na miss ka na namin lalo na nung bala mo"sambit ko habnag pinagmamasdan siya
"Alam mo,andami kong gustong sabihin at isumbong sayo,kasi naman si pareng kyle minsan matigas ang ulo,sarap na ngang konyatan"pabirong sambit ko

Ganto naman palagi ang ganap namin araw araw,pagkagising sa umaga diretso dito sa hospital ,kakausapin si chin at magbabakasakaling maririnig niya kami tapos magigising siya bigla.Parang naging bahay na nga din namin tong ospital kasi dito na namin ginugugol ang lahat ng oras namin,dito kami kakain ng almusal tanghalian at hapunan.Sa gabi naman bago umuwi,dadaan kami sa praying area at kakausapin Siya,umaasang pakikinggan niya ang mga dasal namin.

Mahirap? oo nakakapagod? oo din...pero wala naman samin yun eh,ang importante samin si chin at handa kaming gawin ang lahat para sa kaibigan namin
(True friends will never leave you in a shadow)

Kaya sa taong gumawa nito sa kanya? humanda ka na ah kasi hinding hindi namin palalampasin to,sisisguraduhin naming mabubulok ka sa kulungang hayop ka!

Marahan kong hinawakan ang kamay ni chin na wala pading kabuhay buhay bago ko siya kausaping muli...

"lalaban ka ah,lumaban ka,wag mo kaming iiwan"sambit ko at pasimple namang tumulo ang luha ko mula sa isang mata ko

Maya maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok naman si ali ko.Awtomatikong bumaling ang tingin niya kay franchinchin at ayan nanaman yung mga nagbabadyang luha sa mga mata niya.Naglakad ako palapit sa kanya at binigyan siya ng yakap.

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now