Chapter 126:Blossoming Feelings

366 15 241
                                    

~after one month~

Francine's Pov

Ito kami ngayon ni criza,nilalakad ang daan papuntang school

Isang buwan na din ang nakakalipas simula nang makabalik si kyle galing manila. Isang buwang na din naming kasama yung magpinsan,mabait naman sila,wala naman silang pinapakitang mali...

"alam mo carrel,hanggang ngayon talaga masama pa din feeling ko diyan kay lorin at louise"sambit ni criz
"huh? i mean bakit ba ganyan yung nararamdaman mo sa kanila eh mukhang mabait naman sila"sambit ko
"ewan ko din eh,sa one month na magkakasama tayo never kong naramdaman na kaibigan ko sila,alam mo yung ganon tapos yung parang mabait lang sila pag nakaharap ka tapos kapag nakatalikod ka na,masama pala talaga ang ugali"sambit pa niya
"hindi naman siguro at tsaka parang hindi naman halatang masama ang ugali nila"pagdepensa ko
"for now... pero ewan ko na lang pag tumagal pa kasi anglakas talaga ng gut feeling ko na may tinatagong masamang ugali yang magpinsan na yan"dagdag niya
"hindi naman siguro,baka akala mo lang yun"sagot ko
"bahala ka basta ako ayoko munang pagkatiwalaan yang si lorin at louise kasi sa panahon ngayon andami nang ganyang klase ng tao,yung tipong mabait sa unang tingin"sambit ni criz at hindi na lang ako sumagot

Masyado ba kong mabilis magtiwala pero ayoko na din kasing maging judgemental eh,katulad nung panghuhusga ko kay kyle nung una kaming magkakilala. Hindi naman din sigurong masamang magtiwala diba at isa pa,mukhang mabait naman talaga sila.

Hanggang sa makarating na kami sa school at expected,nandito na sila kyle.

"good morning"pagbati ko
"morning chin and criza"bati ni darren na kinangiti ko

Si kyle naman ay mukhang hindi napansin na nandito na kami kasi busy syang makipag usap kay lorin.Saya saya pa oh,tawang tawa pa...

Napairap na lang ako at pumasok na sa loob nang walang pasabi...

Dumiretso ko sa loob ng classroom ko at naupo sa upuan ko.Ewan ko ba,hindi ko na rin alam pero naiinis ako.

"huy anong nangyari sayo?"tanong ni criz na nasa harap ko na
"wala"sagot ko
"sus wala daw...ano nagseselos ka?"tanong niya at umiling naman ako agad
"h-huh? hindi ah at tsaka bakit naman ako magseselos"pagtanggi ko

Hindi naman ako nagseselos eh...hindi naman diba?

"eh bakit ka nag walk out?"tanong nanaman ni criz
"naiinis lang ako"sagot ko
"oh edi nagseselos ka nga"pagpipilit niya
"hindi nga ko nagseselos kulit mo...nainis lang ako kasi hindi man lang naggood morning pabalik tapos mukhang hangin lang tayo na di niya mapansin kasi busy siyang makipag usap dun kay lorin"pagpapaliwanag ko sabay irap
"tama nga ako,nagseselos ka"sambit niya na  kinairap ko
"angkulit mo,sinabi nang hindi"may inis na sagot ko
"naiinis ka kasi di ka niya napansin,naiinis ka kasi iniisip mo na sayang saya siyang kausap si lorin...kung naiinis ka then it means nagseselos ka,ganon lang yun carrel,aminin mo na din kasi sis kasi hindi mo na rin kayang itanggi na nahuhulog ka na sa sinasabi mong kaibigan mo lang"sambit ni criz bago umalis sa harap ko at naupo sa pwesto niya

Napaisip naman ako bigla...

Totoo bang nahuhulog na ko?...

"anong iniisip mo?pagsulpot ni louise at umupo sa tabi ko
"a-ah wala"sagot ko
"halatang meron,pwede mong sabihin sakin"sambit niya pero tahimik lang ako
"common francine tell me,magaling akong magbigay ng advice baka di mo pa alam"sambit niya sabay ngiti

Napabuntong hininga naman ako bago buksan ang bibig ko...

"uhm louise paano malalaman kapag may gusto ka na sa isang tao?"tanong ko at marahan naman siyang napaatras na parang natense sa tanong ko
"woah i didn't expect that coming...but to answer your question,malalaman mo siguro siya kapag naramdaman mo yung feeling na gusto mo nang gawin lahat makuha lang siya"pagsagot niya na kinakunot ng noo ko
(tama ba yun😂)

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now